Marissa's P.O.V.
Inakay ako ni Sean habang naglalakad kami pauwi. Medyo nahihilo na ako at parang hindi na ako nakakalad ng maayos.
"Kasi naman. Sabing h'wag damihan ang inom." Halatang naaasar na s'ya sa'kin.
Medyo bumanat lang naman ako ng inom kanina kahit kaunti lang ang balak kong inumin.
"Hindi ako lasing." Sabi ko at muling humakbang. Inalis ko ang pagkakahawak n'ya mula sa'kin upang mabitawan n'ya ako. "Kaya kong mag-lakad mag-isa."
Kahit medyo nahihilo ako, kilala ko pa rin ang tao sa paligid ko. Kaso nga lang hindi talaga ako nakakalakad ng maayos. Nakakita ako ng pader at kumuha ako ng suporta doon saka huminto sa paglalakad.
Yumuko ako. "Parang nasusuka ako." Mahinang sambit ko. Pero parang hindi rin naman.
Nilingon ko si Sean na halatang naiinis na sa'kin. "Tara na, anong oras na oh."
"Sandali lang."
Nilapitan n'ya ako at pinaangkas sa likod n'ya saka muling naglakad.
"Kapag ikaw nasukahan ko bahala ka d'yan." Babala ko sa kanya na hindi n'ya pinansin.
Pero sana hindi ako masuka, kawawa naman s'ya kung ganoon.
"Kung ganyan ka maglakad. Baka bukas pa tayo makakauwi." Iritadong sabi n'ya habang nagpatuloy sa paglalakad.
Inakap ko ang mga braso ko sa leeg n'ya. "Ang bait talaga ang best friend ko." Ngisi ko.
"Tsk." Tanging nasambit n'ya.
Isinandal ko ang ulo ko sa kanya at pumikit. Ilang minuto ang lumipas ay naramdaman kong huminto s'ya kaya napadilat ako. Nasa tapat na pala ako ng bahay ko. Dahan-dahan n'ya akong ibinaba at nakatayo naman ako ng maayos.
"Pasok na." Aniya.
Ngumuso ako. "Kiss muna." Pang-aasar ko.
Pinitik n'ya ang noo ko. "Kapag naalala mo bukas ang nangyari kanina, paniguradong magwawala ka."
Ngimisi ako. "Bakit ano ba ang nangyari kanina?"
Hindi n'ya pinansin ang sinabi ko. Hinawakan n'ya ako sa kaliwang braso at nilapit sa pinto ng bahay. "Pumasok ka na kaya."
"Wala akong susi." Reklamo ko.
"Edi kumatok ka." Aniya.
"Malalagot ako sa nanay ko." Tugon ko.
Napakamot s'ya sa batok n'ya. "Sabi sa'yo maghanda ka para ngayon eh." Halatang naaasar na s'ya.
Napatingin kaming dalawa sa pinto nang bigla itong bumukas. Nakaramdam ako ng kaba dahil hindi ko pa nakikita kung sino ang bumukas. Nakahinga kaagad ako ng maluwag dahil si ate lang pala.
"Pasalamat ka at nandito pa ako sa sala." Bungad sa'kin ni ate. Nilingon n'ya si Sean. "Salamat sa paghatid dito sa siraulo kong kapatid."
Napairap ako sa sinabi n'ya.
"Ayos lang po." Sagot ni Sean.
Ayos lang kasi s'ya naman ang nagdala sa'kin doon.
"Pumasok ka na." Tinulak n'ya ako papasok kaya nakapasok ako.
"Ingat ka."
Tinanguan n'ya ako at umalis na s'ya.
"H'wag kang maingay." Bilin sa'kin ni ate at sinara ng mahina ang pinto.
Tumango ako at pumunta sa kwarto namin. Kahit medyo nahihilo ay pinilit ko pa rin ang magpalit ng damit at mag-toothbrush bago humiga sa kama.
***
BINABASA MO ANG
Friends With Benefits (R18) [COMPLETED]
RomanceWarning: Mature Content (18+ only.) Friends Series #1 Kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Kahit minsan ay hindi nasagi sa isip ko na magkagusto sa kanya. Hanggang sa isang gabi, nangyari ang hindi dapat mangyari. May 17, 2020- June 17, 2020