Chapter 38

118 3 0
                                    

CHAPTER 38

Realizations

"O anak?! Bakit nandito ka? Wala kang sinabi na uuwi ka ngayon; sinalubong ka sana namin sa airport." Bungad na sabi sa'kin ni Mama at niyakap ako ng mahigpit.

Niyakap ko rin ito pabalik pero hindi kumakalma ang kabog ng dibdib ko, dahil sa sobrang kama.

"May emergency lang po Mama; mamaya ko na po sasabihin sa inyo. Sa ngayon po ay magpapalit lang ako ng damit at manghihiram sana ng sasakyan kay Papa." Sabi ko rito at hindi binibitiwan ang hawak sa strap ng suot na backpack.

Salubong ang kilay ni Mama na tinignan ako pero dahil siguro sa nakikita niyang pagka-taranta ko ay agaran na lang itong tumango. Gustuhin ko man na i-kuwento sa kaniya ang nangyayari ay wala pa rin naman akong alam.

"Sige, magpalit ka na roon at ako na ang magsasabi sa Papa mo na nandito ka; pati ang tungkol sa sasakyan." Sabi ni Mama at tinapik ako sa braso.

Napangiti ako dahil sa sinabi nito at agad nang umakyat papunta sa kuwarto ko. Mabilis akong nagpalit sa isang komportableng pang-alis na damit; pantalon at t-shirt. Bago ako lumabas ay sinikap ko munang pakalmahin ang sarili.

Ipikit ang mga mata.

Bumilang hanggang tatlo.

Mabagal na huminga ng malalim.

Mag-isip ng mga positibong pangyayari.

Nang maramdaman ko na ang unti-unting pagkalma ng dibdib ko ay dahan-dahan akong nagmulat. Alam ko na at natuto na ako; hindi makakatulong ang kaba na nararamdaman ko. Kailangang maging mahinahon para mas maintindihan ko ang nangyayari.

Inabot ng tatlumpung minuto ang biyahe ko bago nakarating sa Asian Hospital and Medical Center. Malalim na ang gabi pero marami pa rin ang sasakyan na nagpapabalik-balik sa ospital. Nang matapos akong magtanong sa reception area ng ospital, ay agad na akong dumiretso sa kuwarto ni Kevin.

Nasa hallway pa lang ako ay sinalubong na agad ako ng tanawin ng nakayuko na si Justin. Nakaupo ito sa tapat ng isang kuwarto, na siguradong kay Kevin.

Déjà vu.

Ramdam ko ang pagkadurog ng puso ko; ang lungkot na biglang lumiyab. Buong lakas akong naglakad palapit dito at tahimik na tinabihan siya sa kinauupuan. Agad itong lumingon sa akin at saglit pa na rumehistro sa mukha nito ang pagkagulat.

"Hey," mahina ang boses na bati ko rito.

Hindi ito nagsalita bagkus ay niyakap ako ng mahigpit. Ramdam ko ang pagod nito pati na ang init ng katawan niya. Pinili kong hindi na muna magsalita at niyakap na lang ito pabalik. I missed him, so much.

"Sorry Dahon." Mahina ang boses na bulong nito at hindi ako pinakakawalan sa pagkakayakap.

Malungkot akong napangiti dahil sa narinig. My heart suddenly felt like a cake; a fluffy one, so soft. Dalawang beses ko itong mahinang tinapik sa likod; na nauwi sa pagtahan sa kaniya. Ang init ng luha nito ay ang siyang unti-unting bumasa sa kuwelyo ng damit ko.

"I'm so sorry for leaving you. Sorry kung mas pinili kong umalis noong kailangan mo ng kasama. Sorry Dahon."

Parang dinudurog ang puso ko nang marinig ang paghikbi nito. Tumango lang ako rito at mas marahan na hinaplos ang likod niya.

"Ayos lang 'yon, ano ka ba? Naiintindihan ko naman at siguradong may dahilan ka kung bakit bigla kang nawala. Ayos lang, okay? Tahan na." I sincerely said.

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin. Ang basang pisngi niya ang nakaharap ko nang lumayo siya. Natatawa akong pinunasan ang magkabila niyang pisngi. Iyakin pa rin pala ang feeling baby na 'to.

(Valiciejo #1) Deleterious of the CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon