Chapter 12

17.9K 287 23
                                    

Marissa's P.O.V.

Iritadong tumayo si Sean at binuksan ang pinto. Pumasok si Charles at deretsong umupo sa couch na padabog.

"Easy boy." Sita rito ni Sean.

Nakabuntong hininga si Charles. "Chill tayo." Anito.

Nagtinginan kami ni Sean pero kaagad akong umiwas at binalik ang tingin kay Charles.

"Bakit? Ano ang problema?" Tanong ko rito. "Bigla-bigla ka na lang nag-aaya."

"Nag-away kami ni Nicka. Hindi na nga pumunta noong birthday ko tapos aawayin pa ako." Inis s'yang napasandal. "Kamusta naman 'yun?"

Naalala ko si Yesha, ang best friend ni Charles. Ang totoo niyan mas gusto ko si Yesha para sa kanya. Mas nauna ko kasing nakilala si Yesha kesa kay Nicka. Kaya mas kilala ko ito kesa sa girlfriend n'ya. At kung tutuusin, si Yesha ay laging nand'yan para kay Charles. Hindi katulad ng girlfriend n'ya na minsan n'ya na lang makita. Sabagay, hindi mo rin naman ito masisisi dahil abala naman ito sa school at hindi para sa walang kwentang bagay. Loyal pa rin naman si Nicka kay Charles.

Nakita kong kumuha si Sean ng drinks na nasa lata mula sa refrigerator at lumapit kay Charles.

"Oh." Pag-alok n'ya kay Charles at inabot ang drinks.

Kinuha iyon ni Charles at kaagad na binuksan. Tahimik itong uminom at tumunganga.

Napatingin ako kay Sean at nakatingin rin s'ya sa'kin. Nginitian ko s'ya na para bang hindi kami nag-make out kanina. "Uwi na ako." Pumunta ako sa tapat ng pinto at binuksan ito.

"Uuwi ka na? Kararating ko lang." Sabi sa'kin ni Charles.

"Oo, hindi na muna ako iinom." Sagot ko kahit nakainom na ako kanina. Nilipat ko ang tingin ko kay Sean. "Uwi na ako." Pag-uulit ko.

Tinanguan n'ya ako kaya lumabas na ako. Napahawak ako sa dibdib ko dahil kumakabog ito ng mabilis. Kung hindi dumating si Charles malamang ay malayo-layo na ang narating namin ni Sean ngayon. Huminga ako ng malalim saka nagsimulang maglakad.

Umuwi ako sa bahay. Pagkapasok ko ng kwarto ay saka ko lang naalala ang school works na ginawa namin ni Sean kanina. Naiwan ko pala sa kanila pati ang cellphone ko. Ayaw ko ng bumalik dahil medyo gabi na. Pero baka hindi ako makatulog dahil wala ang cellphone ko.

Mamamatay ako kung hindi ko kapiling ang cellphone ko.

Hindi na ako nag-inarte pa at hinayaan na lang doon ang cellphone ko. Dadalhin naman 'yun si Sean bukas sa school.

Humiga ako sa kama at napabuntong hininga. Napahawak ako sa labi ko nang naalala ko na naman ang nangyari kanina.

That piece of sh*t. Bakit ang galing galing n'ya?

Inis akong napasabunot sa sa buhok ko at paikot-ikot sa kama ko. Umalis ka na ulit sa isip ko kagaya noong unang beses na nangyari, pakiusap. Noong unang beses kasi dare lang 'yun, pero kanina ay hindi. Gising na gising ang diwa ko tapos ako pa ang gumawa ng first move.

"Ayan na naalala ko na naman." Sambit ko at tinakpan ang mukha ko ng unan saka muling umikot-ikot sa kama.

"Alis na dali. Umalis ka na sa utak ko. Ayaw ko na 'yun maalala." Mangiyak-ngiyak na sabi ko.

Pakiramdam ko tuloy ay mukha na akong sira dito. Gayunpaman, gusto ko na 'yun maalis sa utak ko.

"Nakakahiya ka Marissa." Sambit ko.

"Hala! Hala! Hala!"

Inalis ko ang unan mula sa pagkakatakip sa mukha ko at umayos ng higa. Nilingon ko si ate na hindi ko napansin na pumasok na pala.

Friends With Benefits (R18) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon