Chapter 39

126 4 0
                                    

CHAPTER 39

Street lights

"Uh... Hi," tipid ang ngiting bati ko rito at tinanguan.

Nabibigla ako! Kanina ay umiiyak lang ako at pinipilit si Kevin na gumising tapos biglang ganito na ang nangyayari. Bakit nandito na 'to ngayon sa harapan ko? Hindi na kumakalma ang kabog ng dibdib ko. Kulang na lang ay hingalin ako dahil sa parang hinahabol na tambol ng puso.

"Justin, bibili lang ako saglit ng pagkain." Mahina ang boses na paalam ko kay Justin.

Hindi ko na 'to hinintay pa na sumagot at nagmadali na akong lumabas ng kuwarto. Para akong kakapusin sa hininga roon! Hindi ko kinakaya!

Nang makalma ko na ang sarili ko ay nagsimula na akong mabagal na maglakad; hindi sigurado kung saan patungo.

So, he's now a Doctor? A resident Doctor perhaps? Ano kayang specialization ang kinukuha nito ngayon? Hindi ko mapigil ang sinusupil na ngiti dahil sa naisip. Noon pa man ay nakikinita ko nang babagay sa kaniya ang unipormeng pang-Doctor, at hindi nga ako nagkamali. Ibang-iba na ang tikas ng katawan niya ngayon, mas nag-mature na. Ang nakakatuwa hindi nagbago ang ayos ng buhok nito; isa sa daan-daang bagay na paborito ko tungkol sa kaniya.

Parang inaamo ang puso ko. Hindi ko inaasahan na darating ang panahon na makakasalubong ko ulit ng tingin ang kulay tsokolateng mga mata na 'yon. Akala ko hindi na; kahit kailan ay imposible na.

Anim na taon, simula noong huling kita ko sa kaniya sa personal. Noong bumalik ako mula sa Group Therapy noon ay isa siya sa agad kong binisita; alamin kung ano nang nangyayari sa kaniya. Pero, masaya na siya. He has a new girl and it's so stupid of me to think that he'll wait for me. Isang tipid na ngiti lang ang naibigay ko sa sarili ko noong mga oras na 'yon. Wala akong magawa kung hindi ang tignan siya mula sa malayo; sa mismong lugar kung saan ko siya binitiwan.

Kahit kailan ay hindi naman niya sinabi sa akin na maghihintay siya, kaya ang kapal ng mukha ko para umasa nang ganoon. Sa biglaan ko noong pagiiwan sa kaniya at walang dahilan na tinalikuran, aasa pa nga ba akong kakapit pa rin siya sa'kin?

Ang patawa mo Leaf. Nakakatawa ka.

Isa iyon sa mga rason nang pagbalik ko sa Bicol. Nasasaktan ako e, kaya umuwi ako sa lugar na walang mananakit sa'kin. Sinigurado ko na ang kalagayan ng puso ko. Pinanindigan ko na ang pagiging selfish ko. Mas mabuti naman na sigurong maging selfish kaysa maging selfless, at hayaan ang sarili na masaktan 'di ba? Ayon nga lang, habang kina-career ko ang pagiging makasarili, roon din nagsimulang sumibol ang ugat ng galit ko sa sarili.

Noong mga unang taon ay nakuntento lang ako sa pagbisita sa mga social media accounts niya. 'Yon na ang naging paraan ko nang pag-kumusta sa kalagayan niya. Umabot 'yon nang dalawang taon bago ko tuluyang napatawad ang sarili at natanggap ang nangyari. Kung ikukumpara sa naranasan ko noong nawala si Jai, ay masasabi kong halos kasing hirap niyon ito. Ang laking tulong na nag-shift ako sa Bachelor of Arts in Psychology noon, mas natutuhan kong aralin ang mga reactions ng isip ko sa mga nangyayari, nalaman ko kung paano mas kilalanin ang sarili.

Ngayon, maayos na ako. Hindi pa nawawala ang nararamdaman para sa kaniya pero, siguro, darating din naman ako roon. Hindi pa man siguro sa ngayon pero balang araw. Wala namang dahilan para magmadali; ang importante ay payapa na ang puso ko. Tinanggap ko na ang mga nangyari at lahat nang iyon ay inipon ko bilang isang magandang ala-ala. Hinding-hindi ko iyon makalilimutan. Lahat nang nangyari sa nakaraan ay patuloy kong pangangalagaan dahil iyon ang humubog sa kasalukuyang ako.

"Wala silang pagkain na tinitinda riyan."

Natigilan ako sa paglalakad nang may magsalita sa likod ko. Bumalik agad ang hindi maawat na kabog ng dibdib ko. Alam ko iyon. Hindi man ako lumingon ay kilala ko ang boses nito.

(Valiciejo #1) Deleterious of the CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon