Chapter 4

168 8 6
                                    

CHAPTER 4

Girlfriend

"Ayos ka lang?" Napalingon ako kay Fifth nang tanungin niya ako.

Napataas ang kilay ko pero agad din akong tumango rito nang dalawang beses.

Ay juice ko! Nakahihiya na ata reaksyon ko kaya napansin na ni Fifth. Napailing-iling ako at piniling pilitin ang sarili na huwag nang lumingon sa mga Valiciejo na kaharap.

Napakaliit nga talaga siguro ng Muntinlupa para magkakilala ang magpipinsan na 'to at si Dria, na siyang kaibigan din ni Kevin. Lahat konektado, at 'di ko alam kung anong dapat maramdaman sa bagay na 'yon. Masyadong corny kung sasabihin kong destiny ang nangyayari 'no, 'tsaka maaga pa.

Slight ko nga lang siyang gusto e. Tama lang; 'yong sakto. Hindi pa masyadong sure.

"Doon na rin kayo sa bungalow house na gamit namin. Laki no'n e," aya ni Jai sa mga 'to.

Aba. Nagmagaling pa ang ungas. Akala mo naman siya ang may birthday para siya ang magdesisyon nang magdesisyon. Tado talaga 'to.

"Tignan mo kung makapag-aya 'tong isang 'to, akala mo party niya." Bulong ni Fifth kaya napatawa ako ng mahina dahil dito.

"Feelingerong desisyon 'yan e," mahinang sagot ko rito.

"Iwan na kaya natin 'yan dito? Hayaan natin siyang mag-trabaho na rito sa resort; pasaway lang naman din 'yan sa Munti at sa San Beda." Sabi niya nang pabiro.

Naiiling akong natawa sa sinabi nito. Ang mismong kaibigan na ang nagtaboy kay Jai mula sa Muntinlupa at sa San Beda College. Akala mo naman talaga ay makakaya namin nang wala si Jai.

"Gago, lagot tayo niyan kay tita." Pinipigil ang tawa na sagot ko sa kaniya kasabay nang pagsiko rito.

"Hoy! Kayo lang na naman nagkakaintindihan dyan." Sabay kaming napatingin ni Fifth kay Justin nang bigla kami nitong napansin.

Akala ko ay nakatalikod 'to sa'min, at busy sa pakikipagusap sa mga Valiciejo. Jai na Jai rin talaga ang taong 'to e, wala nang pinalampas na pagkakataon para mang-asar o mang-istorbo.

"Selos ka naman agad baby ko," nantutuksong tono na sabi ko rito 'tsaka dahan-dahan na nag-ipit ng buhok sa likod ng tainga.

Mula sa ngiwi at biglang tumawa si Justin. Problema ng taong 'to? May saltik na ata ang isa sa mga kaibigan ko. Mahirap 'to.

"Baka nga ako! Baka nga talaga," sabi nito at nagsusupil ng ngisi.

Nakaharap siya sa'kin pero ang mata niya ay biglang gumalaw sa kanang gilid, tanda na sinesenyas niya ang kanan niyang side. Kumunot ang noo ko dahil sa ginagawa nito at saktong napadaan ang tingin ko kay Jai, na sumesenyas din sa parehong direksyon. Wala akong nagawa kung 'di tignan at hanapin ang mga pakulo nito.

Agad akong napalunok nang nakasalubong ko ang wala pa rin reaksyon na mukha ni Maverick. Nakatiim lang ang bibig nito pa-isang linya habang nakatingin ng diretso sa akin.

Ano... Ano rin ang problema nito? Pare-pareho ba sila nina Justin na problemado?

Hindi ko malaman kung ang dibdib ko ba na nagsisimulang sumikip sa kaba ang iintindihin, o ang isang pares ng mata na nanunuot sa balat ko ang tingin sa akin.

Galit ka niyan? Ba't galit?

Tangina, hindi kaya siya ang nagseselos? Baka medyo crush na rin niya ako? Ay juice ko! Feeling ko biglang humaba ang hair ko!

Napailing ako sa naiisip at tumikhim ng mahina. Hindi Meinleafe, huminahon ka. Huwag masyadong magaassume at hindi puwedeng ma-fall 'no. Mahirap ang buhay, kailangan munang mag-aral.

(Valiciejo #1) Deleterious of the CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon