Chapter 17

96 7 1
                                    

Chapter 17

Urong

Nang dumating ang lunes ay halos hindi ko naitago ang gulat nang sumalubong sa akin si Maverick pagkabukas ko ng gate. Pagkatapos noong nagkasama kami ay pinilit ko talaga ang sarili ko na wag magreply o pansinin ang mga messages niya, at nagtagumpay naman ako roon. Hindi ko lang inaasahan na susunduin pa rin niya ako ngayon kahit na wala naman akong sinasabi sa kaniya tungkol dito.

"Hi, good morning." Bati niya sa'kin nang nakangiti. 

Napakagat ako ng pang-ibaba kong labi habang nakatingin sa kaniya. Hindi ko tuloy malaman ngayon ang sasabihin. Pilit na ngumiti lang ako sa kaniya at tipid na tumango. 

Sobrang layo at hindi tugma sa sobrang kabog ng dibdib ko ngayon. Huminga ako ng malalim bago sumunod sa kaniya sa paglalakad, kailangan kong maikalma ang sarili. Hindi pwedeng lagi na lang akong ganito at halos sasabog na ang dibdib kapag nandyan siya. Hindi 'to nakakataulong sa plano ko.

Halos kalahating oras ang naging byahe namin papuntang Maynila at tanging tunog lang ng mga kanta niya ang naging ingay sa pagitan namin. Nagkausap lang kami nang magtanong siya kung kumain na ba ako na agad ko namang tinanguan. 

Kailangang bago ako makababa sa sasakyang 'to ay masabi ko na sa kaniya na itigil na muna 'to. Masyadong mabilis ang lahat, at isa akong duwag sa sakit na pwedeng maging dulot nito sa'kin. 

"Ah.." Hindi ko pa nadurugtungan ang sasabihin ay nakatingin na siya sa'kin at nagaabang ng idadagdag ko.

Kung posible pa man ay ramdam kong mas dumoble ang bilis at lakas ng pagkabog ng puso ko. Naisip ko pa na baka naririnig na niya ito, kahit alam kong malabo 'yon.

"Kahit wag mo na akong sunduin bukas," mabilis pero malinaw na pagkakasabi ko rito at umiwas ng tingin.

Nang maabutan ang halatang pagkakagulat niya hindi ko maiwasang isip kung tama nga ba ang ginagawa kong 'to. Tama nga ba? Pero wala akong mapigang sagot sa isip ko, at ang tanging alam ko lang ay natatakot akong masaktan. Baka kasi hindi ko kayanin.

"Why?" Tanong niya kaya napabalik ako sa wisyo at napatingin ulit sa kaniya.

Anong ira-rason ko? Hindi ako nakapag-ready nang isasagot sa tanong niyang 'to! Hindi 'to kasama sa plano.

"Ano... baka kasi nakakaistorbo na ako, tsaka magiging busy kasi ako nitong mga darating na linggo." Sagot ko sa kaniya at muling umiwas nang tingin. 

Isuot ko na ang backpack ko at tumingin ulit sa kaniya para magpaalam na. Ang bastos man tignan pero mas maganda atang tumakas na ako rito at lumabas na, dahil hindi ko na alam ang mga pwede ko pang isagot na dahilan kung sakaling magtanong na naman siya.

"Bye."

"Is this what you really want?" 

Napatigil ako nang sabay kaming nagsalita. 

Ayan na nga ba ang sinasabi ko, dapat na agad akong bumaba kanina pa lang. Ngayon ay halos natatameme at natutulala na lang ako rito sa tanong niya.

Ito nga ba talaga gusto ko? Hindi. Ikaw ang gusto ko eh.

Pucha naman Leaf, magtigil nga! Bumuntong hininga ako at dalawang beses na tumango sa kaniya habang hindi inaalis ang tingin ko sa kaniya, binabantayan ang mga susunod niyang reaksyon.

Naghahalo na ang kaba at pagkagusto ko sa kaniya sa pagkabog ng puso ko. Naguguluhan na ako tangina naman. Hassle talaga ng love life!

"Okay, ingat ka." Biglang sabi niya at tipid na ngumiti 'tsaka tumango sa'kin.

Saglit pa akong napatulala sa kaniya at nang makabawi ay ngumiti na lang din sa kaniya 'tsaka lumabas ng sasakyan.

Habang naglalakad papasok ng university ay hindi ko alam kung anong dapat na maramdaman. Ito naman talaga ang gusto ko, dahil ayokong masaktan din ako sa dulo. Gaya ng nangyari kay Justin nitong nakaraan lang. 

(Valiciejo #1) Deleterious of the CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon