Chapter 32

90 7 0
                                    

Chapter 32

Breakdown

Napaangat ang tingin ko kay Justin nang bigla itong tumayo. Kaming dalawa na lang ngayon ang nasa kwarto ni Fifth, dahil magkasama sila Tita at Tito na kumukuha ngayon ng ilang damit ng huli. Mukhang maco-confine ng tatlong araw hanggang isang linggo pa kasi ito.

"Lalabas muna ako, bibili ako ng pagkain. May ipabibili ka ba?" Tanong nito sa'kin.

Matamlay ang dalawang balikat ko siyang inilingan. Tumango lang naman ito at dumiretso na sa paglabas.

Napabuntong-hininga ako at tinitigan ang ngayo'y natutulog na si Fifth sa tabi ko. Ilang oras na rin magmula noong lumabas ang Doctor niya kanina. Sa palagay ko ay malapit nang magmadaling araw, pero hindi pa rin ako binibisita ng antok.

Gusto kong bago ako makatulog ay sigurado ko nang ligtas si Fifth, at ayos lang siya. Hindi ako makuntento hangga't hindi pa siya nagigising.

Halos tatlumpung minuto pa ang lumipas nang makuha ulit ni Fifth ang atensyon ko, mula sa binabasang dyaryo na kanina pa nasa loob ng kwarto nito.

Lumapit agad ako sa gilid ng higaan nito para tignan kung anong nangyayari.

"F-fifth..." Usal ko nang makitang unti-unti nang nagmumulat ang mata nito.

Rinig na rinig ko ang sobrang bilis na pagkabog ng puso ko sa aking dibdib. Kinakabahan ako at punong-puno sa pagaalala, pero agad din 'yong nawala nang tuluyan nang mabuksan ni Fifth ang mata niya.

"Anong gusto mo? Nauuhaw ka ba? Teka at kukuha ako ng tubig," may katarantahan na tanong ko rito.

Kitang-kita ko ang maputla na nitong labi, at bago pa ako kumuha nang tubig ay iniayos ko muna ang higaan niya para makaupo siya.

Pagkalapit ko sa mesa na pinagpapatungan ngayon ng pitcher na may tubig ay napatigil ako. Halata sa bawat pawis ng pitshel ang lamig ng tubig na nasa loob no'n. Ayokong maramdaman ang lamig ng tubig.

Nagsimula ulit ang pagusbong ng kaba sa dibdib ko, pero pilit ko rin agad itong isina-walang bahala. Kailangang makainom ngayon ng tubig si Fifth. Hindi ako pwedeng mag-inarte rito, at bigla siyang iwan.

Mug na may hawakan ang siyang kinuha kong baso para masigurado kong hindi ko mararamdaman ang lamig ng tubig. Marahan akong lumapit kay Fifth habang maingat na hawak ang mug.

Walang reaksyon at tulala lang sa gawi ng pinto si Fifth, hindi ko mabasa kung anong iniisip niya ngayon. Hindi ko makaya na makita siyang ganito ngayon.

Iginiya ko kay Fifth ang baso para makainom siya, pero pagkalapat na pagkalapat pa lang ng baso sa labi niya, ay ang agad din niyang paghawi ng kanang kamay sa akin. Gulat akong napatingin dito at halos manigas ako sa kinatatayuan ko sa lakas ng tunog nang nabasag na mug!

Hindi nagtagal ang pagkakatulala ko at agad akong napabalik sa aking sarili. Umupo ako sa sahig nang hindi lumalapat ang pang-upo ko rito, para kuhanin ang mga nabasag na parte ng mug.

"Anong problema? Ayaw mo bang uminom? Namumutla ka na!" May kalakasan ang boses na pagsasalita ko rito.

Napabuntong-hininga ako at tumayo na para itapon sa trash can ang mga parteng nabasag. Bago ko kuhanin ang tambo at dust pan ay tumingin muna ako kay Fifth na ngayon ay nakaismid na habang pinapanood ang ginagawa ko.

"Ang lamig noong tubig 'tsaka ayoko nga kasing uminom," masungit niyang sabi.

Agad na napataas ang kilay ko dahil sa sinabi nito. Ano 'to? Naaksidente lang ay nagbago na bigla ang ugali?! Bigla na siyang naging masungit?! Kailan pa?!

(Valiciejo #1) Deleterious of the CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon