Chapter 35

95 4 0
                                    

Chapter 35

Promise

Ilang gabi akong nalunod sa sariling luha pagkatapos nang hapon na 'yon. Bilib na ako sa sarili ko dahil kinaya kong hindi tumakbo pabalik sa kaniya noon.

Paniguradong sa simula lang magiging mahirap 'to pero sa mga susunod pang araw ay masasanay na ako. Hindi ko na siya noon maiisip o minsan-minsan na lang dadalaw sa isip ko. Kaya ko 'to; kailangang kayanin ko 'to.

"Leaf anak? Papasok ako ha," paalam ni Mama mula sa labas ng kwarto ko.

Napaupo agad ako at napasuklay ng buhok gamit ang mga daliri. Isang buntong hininga ang ginawa ni Mama nang makita ang ayos ko. Lumapit siya sa'kin at naupo sa gilid ng kama ko.

"Hindi ka pa nakakapag-ayos ng gamit?" Tanong nito.

My brows furrowed. Wait, what day it is today? Ngayon na ba 'yon?

"Sinasabi ko na nga ba at makalilimutan mo e. O siya, mag-simula ka nang mag-impake ng gamit mo anak." Pabirong sabi nito at kasabay nang pagtayo niya ay ang pagpunas ng magkabila kong pisngi.

"I love you 'nak." She said and smiled.

Napangiti naman ako dahil sa naging ngiti niya. Lumabas na rin naman agad siya no'n.

Hindi ko man diretsong ikine-kwento sa kanila ang nangyari noong hapon na 'yon; alam kong may ideya na sila. Hindi ko naman itinatago 'yon. Sadyang hindi pa lang ako handang mag-kwento. Laking pasasalamat ko na lang na hindi rin naman sila nagtatanong.

Halos isang linggo na ang nakalipas pero sobrang linaw pa rin sa pandinig ko ang boses niya noon. Ang garalgal at ang paghikbi niya. Pati ang init ng kamay niya nang hawakan niya ako. Sariwang-sariwa pa rin sa akin lahat pero aasa akong unti-unti rin itong lalabo; hanggang sa makalimutan ko na. 'Yon ang kailangan kong gawin.

Tumayo na ako sa kama at nagsimulang ayusin sa isang maleta ang lahat ng damit na dadalhin ko. Hindi lumipas ang isang oras ay natapos na akong mag-ayos ng sarili at ng mga gamit. Handa na akong umalis.

"Ready ka na?" Salubong agad na tanong ni Mama nang matanaw akong pababa sa hadganan.

Tumango lang ako sa kaniya habang hila-hila ang maleta.

Ngayon na ang alis ko papunta sa Bicol. 'Yon ang isa sa mga suhestyon ng Doktor ko na pwede kong puntahan. Siguro'y ilang buwan ang bibilangin nang pags-stay ko roon; depende sa magiging response ng katawan at isip ko.

Kumain muna kami ng tanghalian bago umalis papunta sa Airport. Hindi ko napigilan ang pagkasabik at ang sobrang kaba nang mapadaan kami sa Alabang. Malabo man at maliit ang posibilidad ay umasa pa rin akong makikita ko siya roon na naglalakad o kasama ang mga pinsan niya. Natatawa at awa na lang ako sa sarili ko, dahil na-traffic man kami sa Alabang ay wala akong nakitang Maverick sa daan. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko.

"Susubukan ka naming bisitahin do'n. Magi-ingat ka a, at kung papayagan ka nang gumamit ng cellphone ay tawagan mo agad kami." Sabi ni Mama at marahan na sinusuklay ng kamay niya ang buhok ko.

I smiled while nodding. This will be the first time I'll be away from them, and I still don't know what will happen next. The only thing that's I'm telling myself is to do my best to be mentally stable again, so I can go back to them... also to him. If he'll let me. If I'm not yet late.

"Opo Ma, ilang buwan lang naman po ako roon. Babalik agad ako; ayoko pong mamiss kayo ng sobra e." Natatawang sabi ko rito kaya nangingiti itong napailing.

Yumakap lang ako sa kanilang dalawa ni Papa at hindi rin nagtagal ay umalis na. Hindi na nakasama sa paghatid sa akin si Oliver dahil nasa school pa 'to. Pagkatapos ko rito ay 'tsaka na lang ako hahabol at mage-enroll ulit para sa second semester ng first year ko. Noong una ay ayoko pa sana pero sina Mama na ang nagsabi na mas ayos nang unahin ko ang sarili ko, at 'di naman aalis ang pagaaral kaya hindi kailangang habulin. Kahit anong oras ay pwede kong kuhanin ulit ang gusto kong kurso.

(Valiciejo #1) Deleterious of the CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon