1

313 37 0
                                    

Narrator's POV

Lumipas ang isang taon na marami ang nagbago. Si Yael or Wave ay mas lalong sumikat at hindi lang iyon syempre sinubukan niya na mag audition dito sa pilipinas para masubukan ang pagsali sa iba't ibang series na pwede niyang ganapan habang nandito siya.

Si Yousten isa na siyang successful business man pagkatapos lumago ang company na pinamana na sa kanya ng kanyang ama. Hindi siya nakakalimot na tawagan palagi ang mga magulang ni Addie para malaman kung kamusta siya.

Si Jiro? Naging isang sikat na model sa isang sikat na company dahil syempre may pangarap din naman ang lolo niyo hindi naman pang habambuhay palagi na lang siya taga inom sa bar hahaha.

Si Alexa at Tommy naman ay patuloy pa rin ang kanilang pagmamahalan and hindi mawawala ang kanilang alaga na si Baby Zane. Actually sa mga nagtatanong kung nasaan ba ang magulang ng bata, nasa canada ang parents ni Baby Zane pero dahil nga mahal na mahal ni Tommy ang pamangkin ayon hiniling niya muna sa kapatid na iwan sa kanila ang bata dahil hindi rin mahaharap ito ng mga magulang. Pumayag naman sila kaya sila Alexa na muna ang nagsisilbing mga parents niya.

Si Lucian naman naging hiatus muna sa showbiz industry dahil sa dinami dami ng projects na tinapos niya, kinailangan niya muna magpahinga para mabawi ang mga tulog at pahinga na nawala sa kanya. Marami siyang series na sinalihan at isa pa sa mga naging projects niyang iyon ay ang boy's love series. Ayaw man niya pero ginawa niya nalang ang trabaho niya. Pagkatapos ipalabas iyon, nagtrending sila sa iba't ibang bansa dahil sinusuportahan siya ng mga fans sa kalove team niya.

Si Addie? Hindi pa rin siya nagigising magmula nang mangyare yon. Araw araw siyang binabantayan ng mag asawa at naghihintay na magising siya. Pagod man at puyat ang kalaban nila pero patuloy pa rin sila sa pagbabantay.

Hayyy..

Marahil patay na si Berry pero sa mga puso nila, lalong lalo na si Yael ay palaging dinadalaw ang puntod ni Berry.

Wave's POV

Nandito ako sa harap ng lapida niya at nakaharap lang.

"Berry kamusta ka na diyan? I know masaya ka na diyan pero ako hindi pa rin ako masaya.." sabi ko at naglagay ng bouquet ng bulaklak sa harap ng lapida.

"Miss na miss na kita Berry at walang isang araw na hindi ka nawala sa utak ko"

Umupo ako. Maya maya naramdaman ko na may tumutulo mula sa taas.

Bumagsak ang malakas na ulan at napangiti ako.

"Naaalala mo ba yung araw na magkasama tayong nakitulog sa ibang bahay? Doon mo ko pinagbigyan na magpaliwanag sayo. Doon natanggal ang malaking tinik sa lalamunan ko"

Naligo ako sa ulan at iniimagine na kasama ko siya.

"Yael ang sarap maligoooo"

"Berry?.." tawag ko sa kanya.

"Halika dito Yael bilis!" Sabi niya habang nakangiti sa harap ko.

"Totoo ba tong nakikita ko? Buhay ka?"

Ngumiti lang siya sakin.

"Ang tagal mo naman. Bahala ka nga diyan!"

"Sandali Berry!" Sigaw ko at pumunta sa pwesto niya. Saka ko narealized na hindi pala siya totoo. Isa na namang imagination.

Ganyan ako palagi kaya hindi ko magawang bumalik kila Maddy. Gusto ko muna dito sa pilipinas dahil hindi ko kaya.

"Wave ano bang ginagawa mo dyan? Hinahanap ka na ni direk kanina pa" sabi ni Stacey at lumapit sakin na may dalang payong.

The Maldita Girl's Unconditional Love (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon