Epilogue

278 7 0
                                    

EPILOGUE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

EPILOGUE

I'm never a fan of rides. Ang totoo ay ayoko ng kahit anong amusement park rides, dahil hindi ko ito naeenjoy. Masyadong maingay ang mga tao at mahihilo lang ako sa mga 'to. Bukod sa isa. Sa iisa lang. Ang natatangi kong gustong ride; Carousel.

Mabagal at kalmado. Hindi nagmamadali at hinahayaan kang damhin ang lahat nang puwede mong maramdaman, habang nakasakay ka rito. Hindi ka mahihilo dahil hindi ka binibigla. Walang tyansang masaktan ka dahil ang galaw nito'y puro at sigurado. Hinding-hindi sasagi sa isip mo na kahit minsan ay magagawa ka nitong saktan. . .

"Hoy ang sungit mo naman sa'kin, akala mo naman super stranger ako.Acquitance naman tayo kahit paano a," aniya at mahina akong siniko na siyang nagpagulat sa'kin. 

Bakit naman niya gagawin 'yon? Biglaan ang pagkabog ng puso ko sa nagmamadaling tibok dahil sa ginawa niya. Hindi ko naman naramdaman ang mismong balat niya pero bakit pakiramdam ko ay kinikilig na agad ako rito? Kilig?! Anong nangyayari sa'yo Maverick? Saan ko na natutuhan ang salitang 'yan? Tss.

"Meinleafe nga pala, nakalimutan kong magpakilala sa'yo noongnakaraan." Sabi nito at bahagyang tumawa. 

Hindi nga siguro patas ang mundo, pinatunayan niya ngayon ito sa'kin. Bakit sobra na agad niya akong napalulunod sa paraan ng pagtingin at ngiti niya? Tapos parang normal lang ang lahat ng ito sa kaniya, habang ako'y hindi na maintindihan ang nararamdaman?

Ano na ba 'tong mga nangyayari sa'kin? Kulang lang ata ako sa tulog. 

"So, anong pangalan mo?" Nakangiti at diretsong tanong nito sa'kin.

She never really fail to amuse me. Hindi ko maintindihan kung bakit nagugustuhan ko ang bawat galaw at sinasabi niyang 'di ko inaasahan. Ito ang pangatlong beses na nakita ko siya, pero sa bawat pagkakataong 'yon ay hindi ako nabigong mabigyan niya ng ngiti. Sobrang gaan ng aura niya, lalo na't sa oras na makasalubong mo ng tingin ang mata niya ay tila bumabagal ang oras. Natitigilan ako at napopokus lang sa kanya ang tingin.

Idinantay ko ang siko sa bintana ng bus at nakapagalumbabang tumingin sa kaniya. Mas gusto ko ang puwestong ito, mas malinaw kong nakikita ang ngiti niya at ang kislap ng mga mata niya.  Parang unti-unting tinutunaw ang puso ko habang naiisip na ako lang ang nakakakita ngayon ng mga ngiti at matang 'to. Ako lang. Kaya sigurado akong para sa'kin ang mga ngiting 'yon.

"Why are you asking?"  I asked when I got my own voice. 

Natatakot akong bigla na lang itong tumalikod sa'kin dahil sa hindi ko pagsagot sa kaniya. Matagal bago ito nakasagot at nagawa bang umikot ang mata nito sa paligid. Hindi ko mapigilan na mapangiti dahil sa nakikitang reaksyon nito. Ngayon lang nangyari sa'kin ang ganito, ito ang unang beses na maranasan ko 'to. Nawawala ako sa sarili. Dinadala ako ng ngiti niya, nakaka-distract. Hindi dapat ganito. Kahit kailan ay hindi ako naging ganito sa harap ng kahit sino, ngayon lang. 

(Valiciejo #1) Deleterious of the CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon