Chapter 23

103 5 0
                                    

Chapter 23

Divine

Magkakilala ba si Divine at Maverick? Kung sakali ay paano? Hindi naman ako nagkakamali na sa Manila nagaaral si Divine, at syempre ay sa Makati si Maverick. Hindi ba't masyadong malayo ang dalawa para magkakilala?

Napabuntong hininga ako at pinilit na lang alisin sa isipan ang nakita. Tatanungin ko na lang siguro si Maverick sa Lunes.

Nang mag-Lunes at habang nasa sasakyan kami ni Maverick ay tinanong ko na siya kung kakilala ba ang pinsan ko. 

"Kilala mo si Divine?" Tanong ko rito at ipinag-mukhang normal lang itong tanong. 

Hindi ko siya binalingan nang mag-tanong ay inabala lang ang mga nadaraanan. Halos kasisikat pa lang ng araw at wala pa masyadong makikitang tao sa mga bahay na nadaraanan, pero ang bawat jeep o bus na makakasabayan sa daan ay pare-parehas na puno ng mga pasahero. Mga nagtatrabaho at mga estudyante ang kadalasan na nakasakay sa mga ito. 

Sa Metro ako lumaki kaya hindi na bago sa akin ang mga ganitong tanawin. Ang umaga pa lang pero kita na ang pagiging busy ng lahat, ang pagkakaaligaga at pagmamadali para hindi ma-late sa kani-kanilang pupuntahan. Nasanay ako sa ingay ng busina ng mga sasakyan na naiipit sa traffic.

"Divine? Divine ano?" Balik tanong nito sa'kin at ramdam ko ang saglit na paglingon niya sa akin.

Napalabi ako nang marinig ang naging sagot nito. Hindi nga ito sagot, kung hindi tanong din. Bakit ba kasi sobrang nakakacurious para sa'kin ang malaman na malaki posibilidad na magkakilala nga silang dalawa. Hindi naman ako nagseselos o kung ano. Sadyang gusto ko lang malaman.

"Divine Asuncion?" Pagka-klaro ko rito at saglit siyang nilingon.

Kita ko ang agad pagsasalubong ng dalawang kilay niya na tandang nagiisip. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa nakikita sa kaniya. Wala talagang mahahanap na pwedeng ipang-insulto sa taong 'to. 

"Wala akong maalalang Divine." Sagot nito matapos ang ilang minutong pagiisip.

Ito naman na ang panahon kung kailan napataas ang kilay ko sa naging sagot niya. Hindi niya kakilala pero facebook friend niya? Nasisinungaling ba 'to sa'kin? O sadyang hindi niya talaga kakilala? 

Hindi naman siguro gawain ni Divine ang magpapansin sa mga lalaki? Ayoko sa mga pinsan ko, pero hindi ko siya nakikitang ganoon. Lalo na't lagi pa itong ipinagmamalaki sa lahat ni Auntie Ellen dahil maraming manliligaw pero wala itong pakielam sa mga ganoon, dahil daw tutok ito sa pag-aaral. 

"Bakit? Sino 'yung Divine?" Tanong ulit ni Maverick kaya napabalik ako sa wisyo.

"Wala lang," sagot ko rito at nagkibit-balikat na lang. 

Siguro ay hindi nga niya talaga kakilala o baka nakita na niya sa personal at hindi niya lang naaalala. 

Hindi ko na pinansin at isinawalang bahala na lang ang bagay na 'yon. Hayaan na. 'Tsaka wala namang kaso sa akin kung sakaling magkakilala nga silang dalawa. Naisip ko lang talaga na baka sobrang close pala sila at magiging awkward para sa akin 'yon, dahil hindi ko naman nakakasundo ang babaeng 'yon, kahit sabihin na pinsan ko pa ito.

"Nga pala, free ka ba bukas ng gabi?" Tanong nito sa akin.

Napaisip naman ako kung ano bang ganap sa akin bukas. 'Yon na ang magiging last day ng pasok namin bago mag-holiday break at wala naman akong gagawin pagkatapos noon.

"Libre naman. Bakit?" Tanong ko rito. 

Aalis ba ulit kami? Hindi ko mapigilan ang pagpipigil ng ngiti sa isipin na 'to. Madalas na sa pagpasok at iilang araw na pagsabay umuwi lang kaming dalawa, dahil na rin busy sa mga pinapasa sa school. Iilang beses pa lang ang paglabas namin na kaming dalawa, pero ayos lang naman sa akin 'yon dahil naiintindihan ko na graduating student siya at talagang mabubusy ng doble pa sa'kin.

(Valiciejo #1) Deleterious of the CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon