Chapter 30

12.4K 212 13
                                    

Marissa's P.O.V.

Uwian na at medyo natutuwa ako. Kasabay ko ngayon si Sean. Kahit hindi s'ya umiimik ay ayos lang. Ang mahalaga ay kasama ko s'ya.

Kasalukuyan kaming naglalakad palabas ng campus. Minu-minuto ang tingin n'ya sa cellphone n'ya at hindi man lang ako binigyan ng atensyon. Hindi naman s'ya galit, sadyang hindi lang s'ya nagsasalita. At kahit hindi ko rin itanong sa kanya. Hindi ko maiwasang isipin kung ano o sino ang pinagkakaabalahan n'ya sa cellphone n'ya.

Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko ang text si mama. Nainis ako dahil meron s'yang pinabibili. Dadaanan ko pa 'to ngayong araw. At ang ibig sabihin niyon ay baka hindi ko na naman makasabay si Sean pauwi. Malay ko ba kung nagmamadali s'yang umuwi ngayon at marami pa s'yang gagawin.

Napabuntong hininga ako. "Ah Sean." Tawag ko sa kanya.

Nilingon n'ya naman ako kaagad. "Hmm?"

"Siguro mauna ka na umuwi. Meron pa kasi akong bibilhin. Inutusan kasi ako ni mama." Sabi ko.

Sumama ka na lang Sean, please? Samahan mo ako. You see, wala akong kasama. Ilang araw na rin kitang hindi nakakasabay sa pag-uwi.

"Okay." Sagot n'ya.

Sa loob-loob ko ay nasaktan ako. Noon ay sinasamahan n'ya ako palagi, pero bakit ngayon ay ayaw n'ya akong samahan? Hindi n'ya ba nararamdaman na gusto ko s'yang kasama ngayon?

"Sige, ingat ka." Nginitian ko s'ya ng kaunti. Sinadya kong ipakita na nadismaya ako sa sinabi n'ya. Baka sakaling magbago ang isip n'ya at samahan ako.

"Ikaw rin, mag-iingat ka." Nginitian n'ya rin ako ng kaunti saka s'ya nagsimulang maglakad palayo sa'kin.

Tuluyang bumagsak ang balikat ko. Hindi ko 'yun inaasahan. Noon sa tuwing mayroon akong kailangang daanan ay sinasamahan n'ya kaagad ako. Pero ngayon ay basta-basta na lang s'yang papayag na mag-isa akong uuwi. Hindi n'ya ako sinabayan nitong mga nakaraang araw. Hindi n'ya rin ako inaasar. Hindi n'ya rin ako kinakausap ng maayos. Tapos ganoon na lang? 'Okay' at 'ingat' ang maririnig kong sagot mula sa kanya? Kamusta naman iyon?

Pinanood ko s'yang naglakad palayo habang mababagal naman ang hakbang ko. Ibinalik ko ang cellphone ko sa bag at nagpatuloy pa rin sa paglalakad. Nang nawala na s'ya ay saka na ako humakbang ng normal. Wala naman akong magagawa kung ayaw n'ya akong samahan.

Pagkalabas ko ng campus ay dumaan muna ako sa grocery store at binili ang pinabibili ni mama. Pagkatapos kong magbayad ay lumabas na ako saka muling naglakad papunta sa train station. Pagkasakay ko ng tren ay nakarinig ako ng malakas at matalas na boses ng babae. Mukhang pamilyar sa'kin ang boses kaya nilingon ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na 'yun. At hindi nga ako nagkakamali.

Meron talaga tayong kilala na malakas at matalas ang boses dito sa loob ng tren.

Nilapitan ko si Yssa na panay ang tawa kasama sina Patrick at Carlo. Hindi ko sila schoolmate pero nagkataon na nagkita kami dito.

"Yssa." Tawag ko sa kanya.

Nilingon n'ya ako. "Uy Marissa!" Halatang nagulat s'ya nang nakita n'ya ako. Ito ang unang beses na nagkasabay kami dito sa tren. Hindi ito madalas na nangyayari.

"Ang talas ng boses mo. Ang sakit sa tenga." Biro ko sa kanya.

Napalingon ang iilang pasahero sa amin. Malamang ay sumang-ayon sila sa sinabi ko. Nagawa ko ring isipin na kanina pa siguro nila hinihintay na mayroong magsusuway sa napaka-ingay na si Yssa.

"Kasi itong dalawang daga na kasama ko. Parang mga baliw." Aniya.

"Makatawag ka naman ng daga d'yan." Inis na sabi ni Carlo.

"Oo nga." Saad ni Patrick. "Bunny kami at hindi daga."

Napairap si Yssa. "Ano ba naman 'yan. Para namang hindi na kayo nasanay sa'kin."

Napailing-iling ako sa kanila. Hanggang dito ba naman ay magtatalo sila.

Binaling ni Yssa ang tingin n'ya sa'kin. "Kamusta pala Marissa?" Tanong n'ya.

"Ayos naman." Sagot ko.

Napatingin s'ya sa bandang likod ko. "Mukhang wala yata si Sean."

Ngumiti ako ng kaunti. "Meron kasi akong binili kaya nauna s'ya."

Napakunot ang noo n'ya. "Hindi ka sinamahan?"

Tumango naman ako. "Busy yata s'ya."

Tumango-tango s'ya. "Parang si Nicka lang ang drama n'ya." Natatawang sabi n'ya. Best friend n'ya si Nicka na girlfriend naman ni Charles.

"Parang ganoon na nga. Simula pa noong lunes, hindi ko na s'ya nakakasabay umuwi." Pag-amin ko. Sinabi ko na dahil wala naman akong ibang mapag-sabihan. Tawagin n'yo na akong weird pero wala akong ibang kasama sa school maliban kay Sean. S'ya lang talaga ang lagi kong kasabay at kasama sa lahat.

"Bakit naman?" Tanong n'ya.

Nagbikit balikat ako. "Hindi ko alam."

Magkaklase kami kaya alam ko kung sobrang busy ba namin o hindi. Sabahin na nating busy kami pero parang mas busy s'ya.

"Busy si lover boy." Ngisi ni Carlo. "Malamang babae ang pinagkakaabalahan ng lalaking 'yun."

"Oo nga naman." Sang-ayon ni Patrick. "Alam mo naman si Sean."

"Tama." Sang-ayon rin ni Yssa. "Baka nahanap na ang forever n'ya."

"Parang sobrang bilis naman yata." Komento ko at napailing-iling.

"Ganito." Wika ni Carlo. "Baka meron s'yang naka-one night stand noon. Tapos hindi n'ya kilala ang babae pero nahulog na ang loob n'ya sa babaeng 'yun. At noong nakita n'ya at nalaman n'yang nabuntis n'ya ito. Kailangan n'ya itong panagutan. Pero syempre natutuwa rin s'ya kasi sa simula pa lang ay gusto na n'ya ito. At unang kita n'ya pa lang sa babae ay ito na rin ang gusto n'yang makasama habang buhay." Dugtong nito. "Kaya sigurado ako na babae ang pinagkakaabalahan n'ya. Gano'n 'yun."

"Mahilig ka ba sa wattpad?" Tanong ni Patrick kay Carlo.

Umiling si Carlo kay Patrick. "Hindi." At binalik ang tingin sa'kin. "Pero sigurado akong babae ang dahilan."

Babae? Babae ba talaga? Pero kung babae nga, sino naman?

Hindi ko alam pero parang merong kumirot sa bandang dibdib ko. Malamang ay nagseselos ako. Dahil mawawalan na s'ya ng oras para sa'kin at mapupunta na sa babaeng 'yun. At kung babae nga talaga, dapat ay matuwa rin ako. Dahil sa wakas ay nakahanap na s'ya ng mamahalin n'ya. 'Yun ang gusto ko para sa kanya noon pa. Pero bakit parang hindi ako natutuwa?

Friends With Benefits (R18) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon