Chapter 25

97 6 0
                                    

Chapter 25

Outing

"Ayos lang ba sa'yo?" Tanong ko kay Maverick habang nakatingin sa kaniya.

Nandito kami ngayon sa Jollibee ng isang Mall at baka ito ang maging huling kita namin bago kami ma-busy sa kaniya-kaniyang pupuntahan ngayong holiday break.

Dahil hindi naman lunch time ngayon o merienda kaya bilang lang sa mga daliri sa kamay ang laman ng fadt food chain, pero kung titignan naman ang labas ay napupuno 'to ngayon ng tao. Lahat ay busy na sa kani-kanilang pamimili ng pang-handa at pang-regalo ngayong darating na pasko.

Napupuno na rin ng Christmas lights ang Mall, at pinaiingay naman ng mga pampaskong tugtugin. Indeed, Christmas is in the air!

"Oo naman, 'yon din naman ang plano ko. Nahihiya pa lang akong magsabi sa'yo dahil baka hindi ka pa handa," sagot nito.

Sinabi ko kasi sa kaniya na gusto siyang makilala ni Papa. Noong una nga ay hindi ko alam kung paano sasabihin 'yon sa kaniya dahil hindi ko alam pero nakakahiya! Feeling ko kasi parang pine-pressure ko siya bigla na kailangang-kailangang makilala siya nina Papa, kahit hindi naman. Ewan ko na talaga!

"Siguro kahit pagkatapos na lang ng holiday break? January? Busy na kasi tayo ngayon," sabi ko rito.

"Sige lang, saan mo ba is-spend holiday break mo?" Tanong nito sa'kin pagkatapos ay uminom ng tubig niya.

Late lunch lang ang kinakain namin ngayon, at biglaan lang na lumabas kaming dalawa ngayon.

"Sa Friday aalis na kami pa-Batangas nina Fifth at Monday ang uwi namin, tapos no'n ay sa bahay na lang ang stay ko. Ikaw? Aalis ba kayo?" Tanong ko rito.

Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang i-invite sa pagpunta naming Batangas, pero 'di ko rin magawa dahil inaalala ko di Jairus. Ang gusto kasi no'n ay kaming lima lang ang mag-Batangas at dahil daw 'yon ang mismong nakalagay sa to do list niya.

Marahan siyang tumango ng dalawang beses.

"Laguna, ro'n naman kaming lahat lagi kapag holiday break. Aayain sana kita pero sasakto pa lang kinabukasan ng uwi niyo ay Christmas na." Mahinang sabi nito pero sapat lang para marinig ko.

Kinabahan agad ako at tila naaligaga ang pakiramdam ko sa narinig ko sa kaniya. Kung sakali man na isasama at ipapakilala niya ako, kung ganoon ay baka buong angkan pa ata niyan ang nandon!

"Lahat? Valiciejo?" Paninigurado ko rito.

Marahan naman siyang tumango ng dalawang beses sa akin.

Shit.

Parang mabuti na lang pala ay magiilang araw kami sa Batangas! Oo at gusto ko rin naman makilala ang family ni Maverick pero hindi pa ako ready! Iniisip ko pa nga lang ay sobra na ako ngayong kinakabahan at parang kakapusin ng hininga!

"Sorry. Sa January na lang din siguro?" Natatawang suggestion ko rito.

Baka naman sa January at matapos ko siyang maipakilala kina Papa ay makapagready na ako sa pagpapakilala niya sa'kin sa family niya. Sana nga kaya ko na no'n at sana rin ay hindi ko siya mapahiya.

Agad kong nahalata ang pagkinang ng mga mata niya, tanda na natutuwa siya. Napangiti naman ako.

"That's okay, so January then? Magiging busy pala tayo nito sa January." Nakangiting aniya.

Tumango ako, "Legit. Kinakabahan na agad ako."

Habang nakatingin sa'kin ay natawa siya dahil sa sinabi ko. Ang taong 'to, joker ba ako? Sinasabi ko nga rito na kinakabahan na ako. Pucha.

(Valiciejo #1) Deleterious of the CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon