Marissa's P.O.V.
Uwian na at sa kasamaang palad ay biglang umulan. Dapat kaninang madaling araw pa ito bumuhos para sana kanselado ang pasok ngayon. Ngayon pa talaga kung kailan uwian na at ilang oras na lang ay gabi na. Hinarap ko si Sean na ngayon ay naglalabas ng payong n'ya. Nang nakuha na n'ya ang payong ay kaagad n'yang sinara ang bag n'ya.
Nilingon n'ya ako. "May payong ka ba?" Tanong n'ya.
Umiling ako. "Wala, naiwan ko sa bahay." Seryosong sagot ko.
Pinanliitan n'ya ako ng mata, halatang hindi s'ya naniniwala. Akmang hahablutin n'ya ang bag ko pero inilayo ko mula sa kanya.
"Parang tanga." Inis na sambit ko. Manghahablot ba naman ng bag bigla.
"Ilabas mo na kasi." Naiinis na rin s'ya.
He knows me very well.
"Nauna ka ng maglabas kaya pasilong na lang." Hindi na ako nagsinungaling pa tungkol sa payong ko na ayaw kong mabasa. Alam n'ya naman na nagsisinungaling ako.
Napailing-iling s'ya at binuklat ang payong n'ya. "Sana hindi ka na nagpabili ng payong sa mga magulang mo kung ayaw mo rin namang gamitin."
"Ang dami mong kuda." Napangisi ako at nakisilong sa kanya. Inakbayan n'ya ako at napaakap naman ang kanang kamay ko sa likod n'ya.
"You're evil." Aniya.
Natawa lang ako sa sinabi n'ya. "Hayaan mo na. Balang araw ma-mi-miss mo rin ang pagsilong ko sa'yo."
"Never." Madiing sabi n'ya habang naglalakad kami at nilusob ang ulan. Hindi na ito sobrang lakas kagaya ng kanina kaya nilusob na namin.
"'Yang bag mo h'wag mo hahayang mabasa." Paalala ko sa kanya at baka hindi n'ya namamalayan na nabasa na pala ang bag n'ya.
"Bakit?"
"Nand'yan ang isa kong libro." Sagot ko kanya napatingin s'ya sa'kin.
"Bakit nandito?" Kunot noong tanong n'ya.
"Nilagay ko d'yan kanina. Hindi na kasi kasya sa bag ko."
"What the f*ck!" Sambit n'ya at napanganga.
"Sus! Parang libro lang naman 'yun." Kinurot ko ang tagiliran n'ya kaya napaaray s'ya. "Eto bag ko, pahawak na rin." Inabot ko sa kanya ang bag ko at tinanggap n'ya naman. Napangisi ako dahil masyado s'yang masunurin. Nakakatuwa tuloy s'yang tingnan.
Maya-maya ay inalis n'ya ang pagkakaakbay n'ya sa'kin tapos biglang tumakbo palayo. Napanganga ako sa ginawa n'ya at kaagad s'yang hinabol.
"Come back here you d*ckhead!" Tawag ko sa kanya. Nararamdaman kong nababasa na ako. Iwanan ba naman ako na walang payong tapos umuulan.
Maya-maya ay nilingon n'ya ako habang tumatawa. Huminto s'ya at hinintay akong makalapit sa kanya.
"Sorry." Natatawang sabi n'ya nang muli akong nakasilong sa payong n'ya.
"Nabasa na ako." Reklamo ko at napanguso ako.
Tumawa s'ya ulit. "I feel bad."
"Tse!" Niyakap ko ang sarili ko. Nilalamig na tuloy ako.
Tinanggal n'ya ang jacket na suot n'ya at pinatong sa likod ko. Pakiramdam ko tuloy ay mas lalong dumikit sa balat ko ang basang parte ng uniform ko.
"H'wag ka nang magalit." Halatang natatawa pa rin s'ya. "Sorry na." Pag-uulit n'ya.
Nang nakalabas kami ng campus ay bumili s'ya ng tubig at inabot sa'kin. Uminom daw ako ng marami at baka magkasakit ako. Sana man lang inisip n'ya muna 'yun bago ako hinayaang mabasa sa ulan.
Pagkatapos kong uminom ng tubig ay tumawag s'ya ng taxi at 'yun daw ang sakyan namin pauwi para hindi na kami maglalakad papunta sa train station. Pumasok kami sa taxi at sinabi n'ya sa driver kung saan kami pupunta. Pumayag ang driver kaya nagsimula na itong magmaneho. At dahil hindi namin ginamit ni Sean ang isip namin bago sumakay ng taxi. Natagalan kami sa byahe dahil sa sobrang traffic.
Nakakainis lang kasi hindi ko na kaya ang basang pang-itaas na uniform ko. Gustong gusto ko nang magpalit at nandidiri na ako.
Nilingon ko si Sean at binigyan s'ya ng matalim na tingin. Siguro naman nakikita n'ya kung gaano ka-traffic sa daan. Napakamot s'ya sa batok n'ya habang nakatingin rin sa'kin.
"Sorry na ulit." Aniya at ngumiti.
"Nilalamig na ako dito." Mahina pero madiing sabi ko. "Baliw ka talaga."
Niyakap n'ya ako. "Ayan, hindi na ba malamig?" Ngisi n'ya.
Tinulak ko s'ya ng mahina. "Bitawan mo 'ko."
"Ang arte. Chill ka lang d'yan, ako lang 'to." Mayabang na sabi n'ya.
"Kaya nga ayaw ko kasi ikaw 'yan." Asar na sabi ko.
Natawa at napailing-iling s'ya sa sinabi ko. "Arte mo."
Sampalin ko s'ya d'yan eh. Pero pasalamat s'ya at mabait s'ya. Hindi ko tuloy magawang magalit ng sobra sa kanya.
Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa tapat ng bahay. Kinuha ko ang bag ko mula sa kanya at kinuha n'ya rin ang jacket n'ya mula sa'kin. Nagpaalam ako sa kanya at bumaba ng taxi saka pumasok ng bahay. Rinig ko namang nakaalis na ang taxi.
Pumasok ako sa kwarto namin ni ate at nandito na rin s'ya. Nang napalingon s'ya sa'kin ay napakunot ang noo n'ya.
"Mukha kang patatas." Natatawang sabi n'ya.
"Tse!" Sabi ko at kumuha ng damit sa aparador. Nagbihis ako, hindi alintana na nandito ang ate ko. Sanay naman na kami na ganito sa isa't isa. Sinara ko ang aparador at umupo sa kama ko.
"Himala yata at matagal na ang huli mong inom?" Tanong n'ya at ibinuhos ang laman ng bag n'ya sa kama n'ya.
"H'wag kang mag-alala dahil masusundan na." Sagot ko.
Alam namin ang kalokohan namin sa isa't isa. At sa tuwing hindi kami magkasundo. Kanya-kanya kami ng sumbong kay mama. Kaya sa bandang huli, pareho lang kami na pinapagalitan. Pero ngayon ay hindi na kami nagsusumbungan. Malalaki na kami at hindi na bata para sa sumbong na 'yan.
"H'wag ka lang magpapahuli kay mama. Lagot ka sa kanya." Aniya.
"Yeah I know." Sagot ko.
Kasi kapag nagpahuli ako kay mama. Paniguradong pipingutin n'ya ako sa tenga. Ayaw n'ya kasi kaming umiinom hanggat hindi pa kami tapos sa pag-aaral. Pero pasensya sa kanya dahil simula noong nagkolehiyo ako, umiinom na ako.
"Oh!"
Mayroong inabot si ate na nagpangiti sa'kin abot hanggang mata ko.
"Grabe makangiti, parang nakakita ng ginto." Aniya.
Kinuha ko mula sa kamay n'ya ang allowance na inabot n'ya sa'kin. Sino ba naman kasi ang hindi matutuwa kung aabutan ka ng pera.
"Mukhang pera talaga." Dagdag pa ni ate.
"Grabe ka naman, labag pa yata 'to sa loob mo." Nakangusong sabi ko. "Hindi ba sasakit ang tiyan ko kung bibili ako ng pagkain gamit 'to?"
Inirapan n'ya ako. "Duh." Aniya at tumayo saka sinabit ang bag sa pinto ng kwarto namin. "Ang drama mo." Binuksan n'ya ang pinto. "Hanap lang ako ng makakain." Lumabas s'ya at sinara ang pinto.
Napatingin ako sa bag ko at kinuha ito. Nilabas ko ang cellphone ko at binuksang ang WiFi. Nag-pop kaagad ang chat ni Sean sa'kin na binasa ko kaagad.
Sean: Maghanda ka para bukas. 7 pm, sa bahay nina Charles.
Napangisi ako sa nabasa ko.
Reply ko: Sure.
Mukhang hindi ako maagang makakauwi bukas ng gabi. Saktong-sakto ang bigay ni ate na pera.
BINABASA MO ANG
Friends With Benefits (R18) [COMPLETED]
RomanceWarning: Mature Content (18+ only.) Friends Series #1 Kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Kahit minsan ay hindi nasagi sa isip ko na magkagusto sa kanya. Hanggang sa isang gabi, nangyari ang hindi dapat mangyari. May 17, 2020- June 17, 2020