Chapter 26
Dagat
Saktong magtatanghalian na nang makapag-ayos kami ng lahat ng gamit, kaya pare-parehas lang kaming nag-usap na magpalit na muna at kakain na muna.
Katulad ng nakagawian ay may sarili akong kwarto at ang apat na ungas ay magkakasama na sa iisang kwarto, na katabi lang naman ng sa akin.
Nagsuot lang ako ng rashguard at short shorts. Hindi ko ugali ang pagbi-bikini, dahil na rin siguro sa hindi ako nasanay rito. Awkward kasi para sa'kin at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay 'di talaga ako komportable.
"Saan tayo?" Tanong ko sa mga 'to habang magkakaharap kaming kumakain ngayon ng tanghalian.
Kumain naman ako ng almusal kanina a bahay bago kami umalis, pero sobra pa rin talaga ang gutom ko ngayon at mukhang ganoon din naman ang mga kasama ko.
"Wala, riyan lang tayo swimming sa pool. Lipat-lipat na lang tayo riyan," natatawang sabi ni Justin na agad ko namang inirapan.
Panira at wala talagang masasabing matino ang taong 'to. Bakit ba sinama namin 'to? Sapakin ko 'to eh.
"Ang baho mo," sabi ko rito at hinarap na sina Fifth na busy ngayon na kumakain.
Ang mga walang hiya, hindi ako pinapansin at puro lang kumakain!
"Sige ha, wag niyo kong sagutin. Tutulugan ko lang talaga kayo buong araw," nakaismid na sabi ko sa mga 'to at itinuloy na ang pagkain.
Natatawa naman biglang sumagot si Vin, "Tignan na lang natin mamaya riyan sa baba kung anong mga pwedeng gawin, boss."
Ngumiwi lang ako rito at tumango.
Ang kainan na parteng ito ay maraming mesa at upuan pero halos aapat lang ata kaming mga umuukupa ng mga mesa nila. Dalawa rito ay magkakapamilya habang ang isa pang umuukupa ay may nasa pito ka-taong halos kasing edad lang siguro namin, at ang huli ay kaming lima.
Nakatalikod ako ngayon sa dagat kaya hindi ko ito nakikita, pwera na lang kung mag-eeffort ako na humarap pa rito at talikuran ang mga ungas na nasa harap ko.
Habang nakain ay bigla kong naalala na nagpa-henna ako noong nakaraang punta namin sa beach kasama ang family ko. Parang gusto ko naman ngayon ay tattoo na mismo.
"Pa-tattoo tayo!" Aya ko sa mga ito at pare-parehas naman 'tong napatingin sa akin.
Seryoso lang ang mukha nilang nakatingin sa akin at pare-parehas pa na nakataas ang kilay. Ano mayro'n?
Tinaasan ko rin ang mga 'to ng kilay at bumuntong hininga.
"Ayaw niyo magpa-tattoo? Maliit lang naman! Sige na, wag na kayong maarte riyan!" Pagpipilit ko sa mga 'to.
Gusto ko sanang magkaroon kami ng pare-parehas na tattoo. Ayaw ko ng henna dahil hindi naman 'to magtatagal.
Akala ko ay tuluyan na nila akong hindi papansinin at kakain na lang, pero nagsalita si Fifth.
"Hoy, baka nakakalimutan mo na Nursing student ka at bawal ang may tattoo sa Med Field." Paliwanag nito nang naiiling, at tumango naman ang tatlo pang ungas habang nagsasalita si Fifth.
Tss, pucha naman.
Huminga ako ng malalim para maipaglaban ang pagpapaliwanag ko.
"Pwede 'yon! 'Tsaka hindi naman ako magpapatattoo ng buong katawan, 'yung maliit lang ipapatattoo ko. May mga hospitals naman na hindi big deal sa kanila ang may tattoo, 'tsaka ano na lang ba 'yung ipapa-tattoo ko na mga 2 inches lang siguro o 3. Kung sakali 'man kaya na 'yon remedyuhan ng concealer, duh." Mahabang sabi ko sa mga 'to at umirap 'tsaka nakahalukipkip na sumandal sa upuan.
BINABASA MO ANG
(Valiciejo #1) Deleterious of the Carousel
Romance(Valiciejo Series 1) 𝐒𝐞𝐥𝐟-𝐫𝐞𝐩𝐫𝐨𝐚𝐜𝐡𝐟𝐮𝐥. 𝐃𝐞𝐞𝐩𝐥𝐲 𝐬𝐦𝐢𝐭𝐭𝐞𝐧. 𝐀𝐫𝐞 𝐰𝐞 𝐦𝐞𝐚𝐧𝐭 𝐭𝐨 𝐛𝐞? Meinleafe Louisse and Maverick Emilio, everything about them started so perfectly. Smooth and slow; like the hard-spherical ball tak...