Chapter 32
Justin
Ramdam ko ang bigat at pagod ng buong katawan ko nang imulat ko ang mga mata ko. Puting kisame at ang amoy ng alcohol na may kasamang mga gamot ang siyang sumalubong sa mata at pang-amoy ko. Ospital.
Ganito na lang ba ang magiging sitwasyon ko sa tuwing gigising? Parang nakakasama na sa routine ko ang ganitong eksena, miski na ayoko.
Tumingin ako sa gilid ko at doon nakita si Justin na nakaupo. Nasa hindi kalayuan na sofa rin si Fifth na ngayo'y naka-cast pa rin ang kaliwang braso.
Biglang nagkabaliktad ang sitwasyon namin. Pumunta ako rito para bisitahin siya at kumustahin, pero nito ngayon, at ako ang siyang nakahiga.
Kahit ramdam na ramdam ko ang bigat at ngalay ng dalawang braso ko, pati na ang pagkirot ng siko ko, ay sinubukan ko pa rin makaupo.
"Dahan-dahan," sabi ni Justin at napatayo sa kinauupuan niya para alalayan ako.
Napangisi ako dahil sa reaksyon nito, pero agad din nawala nang may mapagtanto. Ganito na ang lagi nilang reaksyon kada gigising ako.
"Ayos lang ako," mahina ang boses na sabi ko rito.
Napabuntong-hininga siya at tuloy pa rin sa pag-alalay sa'kin, hanggang makaupo at sandal ako ng maayos.
Pare-pareho silang puno ng pag-aalala ang mga mata at mukha kada gigising ako. Walang pinag-iba. Ang nakakainis at nakakagalit pa lalo ay ako mismo ang dahilan kung bakit nagkakaganito sila. Ayoko man na makaramdam sila ng ganito ay hindi ko alam sa sarili ko kung bakit minsan ay bigla na lang akong nawawala sa katinuan.
Nakakalimutan ko ang reyalidad at pakiramdam ko ay bigla akong dinadala pabalik sa gabing 'yon. Kahit anong pigil ko ay hindi ko nakokontrol ang sarili, lalo na't nararamdaman ko pa rin ang lamig ng hangin noon. Ang alat ng dagat, ang pagsikip ng dibdib ko dahil sa taas na nang tubig, pati na ang mahigpit na hawak sa akin noon ni Jai. Hinding-hindi ko nakakalimutan.
"Uwi na tayo," aya ko kay Justin habang iniinom ng tubig na kinuha niya.
Laking pasasalamat ko lang na hindi 'to malamig at nasa mug pa.
Agad na nagsalubong ang dalawang kilay niya nang marinig ang sinabi ko, at si Fifth naman ay diretso lang ang tingin sa'kin. Walang kahit na anong emosyon na mababasa sa mukha nito. Hindi ako sanay.
"Anong uwi? Kita mo ba nangyari sa'yo kanina?" Pangangaral sa'kin ni Justin na ikinalabi ko lang.
Hindi ko na sana gusto pang bigyan ng oras ang mga pagkakataong nagkakaganoon ako. Ayoko nang pansinin masyado, at aasa ako na baka kapag hindi ko na napansin, ay kusa na lang 'tong mawawala o titigil.
"Wala naman tayong gagawin na rito, 'tsaka ayos na ako 'no." Sabi ko rito at pabiro siyang inirapan.
Ngumiwi ito at hindi ako nakaiwas nang hawalan nito ang noo ko para pitikin. Tang juice! Ang sakit! Akala nito di nakakasakit pamimitik niya!
"Bwisit ka 'no?!" Angil ko rito at inirapan na siya.
Pikon na agad ako. Ayaw pa kasing maniwala sa'kin na ayos na nga ako eh, 'di naman para magsinungaling pa ako.
Pero hindi rin nawawala sa isip ko na kailangan na kasing umalis ni Fifth, lalo na't baka idiretso 'to ngayon nina Tita sa isang Psychiatrist. Gusto kong makasama sa kaniya at malaman kung anong kondisyon niya. Hindi ko 'yon magagawa kung mananatili lang akong nandito.
Sabay-sabay kaming tatlo na napatingin sa pinto nang bumukas 'to, at agad akong napabuntong-hininga nang sumalubong sa amin si Mama at Papa na parehong bakas ang pag-aalala sa mukha. Agad din namang nakahinga ito ng maluwag nang makita akong nakaupo.
BINABASA MO ANG
(Valiciejo #1) Deleterious of the Carousel
Romance(Valiciejo Series 1) 𝐒𝐞𝐥𝐟-𝐫𝐞𝐩𝐫𝐨𝐚𝐜𝐡𝐟𝐮𝐥. 𝐃𝐞𝐞𝐩𝐥𝐲 𝐬𝐦𝐢𝐭𝐭𝐞𝐧. 𝐀𝐫𝐞 𝐰𝐞 𝐦𝐞𝐚𝐧𝐭 𝐭𝐨 𝐛𝐞? Meinleafe Louisse and Maverick Emilio, everything about them started so perfectly. Smooth and slow; like the hard-spherical ball tak...