Marissa's P.O.V.
Uwian na at nakakaramdam na ako ng kaba. Pinagpapawisan at nilalamig na ang mga kamay ko. Kanina ko pa kasi naisip na kausapin si Sean kapag uwian na. At ngayong uwian na, balak ko na s'yang lapitan. Sana ay magkaroon ako ng lakas ng loob.
Napalunok ako at tumayo. Kinuha ko ang bag ko at pasimpleng sinulyapan si Sean. Naglakad s'ya palabas ng room kaya dali-dali akong sumunod sa kanya.
"Sean!" Ayan na, tinawag ko na s'ya.
Napahinto s'ya at nilingon ako.
"Sean, mag-usap tayo please?" Pagmamakaawa ko sa kanya.
Sandali s'yang natahimik. Gayunpaman, inasahan kong hindi s'ya papayag. Mahigit isang linggo n'ya na akong hindi kinakausap ng maayos. Ano pa ba ang aasahan ko? Napayuko ako ng kaunti at umiwas na lang ng tingin. Napahigpit ang kapit ko sa strap ng bag habang hinihintay ang sagot n'ya.
Pero baka ayaw n'ya.
"Sige."
Muling napaangat ang tingin ko sa kanya. Pumayag s'ya na mag-uusap kami? Hindi ako nagkakamali ng dinig 'di ba?
"Pwede ba tayong mag-usap sa school grounds?" Tanong ko.
Tumango naman s'ya at naunang maglakad. Sumunod ako sa kanya ng tahimik at hindi ko alam pero nakakaramdam na ako ng kaba. Bakit ako kinakabahan? Best friend ko naman s'ya.
Nakarating na kami sa madalas naming inuupan dito sa school grounds at umupo na s'ya. Umupo naman ako sa tapat n'ya.
Hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin. Hindi ko rin makapa ang gusto kong sabihin. Kanina pa ako nakapag-isip ng sasabihin ko ngayon pero parang nakalimutan ko lahat.
"Uh..." Umayos ka Marissa. Baka umalis s'ya kapag hindi ka nagsalita d'yan kaagad.
"Ano 'yun?" Tanong n'ya.
Tumikhim ako. "Baka pwedeng h'wag ka munang magalit?"
Tumango naman s'ya. "Sure."
Medyo nakahinga ako ng maluwag sa sagot n'ya. Sana lang ay hindi s'ya magalit at sana ay makausap ko s'ya ng maayos. "Gusto ko lang linawin ang lahat Sean." Panimula ko. "Pero bago ang lahat, sorry kung ginalit kita."
Bahagya s'yang napatingin sa iba pero binalik kaagad sa'kin ang tingin n'ya.
"Sean ang totoo n'yan. Miss na kita." Pag-amin ko. "Miss ko na ang dating ikaw. Ang Sean na lagi akong inaasar. Ang Sean na lagi kong hinahampas. Ang Sean na lagi kong nasasandalan sa tuwing mayroon akong problema."
Pinigilan kong maluha. Sobrang miss ko na talaga s'ya. Ang dami kong gustong sabihin pero hindi ko masabi. Ang mahigit isang linggo na hindi n'ya ako kinakausap ng maayos ay parang umabot ng isang buwan.
"Nagulat ako kasi isang araw bigla ka na lang nagbago." Dagdag ko. "Hindi mo na ako kinausap ng maayos. Hindi mo na rin ako sinasabayan. Pakiramdam ko tuloy ay wala na akong halaga sa buhay mo." May halong pagtatampo ang boses ko. "Ikaw lang ang best friend ko Sean alam mo 'yan. Ikaw lang ang lagi kong kasama. Ikaw lang ang kakampi ko. Paano na lang ako kung wala ka? Sana naman ay bumalik na ang dating ikaw, please?" Kulang na lang ay ang lumuhod ako sa harap n'ya para lang maibalik ang dating s'ya.
Hindi s'ya umimik kaya muli akong nagsalita. "Kung ayaw mong sabihin sa'kin kung ano ang problema mo. O kung ano ang pinagkakaabalahan mo, kung sakaling meron man. Ayos lang sa'kin 'yun. Ang gusto ko lang ay ang bumalik ang Sean na mahal ako bilang best friend."
Nanatili lang s'yang nakatitig sa'kin. Bakit ayaw n'yang magsalita? Gusto ko s'yang magsalita. Hindi ko s'ya inayang mag-usap para ako lang ang dumaldal. Gusto ko rin marinig ang side n'ya.
"Meron ba akong nagawang mali?" Mahinang tanong ko.
Umiling s'ya. "Wala." Sagot n'ya.
"Pero bakit?" Desperada na akong malaman ang lahat. Sana magsalita s'ya.
"I'm not good for you, Marissa." Aniya.
"Hindi Sean." Umiling-iling ako. "Kaya nga kita best friend 'di ba? Kasi mabuti ka."
"Exactly."
Napakunot ang noo ko sa sinabi n'ya.
"Best friend mo lang ako Marissa. Pero mahigit doon ang ginagawa natin." Aniya. "Na-realize ko na hindi dapat natin 'yun ginagawa."
Natahimik ako sa sinabi n'ya.
"Sorry kung umabot tayo doon." Dagdag n'ya. "Kasalanan ko ang lahat. I'm sorry."
Napakagat ako sa ibabang labi ko. Pinagsisisihan n'ya ang lahat. Pero ano pa nga ba ang aasahan ko? Oo mahal n'ya ako, pero bilang best friend lang.
"Sorry din dahil nasabihan kita ng hindi maganda noong nakaraan. Stress lang ako noong araw na 'yun at gusto kong umuwi para matulog."
Kahit papaano ay natuwa ako dahil humingi s'ya ng tawad doon sa sinabi n'ya. 'Yun ang gusto kong marinig mula sa kanya kahapon pa.
Napabuntong hininga s'ya. "Naisip ko lang na dapat ay malayo na tayo sa isa't isa para sa ikabubuti nating dalawa."
Napalunok ako sa sinabi n'ya. I can't.
"Hindi ko dapat 'yon ginawa sa'yo. Because you're my best friend." Sabi n'ya. "Dapat binibigyan kita ng respeto. Nagawa kitang protektahan sa iba pero sa sarili ko ay hindi."
Napakapit ako sa dulo ng pang-itaas na uniform ko. Pinigilan ko pa rin ang luha ko. Ang lahat ng 'yon ay ang mga salita na gusto kong marinig mula sa kanya. At ngayong narinig ko na, nakaramdam ako ng saya. Gayunpaman, nagtataka ako dahil nakakaramdam pa rin ako ng kaba.
"Dapat hindi natin 'yun ginagawa. Dahil best friend kita and we don't love each other."
Doon na biglang tumibok ng mas mabilis ang puso ko. We don't love each other. Totoo ang sinabi n'ya pero bakit parang hindi ako sang-ayon?
Napalunok ako at hinanda ang sasabihin ko. "Pwede naman natin 'yun kalimutan lahat at magsimula ulit." Sabi ko.
I still want him to be my best friend after all.
Ngumiti s'ya ng kaunti at umiling. "Kagaya ng sinabi ko kanina. I'm not good for you." Aniya. "Pwede naman tayo maging stranger ulit sa isa't isa."
Napakunot ang noo ko sa sinabi n'ya. What?
"Sana malinaw na ang lahat sa'yo, Marissa. I can't be your best friend anymore. Magpanggap na lang tayo na hindi natin kilala ang isa't isa. Mas makakabuti 'yun para sa ating dalawa." Binigyan n'ya ako ng isang matamis na ngiti. "Bye Marissa." Tumayo s'ya at iniwan akong mag-isa.
BINABASA MO ANG
Friends With Benefits (R18) [COMPLETED]
RomanceWarning: Mature Content (18+ only.) Friends Series #1 Kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Kahit minsan ay hindi nasagi sa isip ko na magkagusto sa kanya. Hanggang sa isang gabi, nangyari ang hindi dapat mangyari. May 17, 2020- June 17, 2020