Chapter 1

37.4K 442 17
                                    

MysteriousGleam MARAMING SALAMAT SA BOOK COVER. (Check nyo rin works n'ya guys)

Marissa's P.O.V.

Nakaupo ako sa isang bench sa school grounds. Malayo pa lang ay tanaw ko na ang kaibigan kong si Sean Adams. Suot n'ya ang uniform namin na bumagay sa kanya. Nang napatingin s'ya sa'kin ay napangiti s'ya.

Grade 9 kami noong nagka-usap kami. At ngayong 4th year college na kami ay magkaibigan pa rin kami. Nagkataon na parehas kami ng interes at kursong kukunin. Sabay kami lagi nagpapa-enroll para magkaroon kami ng tsansa na magkaklase. Pero noong 2nd year college ay nahiwalay kami. At dahil doon, nawalan kami ng oras sa isa't isa. At ngayong 4th year college na kami, magkaklase na ulit kami. Kaya naman bumalik na ulit ang closeness namin sa isa't isa.

Malapit na s'ya sa inuupuan ko. Humakbang ulit s'ya ng dalawa pero muntikan na s'yang mabangga ng mga freshmen na naghaharutan kaya napaiwas s'ya.

"F*cking p*ssy." Inis na sambit n'ya.

Humingi ng paumanhin ang dalawang babae sa kanya pero hindi n'ya man lang pinansin.

Hindi naman talaga s'ya ganyan dati. Nagbago lang ang ugali nang napadpad dito sa Pinas.

Pinanliitan ko s'ya ng mga mata. "Bibig mo!" Suway ko sa kanya. Nag-sorry naman sila pero hindi n'ya man lang pinansin.

Nilapitan n'ya ako at umupo sa tabi ko. "Sasama ka ba ngayong sabado?" Tanong n'ya, hindi rin pinansin ang pagsuway ko.

Half Canadian s'ya pero marunong naman s'yang magsalita ng tagalog na maayos. Hindi katulad noong una ko s'yang nakausap. Hirap pa s'ya noon at may accent kung magsalita.

Nilagay ko ang notebook ko sa bag ko. "Saan na naman ba 'yan?"

Kailan ba ako titigil sa pag-uugali ko na hindi maiwasang pumunta sa party sa tuwing inaaya ako? 4th year college na ako at kailangan ko ring magseryoso.

"Birthday ni Charles, hindi mo ba alam?"

Saka ko lang naalala. Birthday pala ng pinsan n'ya sa sabado. Dalawang taon akong hindi nakapunta sa birthday n'ya kaya malamang ay nakalimutan ko na.

"Titingnan ko." Sagot ko.

Napa-smirk s'ya. "Alam ko na 'yan."

Napangiti ako at napailing-iling. Nakalimutan kong kilala n'ya pala ako nang lubusan. Kapag ang sagot ko ay 'titingnan ko' ang ibig sabihin rin niyon ay 'pupunta ako'.

Napakunot ang noo ko nang nakita kong sa ibang direksyon na napangiti si Sean. Tiningnan ko rin kung saan s'ya nakatingin. Napaangat ang dalawang kilay ko nang nakita ko ang naging classmate ko noon na si Jenny. Nakatitig rin ito kay Sean habang nakangiti.

"7:00 pm!" Sigaw ni Sean kay Jenny. "My place!"

Biglang namula si Jenny. Tumingin muna s'ya sa paligid, halatang sinigurado na walang makakarinig, saka tumango kay Sean. Kumaway ito at umalis.

Nilipat ko ang tingin ko kay Sean at nilipat n'ya rin ang tingin n'ya sa'kin. Binigyan ko s'ya ng dirty look.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Kunot noong tanong n'ya.

Napailing-iling ako. "When will you stop hooking up with random girls? Ayaw mo ba ng seryosong relasyon?" Seryosong tanong ko.

Simula pa noong nakilala ko s'ya. Hindi s'ya nagkaroon ng girlfriend. Wala rin s'yang niligawan. At simula rin noong nag-college kami, isang beses sa isang buwan mayroon s'yang dinadalang babae sa apartment n'ya na paiba-iba.

"Hindi ko pa nahahanap ang babaeng mamahalin ko habang buhay." Sagot n'ya. "And let me tell you this. Sila ang may gusto at binibigyan ko lang sila ng pabor. Hindi ko naman sila pinipilit."

Friends With Benefits (R18) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon