Chapter 20

16.4K 257 2
                                    

Marissa's P.O.V.

Lumapit ako kay Yesha na nakaupo sa isang upuan dito sa kusina. Kasalukuyan s'yang nanonood ng YouTube videos. Umupo ako sa tabi n'ya at nang napansin n'ya ako ay kaagad n'ya akong nilingon.

"Buti na lang at pumunta kayo dito." Bungad n'ya sa'kin. "Kanina pa kasi nalulungkot si Charles."

Mukha bang malungkot si Charles ngayon? Sa nakikita ko ay para namang hindi.

"Bakit daw?" Nagtatakang tanong ko.

Binalik n'ya ang tingin sa cellphone n'ya. "Nag-away na naman kasi sila ni Nicka."

Napakunot ang noo ko. "Na naman?"

Parang kailan lang ay pumunta si Charles sa bahay ni Sean at nagyaya uminom dahil nag-away daw sila ni Nicka. Tapos ngayon ay nag-away na naman sila?

"Bakit daw?" Tanong ko pa.

Nagkibit-balikat s'ya. "Madalas naman talaga silang nag-aaway."

Ano ba naman 'yan, hindi na nga sila nagkikita tapos nag-aaway pa. Same school lang naman sila pero minsan lang nagkikita.

Tumango-tango na lang ako at nakisilip kung ano ang pinapanood n'ya. Video ito ni Camilla Cabello at Shawn Mendes. Maya-maya ay bigla itong nag-kiss.

"They're just friends." Sabi ni Yesha at nilipat ang video.

Napalunok ako sa sinabi n'ya. "Ayos lang 'yan." Saad ko.

Kami nga ni Sean hindi lang nag-kiss pero friends lang rin.

"Anong ayos lang?" Nagtatakang tanong n'ya.

"I mean..." Nag-isip ako ng sasabihin. "Pareho naman silang single kaya ayos lang."

Nagkibit balikat s'ya. Nakinood na rin ako sa video na pinanood n'ya. Maya-maya ay sabay kaming tumawa dahil nakakatawang video ang pinapanood namin.

"Malalaglag 'yang babae tingnan mo." Sabi ko habang nakapokus sa pinapanood namin.

Hinintay namin na malaglag ang babae sa video. Nakangisi na kaagad ako. Hindi ko pa naman ito napapanood pero compilation kasi ng mga fail videos ang pinapanood namin ngayon. Malalaglag na ang babae kaya lumawak na ang ngisi ko.

"Hoy!"

"Ay!" Sabay na tili namin ni Yesha.

Nabitawan ni Yesha biglang ang cellphone n'ya at nalaglag ito sa sahig. Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil sa sobrang gulat.

"Parang tanga!" Sigaw ko kay Patrick.

Bigla-bigla ba naman kasing nanggugulat. Tumawa si Patrick ng malakas at pinulot naman ni Yesha ang cellphone n'ya saka tiningnan kung maayos pa ba.

"Kapag daw kasi dalawang babae ang nagsosolo na nanonood ng video. Porn daw ang pinapanood nila." Sabi ni Patrick.

What the hell? Pero alam ko namang nagbibiro lang s'ya.

Inis akong tumayo. "Sino ang nagsabi? Babalian ko ng leeg?" Pinanlakihan ko s'ya ng mga mata.

"Si Sean." Nakangising sagot n'ya.

Inis akong napairap. Dinadamay pa si Sean sa kabaliwan n'ya. Halata namang nang-aasar lang s'ya.

"Mabuti na lang at hindi nabasag itong cellphone ko." Saad ni Yesha. "Mukha talaga ni Patrick ang ipapalit ko dito kung nagkataon lang."

"Ha ha ha, nakakatawa 'yun." Tugon ni Patrick na parang wala s'yang ginulat kanina lang.

"Makaalis na nga." Inis na sabi ni Yesha na halatang naasar ng kaunti saka umalis sa kusina.

Friends With Benefits (R18) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon