Chapter 20
Sulong
Naramdaman niya siguro na may nakatingin sa kaniya kaya bigla itong lumingon, na naging dahilan ng pagsasalubong ng tingin namin.
Kitang-kita ko ang biglaang pagkunot ng nio niya at ang dahan-dahan din na pagsilay ng ngiti.
Para akong tanga na hindi ngayon mapakali at sobrang kinakabahan.
Tipid akong sinuklian ang ngiti niya, pero naputol ang tinginan namin nang biglang lumapit sa akin si Kendrick.
"Leaf, wait lang ha. Nakapili na ako pero ang haba pa ng pila sa cashier eh." Sabi nito sa akin at may maamong mukha.
Nginitian ko lang 'to ng tipid at tinanguan.
"Balik na muna ako ulit, wait lang talaga." Sabi niya ulit at nagmamadali nang bumalik sa loob.
Miski nakuha ni Kendrick panandalian ang atensyon ko ay agad din naman bumalik ang kaba ko nang maisip na paniguradong nakita kami ni Maverick.
Binalikan ko siya ng tingin at ang kaninang nakangiti ay naka-ismid na ngayon at nakakunot na ang noo. Mas bumilis ang tibok ng puso ko nang magsimula siyang maglakad, pero ang inaakala kong patungo sa'kin ay dumiretso siya sa pinsan niyang iilang hakbang lang ang layo mula sa kinatatayuan ko.
May ibinulong siya rito at tinapik ang braso nito, 'tsaka biglang nagsimula nang maglakad ang lalaki papunta sa kabilang direksyon habang naiwan naman si Maverick na nakatayo at nakatingin sa'kin. Tinaasan ko 'to ng kilay, dahil sa tagal niyang nakatingin lang sa'kin.
Mabagal na naglakad 'to palapit sa'kin at ang bawat hakbang niya ay parang naririnig ko dahil sa kaniya lang ako naka-focus. Lumalabo ang paligid at ang kaba ko lang at paglapit niya ang naiintindihan ko.
"Hey," bati niya nang halos kalahating metro na lang ang layo sa'kin.
"Uy," bati ko rito pabalik. Hindi ko alam ang sasabihin.
"Kauuwi mo lang galing group work?" Tanong nito sa'kin at walang mababakas na kahit anong reaksyon mula sa mukha niya.
Namilog ang mata ko nang marinig ang sinabi niya. Tangina. Tuesday nga pala ngayon! At ngayon din ang araw na dapat sana'y magkasama kaming aalis, pero na-cancel dahil sa ginawa namin kaninang group thesis.
Ang isipin pa lang na hindi niya nakalimutan ang araw ngayon, at imbis na nasa group work ako ay nakita niya ako rito ay sobra nang nagpapakaba at hiya sa akin.
Pwede bang makain muna ako saglit ng lupa para lang maiwasan ang kahihiyan na 'to?
"Uh... yup, ikaw?" Tanong ko rito. Hanggang kaya ay hindi ko pinapahalata ang kaba ko sa kaniya at hindi ko hinahayaan ang sarili na mautal sa pagsasalita.
Saglit na kumunot ang noo niya bago nagsalita.
"Ako? Wala akong group work," sabi nito at biglang ngumisi. Nangaasar ba 'to?
Napalabi ako at umiwas ng tingin sa kaniya. Oo na nga, at nagu-guilty ako ngayon sa hindi malamang dahilan. Para akong nagtaksil sa asawa ko at nahuli niya akong kasama ang kabit ko. Ang hassle sa feeling!
"Sinong 'yong kasama mo?" Tanong niya sa'kin at unti-unti nang nawala ang kaninang ngisi.
I bit my lower lip and inhale sharply. Ang serious na naman niya.
"Ah. Pinsan ng mga Zobel," sagot ko sa kaniya dahil panigurado namang kilala niya ang dalawa pang Zobel na nakakalaro niya.
"Taga-Beda na Zobel?" He asked while puckering his lips.
BINABASA MO ANG
(Valiciejo #1) Deleterious of the Carousel
Romance(Valiciejo Series 1) 𝐒𝐞𝐥𝐟-𝐫𝐞𝐩𝐫𝐨𝐚𝐜𝐡𝐟𝐮𝐥. 𝐃𝐞𝐞𝐩𝐥𝐲 𝐬𝐦𝐢𝐭𝐭𝐞𝐧. 𝐀𝐫𝐞 𝐰𝐞 𝐦𝐞𝐚𝐧𝐭 𝐭𝐨 𝐛𝐞? Meinleafe Louisse and Maverick Emilio, everything about them started so perfectly. Smooth and slow; like the hard-spherical ball tak...