Chapter 14

90 6 0
                                    

Chapter 14

Date

@dahongueco

Kauuwi ko pa lang, maliligo lang ako saglit.

Pagkasend ko ng message kay Maverick ay dumiretso na ako sa bathroom para maligo. Thursday na ngayon, at ngayon ang napagusapan namin na aalis kami. Hindi ko pa alam kung saan kami pupunta pero siguro ay kung saan na lang na malapit. Tutal ay baka halos sumaglit lang naman kami at kumain dahil may pasok pa kami bukas.

Hindi ko alam kung paano ko papakalmahin ang sarili sa sobrang excitement na nararamdaman ngayon. Hindi ito ang first time ko, pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kaba at excitement at the same time.

I don't actually know if I'll wear a dress or just a plain pants and a shirt. Halos mataranta na ako at wala akong magawa kung hindi ang magpalipat-lipat ng tingin sa mga damit na nasa closet. Wala naman akong mapagtanungan dahil wala naman akong malapit na kaibigang babae, at kung magtatanong ako kina Fifth ngayon sa gc ay pagtatawanan at aasarin lang ako ng mga 'yon! Isama pa na mga kalokohan na naman panigurado ang mga isasagot nila.

Napabuntong-hininga ako at nagdesisyon nang magsusuot na lang ako ng black mid-legs skirt at isang sleeveless turtle neck na puti at nagdala rin ako ng croptop denim jacket. Mas ayos na siguro 'to, at sa susunod na lang siguro ako magde-dress, kung may susunod pa nga.

Kahit na gustuhin kong mag-ayos o maglagay man ng kahit anong kulay sa mukha ay hindi ko magawa dahil hindi talaga ako marunong. Isang beses ko na ito noon sinubukan pero sumuko lang din ako dahil di ko kaya. Hanggang liptint o lipbalm lang ako at powder.

12:45 P.M. na nang matapos ako sa pagaayos ng sarili. I checked my conversation with Maverick and saw that he already replied.

@emvaliciejo_

Take your time. Pauwi na rin ako, at sunduin kita sa inyo.

Napangiti agad ako sa nabasa. Late lunch na ang mangyayari, at ayos lang din naman sa'kin dahil medyo busog naman ako at nag-merienda kanina sa university.

Nag-message lang ako sa kaniya na ready na ko at hihintayin ko na lang siya rito. Nakapagpaalam na rin ako kina Mama kahapon pa, kaya alam na niyang may lakad talaga ako ngayon pagkatapos ng klase.

Nilibang ko lang ang sarili sa pags-scroll sa facebook hanggang may magdoorbell na mula sa labas, kaya agad na akong bumaba.

"Hi," bati ko sa kaniya nang maabutan siya sa labas.

May kalayuan ang pagitan naming dalawa pero naamoy ko na agad ang bango niya, ito ang pinaka-paborito ko sa kaniya, hindi matapang o masakit sa ilong ang pabango niya.

Malinis at halata ang kalambutan ng buhok niya ngayon. Nakasuot siya ng brown linen trousers at isang puting shirt na panloob na pinatungan niya ng itim na denim jacket habang naka-sapatos naman na puti. He's wearing his necklace again, but this time it's not the silver chained necklace, it's a silver necklace with a round pendant. Hindi ko masyadong makita kung ano ang design o kung anong meron sa pendant niya. Ang pagkabilog lang nito ang malinaw sa'kin.

"Hey," balik na bati niya at ngumiti sa'kin.

Hindi pa rin ata ako masasanay sa ngiti niyang 'yan, ang ganda masyado ng ngiti niya, kaya talagang hindi mo maiiwasan na hindi madala at mapangiti rin kapag nakikita 'to.

"Nandyan ba si Tita?" Biglang tanong niya na ikinagulat ko.

Sa ilang beses niyang pumunta rito sa bahay ay ngayon niya lang naitanong kung nandito si Mama sa bahay, bukod noong nakaraan na aksidente siyang naabutan ni Mama sa paghatid sa'kin.

(Valiciejo #1) Deleterious of the CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon