Chapter 12

101 5 0
                                    

Chapter 12

Thursday

"Thank you sa paghatid, ingat ka." Paalam ko kay Maverick bago bumaba sa sasakyan niya habang may hawak na yumburger.

Ngumiti siya at tumango sa'kin, "Sure. Message kita kapag nakapasok na ko," sabi niya.

Saglit akong napataas ang kilay sa gulat dahil sa sinabi niya.

Tama ba ang narinig ko? Nakababa na ako't lahat at nasa entrance na ng university pero hindi pa rin nakakalma ang tila mabilis na tinatambol na puso ko. Hindi ako makasunod teka, totoo ba? Bakit biglang ganito siya sa'kin?

Ay juice ko Leaf! Hindi ba dapat ay natutuwa ako? Pero... baka akalain nito na easy to get ako?! Woa. Oo nga, ba't di ko 'yon naisip noong una?

Pero... ewan ko na nga at hindi ko na sigurado ang nangyayari. Kasasabi ko lang kanina na ieenjoy ko lang kung ano ang nangyayari sa ngayon kaya bahala na nga.

Pumasok na ako sa klase at bago pa man matapos ang araw ko ay naisend ko na kay Maverick ang kopya ng schedule ko para sa unang semester.

Nangyari nga din ang sinabi niya kanina na magme-message siya sa'kin kapag nakarating na sa Makati, pero nagreact na lang ako ng heart sa mismong message niyang 'yon. Bukod sa hindi ko maisip kung anong pwedeng ireply ay dumating na rin kasi ang Professor ko kaya itinago ko na no'n ang cellphone ko.

Mabilis natapos ang araw na 'yon na napuno lang ng tila walang katapusan na mga klase ko. Habang naglalakad palabas ng university ay nagiinat pa ako ng mga braso ko ay hinihilot ang batok.

Katulad ng nakagawian ay naglakad lang ako papunta sa terminal ng bus na pa-Alabang at nang makasakay ay nagopen na ng cellphone.

@emvaliciejo_

Uwian niyo na?

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko nang mabasa ang message niya. Komportable akong sumandal sa upuan at nagtipa ng irereply.

@dahongueco

Yep, actually kasasakay ko pa lang ng bus. Ikaw?

Nakangiti na ako habang naghihintay ng reply niya. Hindi ko akalain na ganito pala ang feeling kapag may ina-update ka kung anong nangyayari o ginagawa mo. Nakakatuwa dahil parang may taong nagaalala sayo lagi.

@emvaliciejo_

Nasa klase pa ako. Ingat ka, itago mo na cellphone mo at huwag kang matulog sa biyahe.

Mas lumawak ang ngiti ko dahil sa naging reply niya. Mukhang nagkamali ako at hindi pang-boyfriend 'to, parang mas okay maging tatay si Maverick.

Hindi nawawala ang kilig at akala mo'y kinakabahan na dibdib ko habang nagta-type ng ire-reply. Nasa kalagitnaan pa lang ako ng pagre-reply ay bigla siyang nagsend ng picture sa'kin.

Kinabahan pa ako lalo dahil akala ko ay isang selfie picture 'to, pero ano nga ba ang aasahan ko at si Maverick ang ka-chat ko? Nag-send siya ng first semester schedule niya.

@emvaliciejo_

Sabay ulit tayo pasok bukas. Ayos lang ba?

Mahina akong napahagikgik dahil sa message niya. Napakacute nitong taong 'to!  Araw-araw na lang ata ako nitong ginugulat sa mga ginagawa at sinasabi niya, kaya mas nakaka-excite dahil para akong nanonood ng teleserye at inaabangan ang mga susunod pang mangyayari at gagawin niya.

(Valiciejo #1) Deleterious of the CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon