Marissa's P.O.V.
Sandali, bakit parang hindi?
"No, I'm not Sean. I'm his older brother, remember?" Sagot ng lalaking katapat ko. Kahawig n'ya kasi ng kaunti si Sean kaya akala ko s'ya si Sean.
"Oh." Ang tanging nasambit ko.
Hindi naman ito ang unang beses na nakita ko s'ya. Nagkita na kami noon pero isang beses lang. Pangalawang beses na ngayon.
"Si Sean?" Tanong ko.
"Yeah, about Sean." Meron s'yang kinuha na isang maliit na red velvet box saka inabot sa'kin. "He ask me to give this to you."
Napakunot ang noo ko. Hindi ko naiintindihan. Bakit s'ya ang nagbigay?
Dahan-dahan kong kinuha ang box na 'yun pero hindi ko binuksan. Isa lang ang pumasok sa isip ko kung ano ang laman pero ayaw ko pa ring buksan. Ang gusto ko ay si Sean mismo ang magbubukas at magpapakita ng laman nito sa'kin.
"But where is he?" Tanong ko.
Napaiwas s'ya ng tingin at napakamot sa batok n'ya. "Uh..."
Hindi s'ya nagsalita at hindi n'ya rin ibinalik ang tingin sa'kin.
"Where is Sean?" Seryosong tanong ko.
Hindi ko alam pero lalo akong kinabahan. Una, bakit s'ya ang nag-abot sa'kin ng box na ito. At pangalawa, bakit ayaw n'yang sagutin ang tanong ko?
"Nasaan s'ya?" Muling tanong ko dahil hindi pa rin s'ya sumasagot.
I swear, kapag hindi s'ya nagsalita d'yan. Hindi ako magdadalawang isip na saktan s'ya.
"About him..." Ngayon ay nasa baba na ang tingin s'ya.
Pasikip na ng pasikip ang dibdib ko. Wala akong balita kay Sean simula noong umalis s'ya. Maging sa pamilya n'ya. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya doon sa Canada. Posible kaya na?
No way!
Napakagat ako sa ibabang labi ko habang hinihintay ang sagot n'ya. Ayaw n'ya pa ring magsalita hanggang ngayon. Pero bakit? Pwede n'ya namang sabihin kaagad kung nasaan si Sean.
"Uh..." Iniwas n'ya pa rin ang tingin n'ya sa'kin. "Dang." Mahinang sambit n'ya pero narinig ko.
Tama ba ang hinala ko? Posible ba na?
"Patay na ba s'ya?" Hindi ko na maiwasan ang magtanong.
This time, napatingin s'ya sa'kin kaagad. Nanlaki ang mga mata n'ya at halatang hindi s'ya makapaniwala sa narinig n'ya mula sa'kin.
"What? No! I was just waiting for the boat to come over." Meron s'yang tinuro. "I don't even know why I agree to this kind of plan."
Napatingin ako sa bangkang tinuro n'ya na papunta sa direksyon namin. Unti-unti akong napanganga nang nakita ko doon si Sean na nakangiti.
"Marissa! Will you marry me?" Malakas na tanong ni Sean.
What the? Baliw ba s'ya?
Napalingon ang ibang tao na nakarinig sa kanya. Ang lakas ng boses n'ya at ano ba ang pinaggagawa n'ya?
"Such an idiot." Sambit ng kuya ni Sean na halatang natatawa sa ginawa ng kapatid n'ya. Nilingon n'ya ako. "Just open the box."
Binuksan ko ang box at wala akong sing sing na nakita. Sulat lang ang nandoon. Binasa ko naman ang nakasulat.
'Please say yes.'
Marahan akong napapikit at inisip ang kalokohan ni Sean. Sira talaga s'ya.
Napatingin ulit ako sa bangka na ngayon ay wala na. Maya-maya ay biglang dumating sa tapat ko si Sean at tumabi naman ang kuya n'ya.
BINABASA MO ANG
Friends With Benefits (R18) [COMPLETED]
RomanceWarning: Mature Content (18+ only.) Friends Series #1 Kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Kahit minsan ay hindi nasagi sa isip ko na magkagusto sa kanya. Hanggang sa isang gabi, nangyari ang hindi dapat mangyari. May 17, 2020- June 17, 2020