Chapter 18

94 5 5
                                    

Chapter 18

Tuesday

Nang mag-Sabado ay sabay-sabay kaming pumunta sa JPA Court para sa laro nila. Hindi ko pa alam kung sino-sino ang idadagdag nila dahil halata namang kulang sila, pero ang sabi naman ng mga ito na madali na lang daw makahanap ng makakalaro no'n mamaya. Dahil na rin baka ang magpipinsan na ang magdala ng ilang kakilala. 

Hindi ko masabi at pinipigil ko ang sarili na i-suggest na tawagan na lang ang mga Valiciejo at sila ang ayain na magkumpleto sa grupo. Paniguradong lalo akong aasarin nitong mga 'to sa oras na sinabi ko 'yon, kaya nanahimik na lang ako.

Nakatambay pa kami ngayon dito sa isang sari-sari store na katapat mismo ng court, at naghihintay sa magpipinsang Zobel. Kairita ang babagal.

"Painom," sabi ni Jai at basta na lang inagaw ang iniinom kong royal na nakaplastic. Papansin 'to!

"Mayro'n ka na ng sa'yo ah!" Reklamo ko rito at inirapan siya. Nakakainis, mayro'n naman siya kaninang softdrinks niya. Gamahan talaga 'to, inubos agad 'yung kaniya para makapang-agaw no'ng sa'kin.

"Ubos na kasi," nangaasar na sabi nito na inismiran ko lang.

Napabalik ang tingin ko sa cellphone ko nang magvibrate 'to.

@emvaliciejo_

Are you free today?

Natigilan ako nang mabasa ang message niya. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kaniya kung nasaan ako ngayon, pero naiisip ko rin na bakit ko naman sasabihin? Dahil ineexpect kong 'yon ang susunod niyang itatanong kung sagutin ko siyang hindi ako libre ngayong araw? Ang sakit nito sa ulo!

@dahongueco

Bakit?

Tahip-tahip ang dibdib ko habang naghihintay sa magiging reply niya.

Pucha Leaf, bakit nagtanong pa nga ba ako at hindi ko na lang sinagot ng diretso? Ay juice ko, 'di ko na maintindihan miski ang sarili ko.

@emvaliciejo_

Aayain sana kitang kumain tayo sa labas, kung sakaling libre ka ngayong araw.

Natahimik at natulala ako sa nabasa. Alam ko naman nang hindi ako pwede ngayon, pero parang ang hirap no'n i-type at i-reply sa kaniya.

Gusto kong pigilan ang nararamdaman ko para sa kaniya pero bawat galaw ko, lagi pa rin akong napapahinto at naiisip na baka masaktan siya dahil dito. Nakakainis naman! Naguguluhan na ako.

"Hi! Kanina pa kayo mga dudes?"

Napalingon ako sa hindi pamilyar na boses nang nagsalita.

Isang lalaking nakasuot ng isang gray na t-shirt at white jersey shorts habang nakasuot na ng isang sapatos na mula sa Nike.

Ngiting-ngiti ito at tinignan isa-isa ang mga kasama ko. Nang ako na ang nakasalubong ng tingin niya at mas lalong lumawak ang ngiti nito, kaya napataas naman ang kilay ko. Sino ba 'to?

"Sorry natagalan kami,"

Naputol ang tinginan namin ng lalaking naka-gray na damit nang dumating si Nate, ang isa sa Zobel. Katulad ng isa ay tinignan niya rin kami isa't-isa para ngitian habang tinapik niya sa braso si Fifth na katabi niya, nang nagkatinginan naman kami ay tinanguan ko lang ito. Hindi naman kami masyadong close, tamang magkakilala lang talaga.

"Nagtawag na kami ng kukumpleto sa'tin, pero padating pa lang sila." Biglang sabi ni Luis na nakatayo ngayon sa tabi ng hindi pa rin napapanisan ng ngiti na lalaking naka-gray. Para siyang bata na ngiting-ngiti masyado, kaya hindi ko tuloy alam kung matatawa ba ako o huwag.

(Valiciejo #1) Deleterious of the CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon