Marissa's P.O.V.
"You kissed me last night, remember?" Pinanlakihan ko ng mga mata si Sean.
"You kissed me first, remember?" Madiing sabi n'ya habang hinagod-hagod ang pisngi n'ya.
Inis akong napairap. "Maligo ka na nga lang."
Nakakainis na ewan.
"Pagkatapos mo akong sampalin ay uutusan mo 'ko?" Halatang nainis s'ya sa ginawa ko.
Ikaw ba naman kasi na biglang sinampal, hindi ka ba maiinis?
"Nainis lang ako." Sagot ko at umupo sa couch n'ya.
"Tsk." Aniya at umupo sa tabi ko. "Tadyakan kita d'yan."
Sus! Kung makabanta naman s'ya akala n'ya naman kaya n'yang gawin. Pwedeng hampasin n'ya ako ulit ng unan pero hindi n'ya ako kayang tadyakan.
"Maligo ka na." Utos ko sa kanya at tinulak s'ya para tumayo s'ya. Kaya nga lang hindi s'ya natinag.
"Bakit ba?" Nagtatakang tanong n'ya.
"Aalis tayo. Sasamahan mo ako."
"Ayokong umalis. "Iritadong saad n'ya.
Napanguso ako. "Sige na kasi, wala akong kasama." Pagdadabog ko at muli s'yang tinulak.
"Paano ka na lang kung wala ako." Inis s'yang tumayo at kumuha ng damit sa drawer n'ya. Dala-dala n'ya rin ang tuwalya n'ya at pumasok sa CR.
Napangiti ako dahil napapayag ko kaagad s'ya. Binuksan ko ang TV at nanood. Tumayo ako at pumunta sa tapat ng refrigerator n'ya. Binuksan ko ito at naghanap ng makakain. Nilagpasan ng mga mata ko ang hindi ko nagustuhan na pagkain. Nakakita ako ng mga apple. Kumuha ako ng isa at kumagat.
"Masarap." Komento ko at sinara ko na ang refrigerator. Bumalik ako sa couch at muling nanood ng TV habang hinihintay si Sean.
Matagal talagang naliligo si Sean. Hindi na ako nagtataka dahil daig pa n'ya talaga ang babae. Pati nga sa school ay naghihilamos s'ya doon at may pang dala-dalang toothbrush. Pero ang hindi n'ya makakalimutan ay ang alcohol n'ya. Minsan dumadami na rin ang alcohol n'ya dito sa apartment n'ya dahil sa tuwing nakakalimutan n'yang magdala, bumibili s'ya ng bago.
Maya-maya ay bumukas ang pinto ng CR at lumabas s'ya. Kumuha s'ya ng damit pang-itaas sa drawer at isinuot 'yun.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong n'ya habang tinutuyo ang buhok n'ya gamit ang tuwalya at nakaharap sa salamin n'ya.
"Sa grocery store." Sagot ko at muling nanood ng TV. Kumagat ulit ako ng apple.
"Sa dinami-dami ang pagkain 'yang apple pa talaga ang napili mong kainin."
Nilingon ko s'ya at nakatingin na rin s'ya sa'kin.
Pinanliitan ko s'ya ng mga mata "Bakit? Pinagdadamutan mo na ba ako?"
"Tsk." Napailing-iling s'ya at inayos ang buhok n'ya.
Inubos ko na ang apple at tinapon ang naiwang parte na hindi ko kinain sa labas ng bintana n'ya.
Nagalit s'ya sa ginawa ko. "Pulutin mo 'yun." Utos n'ya.
"Umiling ako." Ayaw.
"Isa."
Akala n'ya naman matatakot ako sa bilang n'ya.
"Dalawa."
Hindi ko s'ya pinakinggan at nanood pa rin ng TV.
"Such a b*tch" Inis na sabi n'ya at lumabas ng pinto. Malamang ay itatapon n'ya ng maayos ang tinapon ko.
Hindi naman ako bastos. Sadyang inaasar ko lang talaga s'ya. Masyado kasi s'yang clean freak. Gusto laging malinis ang paligid n'ya. Kaya naman nangupahan s'ya dito sa lugar na medyo malinis.
BINABASA MO ANG
Friends With Benefits (R18) [COMPLETED]
Roman d'amourWarning: Mature Content (18+ only.) Friends Series #1 Kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Kahit minsan ay hindi nasagi sa isip ko na magkagusto sa kanya. Hanggang sa isang gabi, nangyari ang hindi dapat mangyari. May 17, 2020- June 17, 2020