Marissa's P.O.V.
Tapos na ang klase namin ngayong araw. Nagsilabasan na rin kami sa room. Hinubad ko ang jacket na hiniram ko kay Sean kanina at inabot ito sa kanya. Sobrang lamig kasi sa room ng last subject namin ngayong araw kaya napilitan akong hiramin ang jacket n'ya dahil hindi n'ya rin naman ito sinuot.
Hindi n'ya tinanggap ang jacket n'ya. "Labhan mo 'yan."
Inis ko s'yang inirapan at isinabit ang jacket sa kaliwang braso ko. "Oo na po."
Akala ko lang naman ay lulusot ako sa kanya. Pero nabigo ako at ako pa rin ang maglalaba ng jacket n'ya. Paano ba naman kasi, sobrang tamad n'ya. Ang iba nga d'yan nagpapahiram at sila rin ang naglalaba. Marahil dala na rin sa init ng ulo n'ya kanina. Nawawala kasi ang notes n'ya at kailangan n'ya 'yun. Kanina n'ya pa 'yun hinahanap at kulang na lang ay ipakulam n'ya ang kumuha.
"Uuwi ka na ba?" Tanong ko sa kanya.
Tumango s'ya. "Oo, wala naman na akong ibang pupuntahan." Sagot n'ya.
"Sabagay." Tumango-tango ako. "7:00 pm, my place." Paggaya ko sa sinabi n'ya kay Jenny kanina.
"Shut up." Pagsusungit n'ya sa'kin, halatang nainis sa paggaya ko sa kanya.
Tinawanan ko s'ya. "Sige ka. Kapag naubos 'yang sperms mo baka hindi ka na magkakaanak." Natawa ako sa sinabi ko. Alam kong hindi nakakatawa ang sinabi ko pero tumawa pa rin ako. Wala lang, gusto ko lang tumawa.
"Patawa ka." Sarkastikong saad n'ya. At hindi man lang tinawanan sinabi ko. Kahit na pilit lang na tawa ay tinatanggap ko naman.
"Patawa ka." Panggagaya ko sa kanya.
Tumingin s'ya sa malayo. "Tsk. Palibhasa inosente kaya walang alam."
At sino naman daw ang inosente? Ako? Inosente? Oo virgin ako pero hindi ako inosente. At higit sa lahat, nagbibiro lang naman ako.
"May alam po ako." Sarkastikong saad ko. "Sa wattpad marami." Itinaas-baba ko ang kilay ko.
Napangiti s'ya ng sarkastiko. "Sa wattpad lang magaling, baka mamaya iiyak-iyak ka d'yan."
Pinanliitan ko s'ya ng mata. Inis ko s'yang hinampas. "Tara na nga! Kung anu-ano na ang pinagsasabi mo d'yan." Inirapan ko s'ya at nagsimulang maglakad.
Saka ko lang napansin na ako pala ang nagsimulang magsalita ng ganoong bagay tapos ako pa ang nagalit. Pero ayos lang 'yun, hindi naman na s'ya umimik pa at sumunod na lang sa'kin. Naglakad kami palabas ng campus at nakipagsabayan sa ibang estudyante na lalabas rin.
Pagkalabas namin ay nakaramdam ako ng gutom nang naamoy ko ang mantika ng street foods. Naglakad ako patungo sa nagtitinda niyon at kumuha ng plastic cup. Tinabihan ako ni Sean at kumuha na rin s'ya ng kanya. Ako ang nagturo sa kanya na kumain ng ganito. Noong una ay ayaw n'ya. Hindi kasi s'ya sanay kumain ng ganito noon. Pero kalaunan ay nakumbinse ko naman s'yang kumain. Noong natuto na s'yang kumain, muntikan na n'yang itigil. Sinabihan ko kasi s'ya na ang plastic cup nila dito ay hinuhugasan nila saka pinapagamit ulit. Tapos ang mga stick na ginamit namin at tinapon ay pinagpupulot nila ulit. Pero binawi ko naman kaagad, baka mamaya magalit pa sa'kin ang nagtitinda ng mga ganito. Nagkakalat ako ng fake news. At baka ipakulong pa ako.
Kumuha ako ng sampung fish ball at ganoon rin ang kinuha n'ya. Suka ang ginawa kong sawsawan at ginaya rin n'ya.
"Gaya gaya ka!" Inis na singhal ko sa kanya. Nang-aasar ba s'ya?
"Bakit? Ikaw lang ba ang merong karapatang kumain ng fish ball at suka?" Pagsusungit n'ya sa'kin.
At kailan pa nakakain ang suka?
"Tsk." Dumukot ako ng pera sa bag ko.
Pansin kong natawa sa amin ang tindero kaya napanguso ako habang dinudukot ko ang wallet ko. Bakit kasi hindi muna ako kumuha ng pera saka dumampot ng pagkain? Nahihirapan tuloy ako.
Nang nadukot ko na ang wallet ko ay nagbayad na ako sa tindero. Nakabayad na rin si Sean. Nagsimula kaming maglakad habang kumakain. Tinatakpan ko ang cup ko sa tuwing mayroong dumadaan na sasakyan upang hindi malagyan ng alikabok itong pagkain ko.
"Si mama pala, bumalik na sa Canada."
Nilingon ko si Sean. "Kailan pa?" Tanong ko.
"Last week." Sagot n'ya.
Napakunot ang noo ko. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa mama n'ya. Pinay ang mama n'ya at ang papa n'ya ay Canadian. Kilala na ako ng mama n'ya dahil simple lang. Pinakilala ako ni Sean rito. Mabait ang mama n'ya at masaya kausap. Parehong nagta-trabaho ang mama at papa n'ya sa Canada. Mayroon s'yang isang kapatid na lalaki at nandoon na rin sa Canada, nagta-trabaho din. Kaya s'ya na lang ang nag-aaral sa pamilya nila. Naisipan n'ya namang mag-aral dito dahil noong dinala s'ya ng mama n'ya dito ay nagustuhan n'ya.
Pero kung ako ang nasa sitwasyon n'ya. Doon na ako mag-aaral sa Canada. Like hello, Canada na iyon. Balita ko nga ay mababait tao doon.
"Bakit ngayon mo lang sinabi? Hindi ko tuloy s'ya napuntahan at makausap man lang." Reklamo ko.
"Malay ko bang gusto mo s'yang makausap." Aniya at sumubo ng fish ball habang nakatingin sa daan.
"Baliw ka pala eh." Inirapan ko s'ya kahit alam kong hindi n'ya nakita. "Syempre gusto ko s'yang makausap."
Ang bait kaya ng mama n'ya sa'kin, paanong hindi ko ito kakausapin?
"DM mo." Simpleng sagot n'ya.
Ano pa nga ba?
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa nakarating na kami sa train station. Pumasok na kami at umakyat. Kinuha ko ang beep card ko at nagpa-load muna. Baka pagsisisihan ko sa susunod na maaga ulit ang pasok ko, nagmamadaling umakyat at pagkatapos ay wala na pala akong load. Pagkatapos kong mag-load sa machine ay sabay na kaming umakyat ulit ni Sean upang hintayin ang tren. Maya-maya ay nakasakay na kami, kaya nga lang medyo sikipan dahil uwian na rin ng mga estudyante galing sa iba't ibang school.
Iisang station lang ang binababaan namin ni Sean. Pero hindi magkalapit ang bahay namin sa isa't isa. Bumaba na kami nang nakarating na kami sa station na binababaan namin at nagsimulang maglakad. Nilalakad ko lang ang bahay ko samantalang s'ya naman ay kailangang sumakay ng tricycle. Minsan naman kapag gusto n'ya akong sabayan pauwi ay hindi s'ya sumasakay. Hinahatid n'ya ako hanggang bahay. Katulad ngayon, hinatid n'ya ako sa bahay saka s'ya dumeretso sa apartment n'ya. Tingnan mo ang kaartehan n'ya. Ayaw n'ya mag-dorm at gusto mag-apartment. Siguro para kapag meron s'yang iuuwing babae ay solong solo nila ang isa't isa sa bahay n'ya.
Natawa at napailing-iling ako sa naisip ko. Grabe na talaga ang tingin ko sa kaibigan ko. Hayaan ko na lang, basta ba nag-iingat s'ya at h'wag s'yang magkaroon ng STD.
Pumasok na ako sa bahay at pumasok sa kwarto namin ng kapatid kong babae. Dalawa lang kaming magkapatid at ako ang bunso. Graduate na s'ya last year at meron na rin s'yang trabaho. At ang masasabi ko lang ay ang sarap ng pakiramdam na ikaw na lang ang mag-isang nag-aaral. Kotong kay nanay, tatay at ate. Kaya minsan tiba-tiba ako sa pera.
Nilapag ko ang bag ko at ang jacket ni Sean sa kama ko. Binuksan ko ang bag ko at napakunot ang noo ko.
"Baliw ka talaga Marissa."
Naligaw ang notes ni Sean sa bag ko. Kaya pala panay ang hanap n'ya kanina tapos nasa bag ko lang pala. Kailangan n'ya 'to kasi mag-aaral s'ya para sa quiz namin. Galit na galit pa naman s'ya kanina. Mukhang kailangan ko s'yang puntahan mamaya at ibalik ito sa kanya.
Nagpalit ako ng damit dahil medyo nandidiri na ako sa pawis na nakadikit sa uniform ko. Pagkatapos kong magpalit ay pumunta na muna ako sa kusina at naghanap ng makakain. Kakain na muna ako bago aalis. Pagkatapos kong kumain ay nag-toothbrush ako at kinuha ang notes ni Sean. Nagpaalam ako kay mama na aalis muna ako at pinayagan n'ya naman ako. Nilakad ko ang daan papunta sa apartment ni Sean. Pagkarating ko ay kakatok na sana ako pero hindi ko tinuloy.
Nakarinig ako ng music mula sa loob at alam ko na kung ano ang nangyayari doon. Gayunpaman, rinig ko pa rin ang kaunting pag-ungol ng isang babae mula doon. Napasapo ako sa noo ko at napailing-iling ng kaunti. Nakalimutan kong agahan ang pagpunta dito. Iba tuloy ang naabutan ko.
Nanatili akong nakatayo sa labas ng bahay ni Sean at hinintay na matapos sila.
BINABASA MO ANG
Friends With Benefits (R18) [COMPLETED]
RomantizmWarning: Mature Content (18+ only.) Friends Series #1 Kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Kahit minsan ay hindi nasagi sa isip ko na magkagusto sa kanya. Hanggang sa isang gabi, nangyari ang hindi dapat mangyari. May 17, 2020- June 17, 2020