Chapter 36

111 5 0
                                    

Chapter 36

Healed

"Masyado akong nabulag ng insecurities ko. Hindi na ako noon nakapag-isip ng tama. Basta ang alam ko lang no'n ay kung mawawala siya, ay mas magiging malaki ang tyansa na mapansin na ako noong taong mahal ko."

Napatitig ako kay Zienna habang nagke-kuwento ito sa amin. Nakapabilog kami ngayon at hinahayaan ni Coach na mag-kuwento ng mga nararamdaman namin. Walang mauuna o pinipilit na magkuwento. Kung sino lang ang handa na at gusto ay siyang puwedeng magsalita.

"Sobra 'yong naging inggit ko noon sa kaniya at nalulunod ako noon ng galit. Hindi ko na nakilala ang sarili ko noon, at lahat ng masasamang nagawa ko para lang mawala 'yong babaeng gusto ng mahal ko; sa buong buhay ko ay hindi ko inakalang makakaya ko 'yon gawin. Ngayon pa lang ako namumulat na wala pala talagang maidudulot na maganda ang galit. Talagang hindi mo ito kakayanin na kontrolin dahil sa dulo ay ito ang magmamanipula sa'yo."

Tahimik ang buong paligid at kaming lahat ay nakikinig lang sa kaniya. Nagsisimula na itong lumuha. Bumibigat ang pakiramdam ko dahil sa naririnig na kuwento nito. For months that I'm staying here, I learn that everyone has their own struggles. Hindi porket hindi nagku-kuwento ang isang tao tungkol sa nararamdaman nito ay ibig sabihin nang maayos ito. Mas madalas pang biktima ng hindi mo inaakalang sakit ang mga taong tahimik tungkol sa nararamdaman nila.

"This time, I'm starting to learn how to love myself. Dapat na alam mo muna kung paano mahalin ang sarili mo, para alam mo rin kung ano nga ba ang deserve mong pagmamahal. Hindi na ulit ako magmamakaawa para sa pagmamahal ng iba. The insecurities that I was hated, I realized that I should start accepting those. It's part of me, I should love it." Sabi niya habang may ilang luhang sa pisngi.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti at katulad ng iba ay mapapalakpak dahil sa narinig. I'm proud of her. Nakita at mismong ako ay naranasan ko rin ang proseso ng pagtanggap. Mahirap noong una pero habang tumatagal ay unti-unti ko rin kinaya.

Napatikhim ako at huminga ng malalim.

"This will be the first time that I'll tell my story. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob, dahil na rin siguro alam kong kaya ko na." Panimula ko.

Nakuha ko ang atensyon nilang lahat. Bigla akong nilamon ng kaba at nag-dalawang isip kung itutuloy ko pa ang sasabihin. Nahagip ng tingin ko si Zienna na ngayo'y nagtu-thumbs up sa'kin habang nakangiting tumatango.

Isang hinga ulit ng malalim ang ginawa ko 'tsaka ngumiti.

"Last December, one of my closest friends died. Akala ko noon katapusan na ng mundo at wala na akong ibang maramdaman kung hindi 'yung lungkot na dulot ng pagkawala niya. Alam mo 'yung gustong-gusto mong tulungan siya, pero hindi mo makaya kasi mismong ikaw nahihirapan na?" Napatigil ako sa pagsasalita at humugot ng malalim na hininga.

Nagsimulang umusbong ang bigat sa dibdib ko at nararamdaman ko na ang pagiinit ng mata ko. Kaya ko 'to. Kailangan ko nang tanggapin 'to.

"Nandoon ako mismo at kasama niya... Gustong-gusto ko siya noong tulungan at hayaan na mauna siyang mailigtas; na hindi naman nangyari. Nagpaubaya siya para sa kaligtasan ko... Noong nawala siya, napuno ako noon ng mga tanong: Paano kung siya ang pinauna kong sagipin? Paano kung hindi ko siya binitiwan? Kasama pa kaya namin siya?" Hindi ko na napigil ang tuloy-tuloy na pagbuhos ng tila ulan kong luha; hindi na kailanman naubos.

May nalaman ako ngayon, kapag pala inilalabas mo ang matagal mong kinimkim na sakit ay mas giginhawa ang pakiramdam mo. Hindi ko akalain na darating ang puntong ito; kung saan magagawa kong i-kuwento sa iba ang naranasan ko noon. Ang bawat sakit at bawat sisi ko sa sarili ko.

(Valiciejo #1) Deleterious of the CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon