Chapter 22

15.3K 254 2
                                    

Marissa's P.O.V.

Nandito kami ni Sean sa canteen at kasalukuyang kumakain dahil lunch break na namin. Naparami ang kain ko ngayon dahil na-stress ako ng sobra kanina. Pagkatapos kong kumain ay sumandal na muna ako sa upuan. Ayaw ko munang tumayo at maglakad dahil busog na busog pa ako. Sinabi ko kay Sean na gusto ko munang magpahinga at pumayag naman s'ya. Inikot ko ang paningin sa canteen habang kinakalikot naman si Sean ang cellphone n'ya. Napadpad ang tingin ko sa isang babae na nakatitig kay Sean. Ang babaeng 'yun ay si Jenny, ang babaeng minsan na rin pumunta sa apartment ni Sean.

Nilipat ko ang tingin ko kay Sean. "Sean." Tawag ko sa kanya.

Napaangat ang tingin n'ya sa'kin. "Hmm?"

Ngumuso ako sa direksyon ni Jenny. Nilingon n'ya naman ito kaagad. Ngumiti si Jenny at ngumiti rin pabalik si Sean saka binaling ang atensyon sa cellphone. Nakita kong tumayo si Jenny at naglakad papunta sa amin at tumabi kay Sean. Nginitian ako nito kaya ngumiti na rin ako pabalik.

"Hi." Bati ni Jenny kay Sean.

Nilingon ito ni Sean. "Uh, hi." Balik bati n'ya.

Halatang merong gustong sabihin si Jenny pero nahihiya ito. "Kamusta na?" Tanong nito.

"Ayos lang naman." Sagot ni Sean at binalik ang atensyon sa cellphone.

Nilingon ako ni Jenny. Nakatingin lang rin ako sa kanya at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi naman kami totally close. Si Sean lang naman ang nakakausap n'ya noon.

"Busy rin siguro kayo, ano?" Tanong sa'kin ni Jenny.

Tumango naman ako. "Oo. Pero kaunting tiis na lang." Sagot ko.

Tumango-tango s'ya at sinulyapan saglit si Sean na hindi nag-abalang makinig sa amin. "Kami rin. Medyo na-i-stress na rin ako."

This is awkward. Kasi hindi talaga kami close.

"Ayos lang 'yan." Saad ko. "Makakalagpas rin tayo sa stress na 'yan."

Tumango naman s'ya. "Hindi na ako makapaghintay." Aniya.

Ngumiti lang ako at wala na akong naisip na sasabihin. Si Sean naman ay hinayaan lang kami na mag-usap. Maya-maya ay nagsalita na rin si Jenny sa wakas.

"Uh..." Sambit n'ya. "Sige kinamusta ko lang talaga kayo. Mauna na ako, may klase pa kasi ako maya-maya."

Tumango ako at ngumiti. Bago s'ya umalis ay nilingon n'ya muna si Sean saka s'ya tumayo at naglakad paalis. Sinundan ko s'ya ng tingin hanggang sa tuluyan na s'yang mawala sa paningin ko. Nilipat ko naman ang tingin ko kay Sean na ngayon ay nakatutok pa rin sa cellphone n'ya.

"Ano 'yun? Hindi mo man lang kinausap?" Sabi ko sa kanya.

Inangat n'ya ang tingin sa'kin. "Sino? Si Jenny?"

Tumango ako bilang sagot. At saka sino pa nga ba? Wala namang ibang babae na pumunta dito maliban kay Jenny.

"Ayos lang 'y-n." Aniya.

Ano raw? At anong ayos lang 'yun?

"Paano kung nahulog na pala s'ya sa'yo at gusto n'yang umamin?" Tanong ko.

Para kasing meron itong gustong sabihin kay Sean. Hindi ko lang alam kung ano.

Umiling s'ya. "Malinaw ang usapan naming no strings attached. Kung nahulog s'ya sa'kin, mali na n'ya 'yun."

"Pero paano kung nabuntis mo pala s'ya?" Tanong ko pa.

Natawa s'ya ng mahina sa sinabi ko. "Hindi Marissa. Ano ba ang pinagsasabi mo d'yan?"

Napailing-iling ako sa kanya. Kailan ba s'ya iibig ng totoo? Gusto ko s'yang makita na seryoso sa isang babae. Katulad ng pinsan n'yang si Charles.

Hindi na ako nagsalita ulit hanggang sa malapit na ang time. Nang nagsimula ang klase namin ay nanahimik si Sean. Hindi naman bago dahil talagang seryoso s'ya sa klase. Pero hanggang uwian ba naman ay halos hindi na s'ya nagsalita. Kalalabas lang namin ng campus at tahimik pa rin s'ya. Kaya heto na naman ako at naninibago sa katahimikan n'ya. Hindi ko alam kung dahil ba kay Jenny o hindi.

"Hoy!" Siko ko sa kanya.

Nilingon n'ya ako. "Hmm?"

"Kanina ka pa tahimik." Sagot ko. "Simula noong nakausap ko si Jenny." Dagdag ko.

Umiling-iling s'ya. "It's not about her."

Ibig sabihin ay meron ngang dahilan kung bakit s'ya tahimik ngayon. Pero kung hindi si Jenny ang dahilan. Sino o ano naman?

"So ano ang dahilan?" Tanong ko.

"And it's none of your business too." Aniya.

Inis ako napairap. "Best friend mo ako tapos hindi mo sasabihin?"

"Hindi mo naman 'yun kailangang malaman."

Pinanliitan ko s'ya ng mga mata. "So pinaglilihiman mo na ako ngayon?" May halong pagdududa na sabi ko. "Ang daya mo. Akala ko ba best friend mo ako. Sinasabi ko sa'yo ang lahat pero pagdating sa'yo... nevermind." Pangongonsensya ko sa kanya. Sana lang ay gumana. Pero hindi naman lahat ay gumagana pagdating sa kanya.

Natawa lang s'ya at inakbayan ako. "Just shut your mouth up. It's none of your business, okay?"

Inis akong napairap ulit. Ganyan naman s'ya minsan, naglilihim. Pero alam ko naman na kalaunan ay sasabihin n'ya rin sa'kin. Minsan ay weird rin s'ya. Ayaw n'ya sabihin ngayon, pero sinasabi rin sa susunod na araw o linggo. Kaya hinayaan ko na lang. Sasabihin n'ya rin 'yun sa'kin.

Napabuntong hininga ako. "Na-i-stress ako ngayon." Saad ko.

Kung gaano ako kasaya kahapon, kabaliktaran naman ngayon.

Bumulong naman s'ya sa'kin bigla. "Alam ko kung paano matatanggal ang stress mo."

Nilingon ko s'ya. "Ano?" Tanong ko.

"Tara, aral tayo."

Nanlaki ang mga mata ko. Tinulak ko s'ya bigla kaya nalayo s'ya sa'kin. "Baliw!"

Tumawa s'ya ang mahina. "Okay, sa susunod na lang."

Muli ko s'yang tinulak kaya lalo s'yang natawa. Nang-aasar na naman s'ya.

Friends With Benefits (R18) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon