Chapter 3

21.4K 343 12
                                    

Marissa's P.O.V.

Narinig kong pinatay ang music sa loob ng apartment ni Sean. Malamang sa malamang, tapos na sila.

"Kailangan ko nang umuwi." Boses ni Jenny mula sa loob. "Meron pa akong kailangang gawin."

"Sure." Rinig kong sagot ni Sean.

Napaayos ako ng tayo nang biglang bumukas ang pinto at lumabas si Jenny.

Napangiti s'ya nang nakita n'ya ako. Makikita kong merong halong hiya ang ngiti n'ya. "Hi Marissa." Bati n'ya.

Pinilit kong hindi matawa sa itsura n'ya. Ang gulo ng buhok n'ya at meron pa s'yang lipstick na kumalat sa gilid ng labi n'ya. Halatang hindi n'ya 'yun napunasan ng maayos.

"Hi." Bati ko pabalik sa kanya.

"Kanina ka pa?"

Umiling ako at pinilit na ipakitang hindi ako nagsisinungaling. "Hindi naman, kararating ko lang."

Tumango-tango s'ya at gamit ang hinlalaki n'ya, tinuro n'ya ang bandang likod ko. "Alis na ako."

"Ahm, pakiayos na lang ng buhok mo at may lipstick ka pa sa gilid ng labi mo." Sabi ko.

Nagulat s'ya sa sinabi ko. "Ha? Hindi nga?"

"A-ahhh..." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya napakamot ako sa batok ko.

"Wait lang." Kinuha n'ya ang suklay n'ya at nagsuklay at pagkatapos ay pinunasan ang gilid ng labi n'ya hanggang sa nawala ang lipstick doon.

"Ayan? Pwede na ba akong umalis?" Tanong n'ya at pagtukoy sa itsura n'ya.

Tumango-tango naman ako. "Ayan. Pwedeng pwede na."

Dali-dali naman s'yang umalis, halatang nagmamadali. May gagawin pa yata s'ya. Pinanood ko s'ya hanggang sa nawala na s'ya sa paningin ko. Pumasok ako sa loob ng apartment ni Sean at hindi na kumatok.

Nagulat s'ya nang nakita n'ya ako. Mabuti na lang ay meron na s'yang suot na short. "Oh?" Tanging nasambit n'ya.

"Wala bang kumausap sa'yong babae na kahit isa at sinabing nabuntis mo s'ya?" Biro ko sa kanya at napailing-iling.

"Huh?" Napakunot ang noo n'ya. Halatang naguluhan sa tanong ko.

Napairap ako at sinara ang pinto. "Kanina pa ako sa labas at walang kwenya ang music n'yo. Naririnig pa rin kayo sa labas."

"Hanggang sa pakikinig lang sila." Aniya.

"Whatever." Inikot ko ang paningin ko sa paligid. Mukhang maayos naman. "Saan ako pwedeng umupo?" Tanong ko.

"Sa TV subukan mo." Pilosopong sagot n'ya.

"Ang ibig kong sabihin, ayaw kong umupo kung saan n'yo ginawa ang kabalbalan n'yo. Baka mamaya may sperm mo doon na naiwan."

Natawa s'ya sa sinabi ko. Tinuro n'ya ang pader sa likod n'ya. "Dito 'yun, always. Hindi ko 'yun ginagawa sa kama o sa couch ko."

Tumango-tango ako. "Mabuti naman kung ganoon."

Pero sandali? Ibig sabihin hindi sila sa kama? Sa pader sila?

Pumikit ako at umiling-iling nang na-imagine ko. Tinapon ko ang notes n'ya sa mesa n'yang maliit, katapat ng couch n'ya.

"Hey!" Aniya at tinuro ang notes n'ya habang nakatingin sa'kin ng masama.

"Oo nasa bag ko." Sagot ko at pumunta sa tapat ng refrigerator n'ya at binuksan ito. Ginagawa ko ito kapag mag-isa lang s'ya sa bahay nila. Pero kapag nandito ang mama n'ya, hindi ko ito ginagawa.

Friends With Benefits (R18) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon