Chapter 8

116 6 0
                                    

Chapter 8

Bar

Magkahanay pero may pagitan ang dalawang mahahabang benches na ginagamit ngayon ng dalawang grupo.

Katulad noong nakaraan ang naging magkakagrupo, kaya sa apat na ungas ay si Fifth lang ulit ang nahiwalay at napunta sa grupo nila Maverick.

Nakaupo ako ngayon sa bench nina Jai at kandong ang duffel bag na dala ni Kevin na naglalaman ng pampalit na damit nilang apat at tumblers.

Noong unang laro pa lang na niya na napanood ko ay nasabi ko na talagang marunong din magbasketball si Maverick, at hindi lang tangkad ang ambag niya.

Kahit wala sa itsura niya na naglalaro pala siya ng basketball, dahil aakalain na puro lang siya pagaaral.

Hindi ko napipigilan ang pag-angat ng paa at pilantik ng kamay kapag natetense na sa laban, pati na rin ang mahinang pagpalakpak kapag nakakapuntos si Maverick.

Nakakahiya man pero huli na nang narerealize ko na halos puro puntos niya lang ang napapalakpakan ko, mabuti na lang talaga at mahina lang pagpalakpak ko.

Nang makita kong malapit nang matapos ang game ay inisa-isa ko nang ilabas ang tumblers ng mga ungas para i-ready na ibigay sa kanila. Ganito lagi ginagawa nila sa'kin, palaging water girl nila.

Dikit ang laban pero lamang ng isang puntos ngayon sina Jairus dahil sa isang three-point shoot kanina ni Nate na isa sa magpinsang Zobel.

"Nice game! Kailan ulit tayo?" Napaangat ang tingin ko nang marinig ang boses ni Jairus na papalapit na sa kinauupuan ko.

Tapos na sila? Talo sila Fifth at mga Valiciejo?

Lumapit agad sa'kin 'yung tatlo bukod kay Fifth para kuhanin ang inuman nila.

"Sino nanalo boy?" Tanong ko kay Kevin na nag-stay na ngayon sa tabi ko habang umiinom.

"Sila Fifth," sagot niya at uminom na ulit.

Oh? Pero ang huling check ko ng scores ay sina Kevin pa ang lamang.

Tumayo na ako at lumapit kay Fifth para sana iabot ang tumbler niya, pero dahil kausap pa niya sina Nate ay huminto muna ako sa space na pagitan ng dalawang bench.

Awkward lang akong nakatayo nang maramdaman kong may nakatingin sa'kin, at napalingon ako kay Maverick na ngayo'y nagpupunas ng basa niyang buhok gamit ang tuwalya habang nakatingin sa akin. 

Hindi ko pinahalata ang kaba, gulat, at kilig na naramdaman kung di ay pasimpleng nginitian ko lang siya. Ano ba naman 'yan pinapahalata nitong crush niya ako, nahihiya na tuloy ako.

Hindi ko na napigil ang bahagyang panlalaki ng mata nang magsimula siyang maglakad papalapit sa akin at habang hawak na lang ngayon ang puting tuwalya. Hindi niya hinubad ang puting t-shirt na suot kanina, at pinatungan niya lang 'to ng dilaw na jersey.

"Congrats, galing niyo." Nakangiti kong bati rito nang huminto siya sa harapan ko.

Nakatingin lang siya sa'kin at saglit na tumaas ang sulok ng labi nang matapos akong magsalita.

"Thanks." Sabi nito at saglit na pinasadahan ng tingin ang hawak kong tumbler.

Hindi nawawala ang ngiti ko at saglit na medyo itinaas ang tumbler.

"Kay Fifth," sabi ko rito kahit na hindi siya nagtatanong.

Tumingin kasi siya, kaya baka balak niyang tanungin kung para kanino siguro. Dalawang beses siyang tumango sa sinabi ko.

"Saan na kayo mamaya?" Tanong niya at nilagay ang kanang kamay sa kanan niyang bewang habang naghihintay ng sagot ko.

Ano nga bang gagawin namin pagkatapos nitong game? Wala namang napagusapan na plano eh.

(Valiciejo #1) Deleterious of the CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon