Chapter 32

11.9K 232 3
                                    

Marissa's P.O.V.

Nagdadalawang isip pa rin ako kung pupunta ba ako sa bahay ni Isaac. Sabado ngayon at nandito ako sa bahay. Nakabihis na ako at pwede na akong umalis. Pero nagdadalawang isip pa rin ako. Gusto ko sanang pupunta rin si Sean para may kasama ako.

Kinuha ko ang cellphone ko at mag-send na sana ng message para kay Sean. Pero nakita kong hindi s'ya online. Baka meron s'yang ginagawa ngayon at hindi s'ya pupunta. Binuksan ko ang group chat namin at hinahanap na ni Isaac ang wala pa sa bahay nila.

Napabuntong hininga ako. Bahala na nga. Pupunta ako ngayon kahit wala si Sean. Hindi na lang ako magpapagabi masyado at iinom ng marami. Makikisaya lang ako saglit tapos uuwi na. Stress ako nitong nakaraan at kailangan kong sumaya kahit saglit.

Nilagay ko sa bag ang cellphone at lumabas ng bahay. Kinausap ko na si ate kanina na iwan n'ya ang spare key sa labas para hindi n'ya ako kailangang hintayin pa upang pagbuksan ako ng pinto. At para na rin hindi ko magising sina mama at papa mamaya pag-uwi ko.

***

Nandito na ako sa bahay ni Isaac at merong mga bisita na nagsiuwian at kaming mga classmate ni Isaac ang pumalit. Hindi kami kompleto lahat dito. Meron din kasi kaming mga kaklase na hindi talaga pumupunta o mahilig sa party.

Hindi ko alam kung sino ang kakausapin ko kaya nilapitan ko si Kevin. Pumayag naman s'ya na tumabi ako sa kanya. Nilibot ko ang paningin ko kung nandito ba si Sean pero wala. Hindi ko s'ya nakita. Siguro ay wala talaga s'yang balak na pumunta.

"Si Sean?" Tanong ni Kevin sa'kin.

Umiling ako. "Wala." Maikling sagot ko.

"Bakit raw?" Tanong n'ya.

Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam eh. Busy yata s'ya."

Kinunutan n'ya ako ng noo. "Bakit hindi mo alam. Best friend mo s'ya 'di ba? Lagi nga kayong magkasama."

Napangiti ako ng kaunti. "Oo, pero para naman s'yang nasa kabilang bundok." Mapaklang sabi ko.

Halatang naguluhan s'ya sa sinabi ko. Alam na alam nila kung gaano kami magkalapit ni Sean. Araw-araw din nila kaming nakikita na magkasama. Tapos bigla kong sasabihin na para s'yang nasa kabilang bundok.

"Anong nasa kabilang bundok?" Kunot noong tanong n'ya.

"Wala." Sagot ko at hindi na umimik pa.

Nagsimulang magsiyahan ang mga kaklase ko. Inabutan ako ng drinks ni Kevin pero tumanggi ako. Nagbago na ang isip ko. Hindi na pala ako iinom dahil wala akong kasabay sa pag-uwi. Mabuti sana kung nandito si Sean pero wala.

Nilapitan ako ng isa kong classmate na si Sasha. Nakipagkwenuhan ito sa amin ni Kevin. Naaliw naman kami dahil madaldal at joker ito. Kahit naman papaano ay natuwa ako.

Napatingin ako sa gitnang parte ng lugar dahil merong nilapag na mahabang mesa si Isaac doon.

"Body shots!" Sigaw ni Issac.

Naghiyawan ang mga classmate ko at itinaas-taas ang mga kamay.

"Body shots! Body shots!" Sigaw nila.

Napailing-iling ako. Heto na naman sila sa body shots.

"Bawal ang kill joy ngayon guys." Sabi ni Isaac. "Baka last na ang punta n'yo dito ngayon dahil alam n'yo na. Malapit na matapos ang pasukan at graduate na tayo ilang buwan na lang."

Muli silang naghiyawan at sumigaw ng 'lahat tayo ay makakapagtapos'. Medyo nakakalungkot nga lang isipin dahil kapag graduate na kami at meron na kaming kanya-kanyang trabaho. Bihira na kami magkikita o hindi na ulit kami magsasama ng ganito. Tapos ang iilan sa amin ay magkakaroon na rin ng kanya-kanyang pamilya. Kaya maaaring tuluyan na kaming mawalan ng oras sa isa't isa.

Friends With Benefits (R18) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon