Chapter 5

179 8 10
                                    

CHAPTER 5

Social Media

"Sobrang sakit ng ulo ko. Nahihilo ako," reklamo ni Jai at dire-diretso nang naglakad pasakay sa sasakyan ni Justin.

Ayan ang mga gago, puro nahihilo, dahil sa sobrang pagiinom kagabi. Mga hayok kasi sa alak. Akala mo naman mga kaya nilang maglasing ng sobra, puro susuko rin naman.

Napailing na lang ako rito at pabagsak na inilagay sa likod ang bag ko pati bag ni Jai na dala ko. Si Fifth naman ay dala ang bag niya, ni Justin, at kay Kevin. Diretso ang tatlo sa pagpasok sa loob ng sasakyan. Si Kevin ay yakap-yakap na agad ang isang round orange pillow na siyang nasa loob na talaga ng sasakyan, habang si Jai at Justin ay parehong pupungas-pungas pa.

Nakapagpaalam na rin kami kanina kay Dria na aalis na.

"Mart, man una na kami, mga bagsak na 'tong kasama namin eh." Paalam ni Fifth kay Mart, ang Valiciejo na may suot na itim na hikaw sa kaliwang tainga.

Kahit medyo nalilito pa ako sa mga pangalan nila ay sinusubukan ko pa rin na kabisaduhin na ang mga ito. Kailangan kong kabisaduhin dahil pinsan 'to ni crush! 

"Go bro, ingat kayo! Kita na lang sa Munti!" Sagot naman nito at tinap ang kaliwang balikat ni Fifth; tinanguan naman ako.

Kung tama ang pagkakatanda ko ay si Mart ang pinakamagaling sa kanilang magpipinsan na maglaro ng basketball noong nakaraan, pero 'di maiiwasan na napansin ko rin ang dumi nito sa loob ng court. Hindi naman siguro talaga 'yon maiiwasan, dahil miski si Jai ay madalas na ganoon.

Sasakay na sana kami sa sasakyan nang maabutan namin ang apat pang Valiciejo na umaakyat na sa hagdan at papalapit na sa'min. Pare-pareho itong may suot na kaniya-kaniyang backpack; 'di ko mapigil ang ngiti nang maisip na halatang-halatang galing ang mga ito sa swimming.

"Una na kami; ingat kayo." Paalam dito ni Fifth at saglit na itinaas ang kanang kamay.

Napako ata ako sa kinatatayuan at hindi ko na magawang maigalaw ang mga paa. Diretso ang tingin sa akin nang walang kababakasan ng ngiti na si Maverick. Dapat ba akong bumati rito at magpaalam? O huwag na? Pakiramdam ko naman ay naging close na kami ng kaonti dahil sa paguusap kagabi.

Pero, huwag na! Nakahihiya 'yon kung sakali. Anong iisipin ng mga pinsan niya kung bigla ko itong babatiin?! Issue 'yon! Baka sabihin pa na patay na patay ako kay Maverick kahit na slightly crush ko lang 'to!

Nakuntento na lang ako sa pagbibigay ng tipid na ngiti at tango rito. 

"Ingat din kayo; laro tayo next week. Nag-a-aya Zobelians," sagot ni Moises nang makalapit na sila sa amin. Puting BMW ang sasakyan na gamit nila at sa mismong tabi lang ng SUV namin ito nakaparada. Kaonti at maliit lang ang pagitan ng agwat nito, sakto lang para sa hindi tumama sa magkabilang sasakyan kapag binuksan ang pinto. 

Tanda at kilala ko na si Moises dahil sa sobrang daming lumalapit dito kagabi at binabati siya. Mukhang napaka-friendly niya at hindi rin nabubura ang ngiti sa labi nito. 

"Sige lang. Game kami." Nakangiting sagot ni Fifth dito.

Umikot na si Fifth papunta sa driver's side at naiwan akong nandito pa rin sa gilid ng pinto nitong shotgun seat. Masyadong naninigas ang buong katawan ko at hindi ko magawang maiangat ang kamay para buksan ang pinto, lalo na nang lumapit na sa tabi ko si Maverick. Dumiretso ito sa gilid ng sasakyan nila pero bago pa man ako tuluyang malampasan ay nagsalita na.

"Ingat," mahina at saktong ako lang ang makakarinig na sabi niya.

Automatiko akong napangiti dahil sa narinig. Parang kinikiliti ang tyan ko at ang bilis na naman ng tibok ng puso. Ano na bang nangyayari sa'kin?! Hindi naman ako ganito noon!

(Valiciejo #1) Deleterious of the CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon