Chapter 7

120 6 0
                                    

Chapter 7

Kendrick

@dahongueco

Uy, good morning!

Sinamahan ko rin 'to ng GIF na babaeng nagya-yawn. 

Napangiti naman agad ako dahil sa binasang message ko kay Maverick. Wala nang hiyaan 'to, crush ko naman eh.

Nagpigil na nga akong i-dm siya buong araw kahapon, dahil plano kong ngayong sabado ko na lang siya id-dm para hindi masyadong halatang excited na excited ako.

Ewan ko na nga lang kung mapapansin ba niya 'yon.

Ipinatong ko muna saglit ang cellphone ko sa coffee table at tumayo mula sa pagkakahiga sa sofa para dumiretso ng kusina.

"Anong oras ba 'yung game niyo?" Tanong ko kina Jai habang nakuha ng asin na sasawsawan ko sa camias na nakita sa table nina Fifth.

Nandito kaming lima sa bahay nina Fifth para maki-tambay at magpalipas ng oras. Nanonood muna kami ng sa netflix at saglit ko muna silang iniwan sa salas para kumuha ng asin.

"Mamaya pang alas singko," sagot ni Justin habang tutok pa rin sa panonood.

"Leaf luto ka fries," utos ni Kevin habang may yakap na namang unan.

Napairap ako dahil sa narinig. 

Ako na naman gagawing taga-luto nitong mga 'to dahil wala si Tita at walang magbibigay sa'min ng merienda.

Bumuntong hininga ako at naglakad palapit sa refrigerator para kumuha ng fries. Ni-ready ko na muna lahat ng kailangan tsaka ako nag-unang salang at habang naghihintay ay naalala ko ang cellphone kong naiwan sa coffee table.

"Ginagawa niyo?" Tanong ko kina Jairus, Kevin, at Justin na ngayon ay pinaggigitnaan ang cellphone kong hawak ni Jai.

"Nag-sent pala ng friend request sayo 'tong si Cervantes, ba't di mo inaaccept?" Tanong ni Justin habang hawak-hawak pa rin ang cellphone ko.

Napakunot noo ako dahil sa tanong niya. Wala akong idea kung sino 'yung Cervantes na sinasabi niya, at hindi ko naman napapansin sa friend requests ko.

"Baka hindi pogi kaya di ko inaaccept," sagot ko rito at malakas ang pwersa na inagaw ko ang cellphone ko sa kanila.

Nakatingin lang silang tatlo sa'kin nang inagaw ko 'to, at pare-parehong umupo na nang maayos.

"Sabihan mo kami kapag nagreply na si Cervantes ha, pagtripan natin." Malademonyong sabi ni Jairus habang malademonyo rin na natawa. 

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Anong tinutukoy nitong ungas na 'to?

"Sinasabi mo r'yan?" Nakataas pa rin na kilay kong tanong.

Sabay-sabay naman silang bumungisngis tatlo na lalong nagpairita at taas ng kilay ko.

May ginawa na naman atang kalokohan 'tong tatlong 'to.

"Wala--" 

Hindi na natuloy ni Jairus ang sasabihin nang tumunog ang notification tone ng cellphone ko, at bago ko pa buksan ang cellphone ko ay sabay-sabay na silang tatlong nakapalibot sa'kin para makiusyoso.

"Lumayo nga kayo!" Iritado kong reklamo sa mga 'to at sabay-sabay silang itinaboy. 

Mga chismosong ungas 'to, nakakarindi talaga sa kulit.

"Titignan lang namin kung sinong nag-chat!" Sigaw na reklamo rin ni Justin at lumapit na naman sa kaliwang gilid ko, kaya gano'n din ang ginawa nung dalawa.

(Valiciejo #1) Deleterious of the CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon