Dedicated to AnnBolyn
Marissa's P.O.V.
"Sean!" Tawag ko sa asawa ko na kasalukuyang naglalaro sa cellphone n'ya.
"What?" Tanong n'ya.
Inis akong napairap. Sarap talaga batukan. Umiiyak na naman itong anak n'ya dito.
7 years na ang nakalipas simula noong kinasal kami. 6 years old na rin ang baby boy namin na si Simon. Hindi lang itsura ang nakuha ni Simon kay Sean. Pati na rin ugali at talino ay nakuha rin nito.
Meron na rin kaming sariling bahay. Natupad rin ang pangarap ko na magkaroon ng sariling negosyo. Sa tulong na rin ni Sean na mas gusto rin ang mag-negosyo. Mas magaling pa s'yang mag-isip kesa sa'kin. Dahil sa kanya, lumalaki na ang negosyo namin. Alam kong matalino s'ya. Pero hindi ko lang inaasahan na mas malawak s'yang mag-isip pagdating sa negosyo.
"Sean!" Muling tawag ko sa kanya.
"What?" Sagot n'ya ulit.
Hinawakan ko si Simon sa magkabilaang balikat habang nakatalikod s'ya sa'kin. "Tara punta tayo kay daddy."
Dahan-dahan s'yang tumango at naglakad kami papunta kay Sean.
"Itong anak mo kakauwi lang galing sa school, umiiyak na naman." Inis na sabi ko.
Binitawan ni Sean ang cellphone na hawak n'ya. "Bakit?" Tanong n'ya kay Simon na ngayon ay himihikbi.
"My girlfriend dumped me." Malungkot na sabi ni Simon.
Napakunot ang noo ko. "What?"
"Your girlfriend dumped you? Why?" Malambing na tanong ni Sean.
"Because she think I'm a playboy."
Napaawang ang labi ko sa narinig ko. Akala ko sinaktan s'ya ng classmate n'ya o ano. Pero babae? Babae ang problema n'ya.
Natawa lang ng mahina si Sean. "It's okay lover boy." Niyakap n'ya si Simon. "Mag-aral ka na lang ng mabuti para hindi ka iwan."
Dahan-dahang tumango si Simon. Kinindatan ako ni Sean kaya napakunot lalo ang noo ko. Ano naman 'yun?
"Sige na, gumawa ka ng nga mga assingments mo." Pinunasan ni Sean ang luha ni Simon. "Ang laki ng problema mo." Pabirong sabi nito.
Bahagya akong natawa sa sinabi n'ya. Ang bata bata pa ng anak ko pero babae na kaagad ang iniiyakan. Ewan ko na lang paglaki niyan.
Sinunod naman ni Simon ang sinabi ni Sean at kinuha ang bag nito. Tumayo si Sean at nilapitan ako.
"Ang laki na ni Simon, ano?" Aniya at niyakap ako mula sa likod ko.
"Yeah." Simpleng sagot ko. Alam ko naman 'yun at nakikita ko rin
"Pwede na sundan." May halong pang-aasar ang boses n'ya.
"Tse!" Singhal ko sa kanya.
"Bakit?" Nakangusong tanong n'ya.
Ngumisi ako. "Mamaya na."
"'Yun oh." Hinalikan n'ya ang batok ko.
Bahagya akong lumayo para pigilan s'ya. "Baka makita tayo ng anak mo." Nguso ko kay Simon.
"Tsk." Inis na sambit n'ya. "Simon, anak."
Nilingon naman kami ni Simon. "Yes daddy?"
"Matulog ka na." Utos ni Sean sa anak n'ya.
Tumango naman si Simon at pumunta sa kwarto nito. Napakunot naman ang noo ko. Papatulugin n'ya ang anak n'ya na hindi pa kumakain? Napakabuti n'ya namang ama.
"Hindi pa 'yun kumakain." Sabi ko.
"Anong hindi? Pinakain ko na 'yun kanina." Sagot n'ya.
"Ay tapos na ba? Sorry naman."
"So? Pwede na ba?" Bulong sa'kin ni Sean.
Inalis ko ang pagkakayakap n'ya sa'kin. "Hindi."
Napaangat ang isang kilay n'ya. "Okay, let's see."
Hinila n'ya ako at hinalikan sa labi. Niyakap n'ya ako ng mahigpit na para bang ayaw n'ya akong umalis.
"I love you." Bulong n'ya.
"I love you more." Sagot ko.
Ngumisi s'ya. "Tara na nga sa kwarto." At hinila n'ya ako papasok sa kwarto namin.
Meron pa ba akong magagawa? Hindi ko naman kayang tanggihan ang asawa ko. Kasi mahal na mahal ko s'ya kagaya ng pagmamahal n'ya sa'kin. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip na ang lalaking para sa'kin ay ang best friend ko noon. Buong akala ko ay magkakahiwalay kami pagkatapos namin magkolehiyo. Pero nagkamali ako. Dahil ngayon, asawa ko na s'ya at s'ya ang tatay ng anak ko.
Wala na rin akong ibang mahihiling pa, maliban sa isang masayang pamilya. Dahil kay Sean pa lang ay swerte na ako. Kuntento ako sa kanya at ganoon rin naman s'ya sa'kin. Pareho rin naming pinanghawakan ang pangako namin sa isa't isa sa harap ng altar.
'Till death do us part.'
Mamahalin ko s'ya, hanggang sa huli kong hininga.
-The End-
Friends Series #2 "Never Kiss Your Best Friend"
Salamat sa support. Love you all.
BINABASA MO ANG
Friends With Benefits (R18) [COMPLETED]
RomansaWarning: Mature Content (18+ only.) Friends Series #1 Kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Kahit minsan ay hindi nasagi sa isip ko na magkagusto sa kanya. Hanggang sa isang gabi, nangyari ang hindi dapat mangyari. May 17, 2020- June 17, 2020