Chapter 37

107 6 0
                                    

CHAPTER 37

Kevin

Six years later

[Pauwi ka na ba?]

"Oo kasasakay ko lang sa jeep. Wala ka pa ba sa bahay?" Tanong ko kay Zienna na nasa kabilang linya ng tawag.

[Wala pa. Mamaya pa ako uuwi. Ingat ka! Bye!]

Napakunot ang noo ko sa narinig dito. Alas nuwebe na ng gabi pero mamaya pa siya uuwi? Saan na naman kaya ang lakad ng babaeng 'to? May lalaki na ba 'yon sa buhay at hindi lang nagku-kuwento sa akin? Aba! Sabunutan ko siya hanggang lumambot bunbunan niya!

Pinatay ko lang ang cellphone ko at nilibang ang sarili sa mga tanawin na nadaraanan. Ang presko ng hangin na ngayo'y sumasampal sa aking mukha ay ine-enjoy ko lang. Nakatali ang buhok at ang puting button down midi dress na lang ang suot ko, kaya napaka-presko sa pakiramdam.

Isa at kalahating oras ang itinagal ng biyahe ko bago makauwi. Dire-diretso ang lakad ko habang hawak sa kanang kamay ang isang itim na bag. Halos yakapin ko na agad ang sofa nang makita ko 'to; sobra ang pagod ng katawan ko ngayong araw. Ang daming bagong pasiyente ang dumating!

"Pagod ka Doktora?"

Nabuhay ang kaba ko at agad na napalingon sa pintuan nang marinig ang nagsalita. Halos mamilog ang mata ko nang sumalubong sa akin ang naka-asul na long sleeves at itim na slacks; si Kevin! Kumalma ang kaba sa puso ko habang tumatayo mula sa pagkakasalampak sa sofa.

"Doktora ka riyan? Matagal pa hoy!" Natatawa kong sabi sa kaniya pero hindi ko rin mapigilan ang pag-init ng pisngi.

Iniisip pa lang na ilang taon na lang ay magiging isang ganap na talaga akong Doktor ay kinikilig na agad ako. Wala ito sa plano ko noon pero tignan mo nga naman ang mga nangyayari; ito'y mga hindi ko naisip na posibleng maganap.

"Kailan ka pa dumating?" Salubong na tanong ko rito 'tsaka siya nilapitan para yakapin.

Sobrang na-miss ko ang taong 'to! Ilang buwan din na puro tawagan na lang sa messenger ang ginawa naming, dahil naging busy siya masyado sa bagong projects. Tumatawa 'to nang tinugon ang yakap ko ng mas mahigpit.

"Kanina lang. Bumili ako saglit ng biniribid dahil sarado pa bahay mo kanina," kwento niya.

Napatingin agad ako sa kamay nito para hanapin ang biniribid na sinasabi niya, pero wala itong hawak na kahit ano. Niloloko ba ko nito? O sadyang hindi manlang ba niya ako binilhan kahit isa?!

"Nasaan ang-"

"Wala, inubos ko na." Natatawang sabi nito.

Agad akong napalayo rito at inirapan siya. Hindi pa rin talaga nagbabago! Sobrang damot at takaw pa rin nito! Kung hindi ko lang talaga 'to kaibigan ay matagal ko na 'tong iniwan e; kung kaya ko nga talaga.

Tinalikuran ko na siya at iniwan sa sala para dumiretso sa kusina. Naramdaman ko naman ang pagsunod nito sa'kin. Nakatalikod ako rito habang nagsasalin ng tubig sa baso.

"Ang weird mo rin talaga e 'no? Gabing-gabi na tapos kakain ka ng biniribid; pang-merienda kaya 'yon." Masungit ang tono kong sabi.

Ang biniribid ay isa sa mga kilalang street foods dito sa Bicol. Kung ikukumpara 'to sa Tagalog ay pinilipit ang tinatawag doon. Para sa akin naman ay pareho lang ang lasa ng dalawa; hindi ko lang alam sa kasama kong 'to. Walang pagkakataon na hindi siya kumain no'n kapag nabisita siya rito sa akin.

Nang matapos ako uminom ay hinarap ko na 'to. Tamad na nakasandal lang ito sa hamba ng pinto habang nakatingin sa gawi ko.

"Nagme-merienda nga ako ng kanin at ulam e; ano naman kung mag-hapunan ako ng pang-merienda na pagkain?" Masungit nitong sabi kasabay nang paghikab.

(Valiciejo #1) Deleterious of the CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon