Chapter 22

111 6 2
                                    

Chapter 22

Tickler

"Ano plano natin next week?" Tanong ni Justin pagkatapos mag-tagay at iniabot kay Fifth na siya namang agad na tinanggap ng huli.

"Batangas tayo!" Suhestyon ni Jairus habang nagtataas pa ng kamay. Lasing na ang ungas.

Nandito kami ngayon sa rooftop ng bahay nina Justin at nagiinom, dahil tulad ng nakagawian ay Sabado naman ng gabi ngayon. Ngayon na rin napiling mag-usap kung anong magiging balak sa darating na linggo, dahil holiday break na noon.

Pagkatapos noong nakaraan ay hindi na ulit kami nakapagusap ni Maverick ng tungkol sa holiday break, siguro'y plano na sila ngayon ng pamilya niya.

"Batangas na naman? Pero ayos lang din para malapit-lapit lang." Sabi ni Justin na dalawang beses pang tumango. 

Nanlaki ang mata ko at napasinghal sa narinig sa kaniya, "Hiyang-hiya naman ako sa malapit sa'yo ha." 

Tatlong oras din ang biyahe papuntang Batangas noh. Depende pa kung dulo ng  Batangas ang mapipili naming mapuntahan niyan. Ayoko nga sana ng masyadong matagal na byahe, dahil sobrang sakit ng pang-upo ko lagi.

"Ayos na 'yon! Kaysa naman sa mag-Laguna na naman tayo," balik na sabi ni Justin na siyang inirapan ko na lang. Ano namang masama kung mag-Laguna ulit? Mas mabuti nga dahil malapit naman na 'yon dito sa'min.

"Kung makapag-away kayo kung Laguna o Batangas, eh magkatabi nga lang 'yung dalawang lugar na 'yon." Humihikab na sabi ni Kevin habang naiiling kaya isa pa 'to na inirapan ko rin.

"Tss," at inismiran ko si Fifth naman na natatawa sa'min.

"Teka may kukunin lang ako," biglang paalam ni Jairus at tumayo agad para makaalis.

Nakasunod lang ang tingin ko rito hanggang sa mawala ito sa paningin ko nang lumabas na siya mula sa pinto. Napabuntong hininga ako at tinignan ang pangatlong bote ng Empirador na iniinom namin, halos mauubos na rin ito. 

Sa palagay ko ay maga-alas dies na ng gabi kaya mas lumalamig na nag simoy ng hangin. Open space at tanaw ang mga may kalayuan na buildings pati na rin ang ilaw ng mga kalapit na bahay dito sa rooftop nina Justin. Wala ngayong kahit isang bituin na makikita at tanging liwanag na dala lang ng buwan ang nagpapaliwanag sa kalangitan, pero hindi ito naging dahilan para mabawasan ang nakaka-kalmanteng dala nito. 

"Lasing na 'yung isang 'yon. Last na natin 'yan," sabi ni Fifth at tinutukoy ang lumabas kanina na si Jai. 

Agad ko namang sinang-ayunan ang sinabi niya dahil halata naman na rin sa pamumula ng buong mukha ni Jai ang kalasingan. 

"Oh ito na!" Apat kaming sabay-sabay na napalingon kay Jai nang makabalik na 'to at ngayo'y may red tickler na itinataas.

Nakataas ang kilay akong nakatingin sa kaniya, "Para san 'yan?" 

"To do list ko 'to, dapat magawa ko 'to lahat." Sabi niya nang tuluyan nang makaupo sa kaninang pwesto. 

Lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, miski ang tatlo pang ungas ay kuryoso lang na nakatingin ngayon kay Jairus. Hindi ko alam na may ganito itong listahan at halata naman sa reaksyon ng tatlo pang kasama na 'di rin nila akalain na may ganito pala si Jai. Nabibigla tuloy ako.

Nakangiting binuklat ni Jairus ang tickler niya at parang may hinahanap at hindi rin nagtagal ay biglang lumawak ang ngiti. 

"Mag-stay ng over 3 days sa isang beach sa Batangas kasama ang babies at ang dahon," pagbabasa niya.

Nangingiting napailing ako sa narinig dito. Ito ang pinaka-maloko pero ito rin talaga ang masasabi kong sweet sa aming lima. 

"Wala pang check 'yon kaya gawin na natin 'yon next week!" Sabi niya at tinignan kaming lahat 'tsaka tumango-tango.

(Valiciejo #1) Deleterious of the CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon