Chapter 16

17K 261 18
                                    

Marissa's P.O.V.

Lumawak ang ngisi ni Sean. "Just kidding." Muli s'yang sumandal at halatang natatawa.

Inis ko s'yang inirapan at hindi na kinausap pa. Parang baliw lang. Balatan ko kaya s'ya ng buhay d'yan. Pero ewan ko ba, napapangiti na lang ako bigla sa tuwing naaalala ko ang nangyari kagabi. Pinigilan ko ang ngiti ko at kinurot ang hita ko ng medyo malakas para masakit. Kinagat ko na rin ang ibabang labi ko para hindi ako makangiti. Tumikhim ako at ininda ang sakit ng kurot ko.

Napakunot naman ang noo ni Sean sa'kin. Hindi ko na lang s'ya ulit pinansin. Ang importante ay ang mapigilan ko ang ngiti ko para hindi ako magmukhang tanga dito.

Pagkatapos naming tumambay sa school grounds ay dumeretso na kami sa klase namin. Natuwa naman ako dahil hindi n'ya ako kinausap ulit at nawala na rin ang ngisi n'ya. Tuloy-tuloy ang klase namin hanggang sa matapos ito.

Pagkatapos ng klase namin ay sabay na kaming lumabas. Umaambon na naman at sa pagkakataong ito, naiwan ko ang payong ko. Totoong-totoo na naiwan ko ang payong ko. Napapalingon ako kay Sean na ngayon ay hawak-hawak ang payong n'ya.

Nilingon n'ya rin ako. "Alam kong may payong ka." Aniya.

Umiling ako. "Wala." Seryosong sagot ko.

"Ilabas mo na kasi. Nagdadala ka ng payong tapos hindi mo gagamitin. Ayos ka lang?" Sarkastikong sabi n'ya.

Muli akong umiling. "Wala nga kasi akong payong."

"Tsk." Halatang hindi s'ya naniniwala.

Inis kong binuksan ang bag ko at pinakita sa kanya na wala akong dalang payong. "See?"

Nang nakita n'ya ang bag ko ay nawala ang bakas ng inis sa mukha n'ya.

"Pero kung ayaw mong i-share ang payong mo. Ayos lang din." Sabi ko habang sinasara ang bag ko.

"Na-share ko nga ang kama ko sa'yo. Tapos itong payong ipagdadamot ko pa sa'yo."

Namilog bigla ang mga mata ko at hindi ko s'ya nilingon.

Hayop na taong 'to. Itulak ko kaya s'ya sa kanal mamaya.

Narinig ko s'yang tumawa ng mahina at naramdaman kong inakbayan n'ya ako. "Halika na, h'wag ka nang maarte."

Nakayuko akong naglakad kasabay n'ya. Inakbayan n'ya ako na para bang ayaw n'ya talaga akong mabasa. Katulad ng ginagawa namin sa tuwing gusto kong makisilong sa payong n'ya. At ang braso s'ya sa katawan ko. Hindi ako mapakali dito. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Pinipigilan ko ang sarili ko ngayon na h'wag s'yang halikan ulit. Na h'wag ulit maulit ang nangyari kagabi.

Ugh! What did he do to me?

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa train station at bumyahe. Hinatid n'ya rin ako sa tapat ng bahay namin. Pero bago s'ya umalis ay meron s'yang sinabi sa'kin.

"Saka na lang ulit tayo mag-aral ng sabay." Halatang nang-aasar ang boses n'ya.

Uminit ang pisngi ko kaya tinulak ko s'ya. "G*go." Nang-aasar na naman s'ya. Nakakailang bunot na ba s'ya ngayong araw?

Tumawa s'ya ng mahina at umiling-iling. "Bye." Paalam n'ya at umalis na.

Parang tanga.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng bahay pero naunahan na ako ni mama mula sa loob.

"Si Sean ba 'yun?" Tanong ni mama at akmang sisilipin si Sean pero hindi n'ya na nakita.

Tumango ako bilang sagot. Kilala na rin nina mama at papa si Sean. Nagustuhan nila ito dahil mabait at matalino. Kaya pumapayag sila na kasama ko si Sean palagi dahil responsable daw ito. Tinatanong nga rin nila ako paminsan-minsan kung nanligaw ba ito sa'kin o kami na ba. Ewan ko ba. Hindi lang talaga nila alam kung gaano ito kababaero minsan.

Tinanggal ko ang sapatos ko at inilapag sa lagayan namin ng sapatos saka pumasok ng bahay.

"Bakit hindi daw kayo sabay mag-aral?" Tanong ni mama.

"Ha?" Hindi ko nilingon si mama at nagkunwari na hindi ko narinig ang sinabi n'ya.

"Ang sabi ko, bakit hindi kayo sabay mag-aral?"

Kasi ibang aral naman ang ibig n'yang sabihin.

"Saka na." Sagot ko at nagmano sa kanya.

"Ano? Tinatamad ka mag-aral? Baka mamaya ay kailangan mo palang mag-aral."

Hindi ako tinatamad mag-aral. Ayaw ko muna ang aral na tinutukoy ni Sean.

Sakit pa eh.

"Hindi naman sa ganoon. Pwede naman akong mag-aral na mag-isa." Katwiran ko.

"Pero hindi mo man lang pinapasok si Sean dito." Umupo si mama sa couch sa sala.

"Eh ayaw n'ya. Nagmamadali yata umuwi." Pumasok ako sa kwarto.

May sinabi pa si mama pero hindi ko na narinig. Nilapag ko ang bag ko sa study table at umupo sa kama. Tinanggal ko ang medyas ko at binato sa lagayan ng maruruming damit ko. Tumayo ako at nagpalit ng damit saka lumabas ng kwarto.

"Hoy."

Nilingon ko si mama. "Ha?"

"Ang sabi ko, may girlfriend na ba si Sean."

Ano ba naman 'yan. Hindi pa pala kami tapos sa usapan tungkol kay Sean.

Umiling ako at kinamot ang makati kong batok. "Walang girlfriend 'yun." Sagot ko.

"Kahit nililigawan wala?" Tanong pa n'ya.

Muli akong umiling. "Wala rin. Puro aral lang naman ang inaatupag ng taong 'yun."

"Ikaw? Hindi ka ba n'ya nililigawan."

Inis akong napakamot sa ulo ko. "Si mama paulit-ulit." Inis na sabi ko. "Hindi nga sabi eh."

"Bakit ka nagagalit? Nagtatanong lang naman ako." Aniya at binuksan ang TV.

Paulit-ulit kasi kayo ni papa. Sabing hindi s'ya nanliligaw at hindi ko s'ya gusto. Pero ang tanga ko kasi binigay ko ang virginity ko sa kanya.

Kung pwede ko lang 'yan sabihin kay mama pero hindi ko magawa. Baka mamaya bigla n'ya akong ihawin ng wala sa oras. Ayaw ko pang mamatay at gusto ko pa makapagtapos ng pag-aaral.

Pumunta ako sa kusina at kumuha ng baso. Naglagay ako ng tubig sa baso at ininom ito. Biglang nag-pop up sa utak ko si Sean kaya napaubo ako.

"Ahh!" Hiyaw ko nang naramdaman kong lumabas sa ilong ko ang tubig.

What the f*ck?

Nakitang kong dali-daling pumunta si mama dito sa kusina. "Bakit? Ano ang nangyari?" Tanong ni mama

"Ang tubig lumabas sa ilong ko." Sagot ko.

"Ewan ko sa'yo. Saan ka ba kasi umiinom, sa ilong mo?" Inis na sabi ni mama at tinalikuran ako.

Kung sa ilong ako umiinom? Bakit sa ilong ko lumabas, aber?

Hindi ko s'ya sinagot at tiningnan ang damit ko na nabasa.

"Ano ba 'yan. Kakabihis ko lang eh." Pinunasan ko ang parte ng mesa na nabasa rin at nilapag ang baso sa lababo.

Bumalik ako sa kwarto at kinuha ang cellphone ko. Binuksan ko ang WiFi at nakita ko ang chat ni Sean.

Sean: Kapag pumasa ako sa quizes, mag-celebrate tayo. Mag-aral tayo ulit.

Nang-aasar na naman ang baliw na 'to. At tsaka kailan ba s'ya bumagsak sa mga exams and quizes? Sakalin ko s'ya d'yan eh.

Reply ko: G*go.

Sean: Hell yeah

Napairap ako at napailing-iling.

"Parang tanga lang Sean."

Friends With Benefits (R18) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon