Chapter 47

11.3K 194 4
                                    

Marissa's P.O.V.

"Ugh!" Pabagsak akong humiga sa kama.

Kanina ko pa tinitingnan ang cellphone ko. Lahat ng mensahe ko ay hindi sinasagot ni Sean. Nagpadala rin ako ng mensahe sa mama n'ya pero walang sagot. Nag-message request na rin ako sa papa at kuya n'ya pero wala rin akong natanggap na mensahe mula sa kanila.

Don't look for me. Don't text and call me.

Bakit Sean? Bakit hindi kita pwedeng i-text o tawagan? Ang gulo mo. Paano ko malalaman kung nandito ka na? Paano ko malalaman kung nakauwi ka na? At paano kung aasa lang ako sa araw na pinangako mo?

Sean paano?

Tinakpan ko ang mukha ko ng unan. "Sean, ginagawa mo naman akong baliw." Inis na sabi ko.

"Sean?"

Inalis ko ang pagkakatakip ng unan sa mukha ko at nilingon si ate. "Ha?"

"Si Sean?" Tanong n'ya. "Nandito na s'ya?"

Nakwento ko na sa kanila na umalis si Sean at bumalik sa Canada. Sinabi ko na babalik naman ito dito after 3 years. Pero hindi ko kinuwento ang tungkol sa amin. Mas gusto ko kasing sabihin kapag nandito na talaga s'ya. Kasama ko at sa ganoon ay sigurado ako.

Umiling ako. "Hindi pa."

Napakunot ang noo n'ya. "Kailan daw s'ya babalik?"

"Hindi ko alam." Sagot ko. "Wala akong balita sa kanya simula noong umalis s'ya. Sinabi n'ya lang na babalik s'ya noong mismong araw na umalis s'ya."

Gumuhit ang sarkastikong ngiti ni ate. "Kaya pala ginagawa ka n'yang baliw dahil wala kang balita sa kanya simula noong umalis s'ya." Halatang nang-aasar ang boses n'ya.

Inis akong napairap. Sawa na talaga ako sa mga pang-aasar n'ya. At alam kong simula pa lang 'yun ng pang-aasar n'ya. Kapag talaga nagkaroon s'ya ng manliligaw, kikilatisin at tatadtarin ko ito ng mga tanong. Ipapahiya ko rin s'ya sa harap nito mismo. But sad to say, wala s'yang manliligaw.

Napaupo ako mula sa pagkakahiga. "Bawal bang mag-alala? Best friend ko s'ya 'di ba?" Sarkastikong sabi ko.

At kung anu-ano na naman ang lalabas sa bibig n'ya.

Tumawa s'ya ng mahina. "Talaga?" Natatawa s'yang napairap. "Alam mo Marissa."

Ayan na, magsisimula na naman s'ya.

"Kapag ang magkaibigan ay nagkalayo. Tapos hindi kayo nagkausap ulit kahit sa social media. Makakalimutan n'yo ang isa't isa pansamantala." Aniya.

Sinasabi ko na nga ba. Hindi nga ako nagkakamali.

"Para sa'yo la..."

"Kahit best friend ang turing mo sa kanya." Pagputol n'ya sa sasabihin ko. "Dahil kapag ang dalawang matalik na magkaibigan ay nagkahiwalay. Makakahanap sila ng kapalit sa isa't isa. Sabihin na nating magkakilala pa rin kayo. Pero habang nasa malayo s'ya ay nasa ibang kaibigan n'ya atensyon n'ya."

"Hindi 'yan totoo." Walang ganang sabi ko.

"Totoo 'yun Marissa kasi malayo kayo sa isa't isa. Friend lang naman kayo kaya makukuha n'yong magkaroon ng bagong kaibigan, which is normal. At 'yang sitwasyon n'yo? 3 years kayong hindi nagkausap? Tapos ganyan ka makapagsalita? Sean ginagawa mo naman akong baliw." Inulit n'ya ang sinabi ko kanina pero sa maarteng paraan.

"So? Nag-aalala nga lang ako." Heto na, naiinis na naman ako. Ang dami kasing alam ng ate ko. Akala mo naman talaga expert s'ya.

"Ganito 'yan Marissa. Magkaibigan kayo at 3 years kayong nawalay sa isa't isa. Hindi na rin kayo nagka-usap. Sa ibang tao, minsan sa ganyang sitwasyon ay nakakalimutan na nila ang isa't isa." Dagdag n'ya.

"Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay nakakalimutan ang kaibigan nila." Sabi ko.

Pero hindi n'ya pinansin ang sinabi ko. "P'wera na lang kung merong ibang meaning."

This time, noo ko naman ang napakunot. Ano na naman kaya ang pumasok sa utak n'ya. "Ano naman ang ibig mong sabihin?" Walang ganang tanong ko.

"Like long distance relationship. Malay ko bang more than friends pala kayo sa isa't isa."

Hindi ko alam kung sasabog ba ako sa galit o hindi. Pero dahil sanay na ako sa mga pang-aasar n'ya. Sawa na ako sa mga pinagsasabi n'ya. Hindi na rin ako bata para mainis kaya hahayaan ko na lang s'ya.

"Girl, iba naman kasi ang tinginan n'yo noon." Maarteng sabi n'ya at napairap pa.

Tumayo ako. "Bahala ka na kung ano ang iisipin mo." Sabi ko at pumunta sa kusina. Kakain na lang ako dito.

Kumuha ako ng makakain at umupo. Hindi ko naman napansin na nakasunod pala sa'kin si ate. Kumuha na rin s'ya ng pagkain n'ya at umupo sa tapat ko.

"So ano ang kwento?" Aniya at kinagatan ang sandwich.

Ano na naman kaya ang gusto n'ya?

"Anong 'ano ang kwento?'" Naguguluhang tanong ko.

Anong kwento ba ang gusto n'ya? Love story, comedy or horror?

"Kung bakit wala kang manliligaw?" Paglilinaw na tanong n'ya.

"Ano naman ngayon kung wala?" Kumagat na rin ako ng sandwich. "Ikaw rin naman, wala ka ring manliligaw."

Napairap s'ya. "Hangga't walang lupa at bahay ang manliligaw ko. Hindi ako magpapaligaw."

Napailing-iling ako. "Good luck." Sarkastikong sabi ko.

"So ikaw? Bakit wala kang manliligaw?" Pag-ulit ng tanong n'ya kanina.

"Kasi ayaw ko pa." Simpleng sagot ko.

"Kasi meron kang hinihintay." Pagtama n'ya at ngumisi.

Pinanliitan ko s'ya ng mga mata. "So hanggang kailan mo ako tatantanan sa pang-aasar mo?" May halong sarkastikong tanong ko.

"Hangga't hindi ka umaamin na gusto mo si Sean." Aniya.

Noon kapag inaasar ako ni ate, talagang kumukulo ang dugo ko. Pero ngayon ay hindi na. Nag-mature na ba talaga ako o sadyang na-realize ko lang na tama ang mga sinasabi n'ya.

"Actually Marissa, gusto ko talaga s'ya na maging bayaw. Kasi mabait, magalang, matalino, gwapo at responsable s'yang tao." Ngayon ay hindi na nang-aasar ang ngiti n'ya. Napalitan ito ng totoong ngiti. "Bilang ate mo, ang gusto ko lang ay ang kung ano ang mas makakabuti sa'yo. At sa tingin ko ay si Sean ang lalaking magpapasaya sa'yo habang buhay. Dahil ayaw kong masaktan ka. Ayaw kong umiyak ka. Kasi bunso ka namin eh. Mahal na mahal ka namin."

Hindi ko alam kung maiiyak o mandidiri ba ako sa kadramahan n'ya. Minsan ko lang s'ya naririnig na magsalita ng ganoon kaya hindi ako sanay.

"Like ew!" Sabay na sambit naming dalawa at sabay rin kaming nagtawanan. Nagmistula tuloy kaming baliw dito sa kusina.

Friends With Benefits (R18) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon