Chapter 31

94 6 0
                                    

Chapter 31

Fifth

Literal na muling nanlamig ang katawan ko at punong-puno ito ng pag-aalala na mayroon ding mga tanong na patuloy ang pagbuhos ngayon sa utak ko.

Ano bang nangyayari? Ilang araw na walang paramdam sa amin si Fifth tapos bigla kong malalaman ngayon na nasa ospital 'to?

Dali-dali akong naglakad na papalabas ng bahay at hindi na nagawang magpalit ng suot na pambahay na damit. Wala na akong panahon para magpalit pa, kailangang bilisan na ni Justin ang pagsundo sa akin nang mapuntahan na namin si Fifth! Natataranta na ako!

"Leaf! Saan ka pupunta?!"

Narinig ko pa ang sigaw na tawag sa akin ni Mama pero hindi ko na ito nagawang sagutin pa. Pokus na ang sarili ko sa mabilis na pagbaba sa hagdanan habang hawak ang cellphone.

Dire-diretso ako nang binuksan ang gate pero agad din napatigil nang maabutan ang isang bulto ng katawan na nasa harapan ko.

Maverick.

Halata ang gulat sa mata nito nang makitang ako ang nagbukas ng gate.

Sa sobrang pagkakataranta ko at pagaalala kay Fifth ay hindi ko na naisa-proseso ang sinabi kanina ni Papa, na nandito sa baba si Maverick at hinahanap ako.

Nakakatangina. Hindi ko na alam kung ano pa bang dapat kong isipin. Kung anong dapat kong unahin. Pakiramdam ko ay sobrang dami masyadong nangyayari, at hindi 'to kinakaya ng utak ko.

"H-hey. Ayos ka na ba?" Tanong nito sa akin nang mukhang makabawi na sa gulat.

Napakunot ang noo ko sa naging tanong niya. Anong ibig nitong sabihin? Imposible namang alam niyang nawalan ako ng malay kanina.

Naguguluhan man ay dahan-dahan akong tumango sa kaniya bilang pagsagot. Agad naman siyang nakahinga ng napabuntong-hininga at tipid na ngumiti.

"Buti naman, nag-alala kasi ako. Ang itinext mo kasi kanina ay hindi maayos ang pakiramdam mo," ramdam ko ang pagkahiya niya habang nagsasalita.

Saglit pa akong namangha dahil sa nakita. Bago 'to. Ngayon ko lang nakita ang nahihiyang Maverick Valiciejo. Ni sa panaginip ko ay hindi ko naisip na posible siyang makaramdam ng hiya.

Confident at alam niya lagi ang ginagawa niya, kaya kahit sino siguro na makikita siyang ganito ngayon, ay magugulat.

Nawala ang atensyon ko kay Maverick nang maramdaman ang pagvibrate ng cellphone na hawak ko.

From: Justin

Wait lang, traffic.

Napabuntong hininga ako rito at agad na tumingin sa paligid. Gano'n na lang ang pagkatuwa ko nang makitang na mayroong dalang sasakyan si Maverick.

"Pwede favor?" Diretsong tanong ko kay Maverick na agad kinakunutan niya ng noo.

Wala ako ngayon sa sitwasyon para makaramdama pa ng hiya. I need to go to Fifth. Kailangan kong makitang maayos siya bago ako makakalma.

"Ofcourse, what it is?"

"Pahatid naman ako sa hospital. Emergency lang," halos maubusan ng laway ang lalamunan ko habang nagsasalita. Ramdam ko ang panunuyo nito.

Naguguluhan ang reaksyon pero agad din na tumango si Maverick at iginaya ako para makasakay sa sasakyan niya.

Sinalubong agad ako ng pamilyar na amoy ng loob ng sasakyan niya na nahahaluan ng sarili niyang pabango. Hindi pa rin nakakasawa at hindi masakit sa ilong.

Ngayon na lang ulit ako nakasakay rito. Pakiramdam ko tuloy ay sobrang tagal na simula noong huli, pero wala na akong panahon para isipin pa ang mga bagay na 'yon.

(Valiciejo #1) Deleterious of the CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon