Marissa's P.O.V.
6:30 pm na at nandito na ang mga kaibigan ni Charles na nakilala ko na rin noon. Galing din sila sa ibat-ibang school pero close friend pa rin ni Charles. Kaunti lang ang pumunta dahil mag-aaral daw muna ang iba. Sampu kaming nandito at wala pa rin ang girlfriend ni Charles.
Buong akala ko ay party ito pero hindi pala. Sampu lang talaga kami at wala daw masyadong pupunta sa mga inimbita ni Charles. Wala pa ang mga magulang n'ya pero nagpaalam na daw s'ya at pinayagan naman s'ya. Nandito kami ngayon sa likod ng bahay nila na mayroong pool. Nakahanda na ang iinumin at kakainin namin.
Umupo kami ng pabilog at nagsimulang uminom. Light lang ang drinks namin ngayon. Hindi daw muna sila maglalasing ng sobra. Saka na daw 'yun kapag wala nang problema sa school.
Maya-maya ay biglang kumanta si Carlo, ang isa sa mga kasama namin ngayon, ng birthday song kaya nakisabay na rin kami. Hindi na rin namin alintana kung maririnig ba kami ng kapitbahay nila. Basta ang alam namin ay nagsasaya kami dito. Nagkwentuhan kami at nagtawanan nang nagbiruan sila. Naramdaman ko na ang epekto sa'kin ng drinks pero alam ko pa naman ang nangyayari sa paligid ko.
Inubos ni Yssa ang bote n'ya at nilapag sa gitna. Mukhang alam ko na kung ano ang gagawin n'ya. S'ya ang babaeng mahilig sa mga extreme games and dares. At sa tuwing kasama s'ya sa ganito, asahan mong nakahanda na s'ya. Meron s'yang nilagay na maliit na square container sa gitna. Naglalaman iyon ng mga maliliit at inikot na papel. May mga nakasulat doon na mga dares.
"Spin the bottle!" Sigaw ni Yssa.
Naghiyawan kami at sumang-ayon sa kanya. Kapag sasali ka sa laro namin, dapat hindi ka aatras. Kung maarte ka at sensitive, h'wag ka nang sumali dahil maiinis lang kami sa'yo. Sa tuwing nagkakasama kami at naglalaro, hindi kami kill joy. At 'yun ang maganda.
Hinawakan ni Yssa ang bote saka ito pinaikot. Kapag tumapat sa'yo ang bote, bubunot ka ng papel at gagawin mo kung ano ang nakasulat doon. Unang tumapat ang bibig ng bote sa direksyon ni Yssa. Natawa kami dahil s'ya ang nagpaikot tapos sa kanya naman pala tatapat. Bumunot s'ya ng papel mula sa maliit na container at binasa.
"Lap dance, f*ck!"
Lalo kaming natawa. S'ya ang may gawa ng lahat ng dares pero nainis s'ya nang nabunot n'ya.
"Si Charles na ang pipili." Dugtong n'ya.
"Pipiliin ko si Patrick." Pili ni Charles.
"'Yun oh." Halatang na-excite si Patrick at pinagkiskis ang mga palad habang nakangisi kay Yssa.
Natawa kami sa reaksyon nito. Parang bata lang na natuwa dahil nabigyan ng kendi.
"Kapag ikaw tinayuan d'yan. Ewan ko na lang." Singit ni Carlo kaya lalo kaming natawa.
"Okay lang, may CR naman." Sagot ni Patrick at itinaas baba ang kilay.
"G*go!" Sigaw ni Charles at binato si Patrick ng isang chips. "H'wag ka dito sa bahay namin maglabas ng sama ng loob."
"Maliligo ako ng malamig na tubig." Sagot ni Patrick. "Ano ba ang iniisip mo d'yan?"
Muli kaming nagtawanan dahil sa mga pinagsasabi nila.
"Shut up na." Singit ni Yssa.
Tumayo ang isa naming kasamang babae na si Patty. Kumuha s'ya ng upuan at nilagay sa gitna. "Para mas masaya." Kinuha n'ya rin ang cellphone n'ya at nagpatugtog ng sexy music.
"Woah." Reaksyon namin.
Nakangising tumayo si Patrick at dali-daling umupo sa upuan. Tumayo naman si Yssa at nagsimulang gumiling papunta kay Patrick.
BINABASA MO ANG
Friends With Benefits (R18) [COMPLETED]
RomanceWarning: Mature Content (18+ only.) Friends Series #1 Kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Kahit minsan ay hindi nasagi sa isip ko na magkagusto sa kanya. Hanggang sa isang gabi, nangyari ang hindi dapat mangyari. May 17, 2020- June 17, 2020