Chapter 45

12.4K 194 15
                                    

A/N: Char lang. haha

Marissa's P.O.V.

Hindi ko alam kung sobrang busy ba ni Sean sa Canada. Hindi kami nagpapalitan ng text o tawag. Hindi ko tuloy alam kung ano ang ganap n'ya doon. Gayunpaman, pinanghahawakan ko pa rin ang pangako n'ya. Meron s'yang isang salita. Tinutupad n'ya kung ano ang sinasabi n'ya. At alam kong hindi n'ya ako bibiguin.

Meron akong trabaho kaya kahit papaano ay meron akong pinagkakaabalahan araw-araw habang hinihintay si Sean. Nakaipon na rin ako dahil wala na kaming pinapaaral. Ako ang bunso sa pamilya namin kaya ako ang huling nag-aral. At syempre ang balak ko sa ipon ko ay para sa magiging pamilya ko. Iniwasan kong gumastos para lang makaipon ng mas malaki. Balak ko rin kasi magtayo ng sariling negosyo.

Hindi ko na maalala kung kailan ako huling uminom o gumala ng malayo. Masyado akong nakatuon sa trabaho at sa future ko kaya hindi na ako nag-abalang isipin ang pag-iinom o paggala ko. Gusto ko rin naman mag-travel. Pero mas gusto ko na kasama ang taong mahal ko.

Magtatatlong taon na rin simula noong umalis si Sean. At malapit na ang date kung kailan ako pupunta sa lugar na tinutukoy n'ya. Ilang araw na lang ang natitira at makikita ko na s'ya ulit.

Hindi ko alam pero kinakabahan na ako. Hindi ko lang lubos akalain na malapit na pala ang araw na pinakahinihintay ko. Ang araw na magkikita kami ulit.

Kasalukuyan akong naglalakad pauwi ng bahay. Galing ako sa trabaho kaya medyo pagod ako. Nang nasa tapat ako ng bahay ay kaagad akong pumasok. Sumalubong naman sa'kin sina ate, mama, papa, tita at ang asawa nito. Nilapitan ko sila at nagmano sa kanila maliban kay ate.

"Sarap ng buhay, walang pinapaaral." Sabi ni tita.

Ngumiti naman ako.

"Ito si Maria wala ng obligasyon." Dagdag ni tita. "Kailan ka ba mag-aasawa?"

Inis na napairap si ate. "Si tita talaga!"

Natawa kami sa reaksyon n'ya. Ayaw na ayaw n'yang sinasabihan s'ya ng ganoon. Mag-aasawa daw kasi s'ya kung kailan n'ya gusto.

"Aba! Baka maunahan ka pa ng kapatid mo." Sabi ni tita.

"Ay malabo rin." Singit ni mama. "Ewan ko ba sa dalawang 'yan. Parehong walang boyfriend. Siguro kung kailan trenta na sila saka pa sila mag-aasawa."

This time, ako naman ang napairap. Nadamay na naman ako.

"Babaan n'yo kasi ang standards n'yo." Saad naman ni tito. "Kaya wala kayong boyfriend eh."

Wow naman tito. 

"Hindi pwede ano. Kelangan itaas ang standards." Sagot ni ate.

"Tama." Gatong ko.

"H'wag na rin kayo magpatagal magkaanak. Baka mamaya kung kailan matanda na kayo saka pa kayo magkakaanak." Wika ni tita.

"Okay, I'm out." Sabi ni ate at umakto na tatayo pero hindi tinuloy.

Meron talaga tayong mga tita na masyadong makulit at laging nagtatanong kung kailan tayo mag-aasawa o kailan tayo magkakaanak. Ang kulit lang nila.

"Basta ako hinahayaan ko na ang mga 'yan." Sabi ni papa. "Ang mahalaga ay nakapagtapos sila. At kung sino man ang mapapangasawa nila. Ayos lang sa'kin basta matinong tao."

Alam ko na 'yun papa. At saka matinong tao naman ang mahal ko. Sa totoo lang ay hindi naman talaga mataas ang standards ko. Ang gusto ko lang naman ay matinong tao rin. Merong pinag-aralan at nakapokus sa kinabukasan n'ya. 'Yun lang naman ang gusto ko. Basta ang importante, iniisip n'ya rin ang magiging future namin.

"Mga manliligaw? Siguro naman ay meron na kayo?" Tanong ni tita.

"Wala rin." Sagot ni mama. "Paano kasi itong si Maria. Ang gusto n'yang manliligaw ay mayroong sariling lupa at bahay. Ano? Ayos ka lang? Nililigawan ka pa lang tapos sariling lupa at bahay na kaagad?"

Natawa kaming lahat at napasimangot naman si ate. Hindi naman nagkakamali si mama. 'Yun ang gusto ni ate. Dapat daw ang manliligaw n'ya ay merong sariling lupa at bahay.

"Kasi ma, kapag nagkaroon ako ng boyfriend. Gusto ko ay s'ya na ang taong para sa'kin. At para kapag nagpakasal kami, meron na kaming sariling bahay." Paliwanag ni ate. "Ayaw kong magkaroon ng boyfriend dahil gusto ko lang. Kung magkakaroon man ako ng boyfriend, dapat panghabang-buhay na at wala ng hiwalayan pa."

Saan galing 'yun ate? Pero sabagay, meron naman talagang babae na ganoon mag-isip. Sa panahon ngayon na maraming relasyon ang natitibag. Meron pa ring babae na umaasang makikilala kaagad ang lalaking para sa kanila.

"'Yun naman pala." Sang-ayon ni tita.

Ewan ko ba d'yan sa ate ko. Kung anu-ano ang naiisip. Pero kagaya nga ng sinabi n'ya, itaas ang standards. Basta ako, kuntento na ako sa taong mahal ko. Meron akong tiwala sa kanya para sa future namin.

Si Sean pa ba?

Iniwan ko muna sila at pumunta sa kwarto. Inasikaso ko ang sarili ko saka humiga sa kama. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ito. Inasahan kong merong mensahe mula kay Sean pero wala.

Napabuntong hininga ako. Hindi kami nagpalitan ng mensahe magmula noong umalis s'ya. Maging sa mama n'ya ay hindi ako makahagilap ng balita tungkol sa kanya. Hindi ko rin alam kung gumagamit pa ba ng social media si tita. Nag-se-send naman ako ng message rito pero wala akong natanggap na sagot.

Minsan ay napapaisip akong sumuko na lang dahil baka walang tsansa at iba na ang mahal n'ya. Pero naiisip ko rin na si Sean 'yun. Si Sean ang nangako. Alam kong hindi s'ya sinungaling. Ang lahat ng sinasabi at pinapangako n'ya ay ginagawa n'ya. At kung meron man s'yang ibang mahal, sasabihin n'ya 'yun sa'kin kaagad upang hindi ako aasa.

Kaya hindi ako sumusuko hangga't hindi pa dumarating ang araw na pinangako n'ya sa'kin. Saka na ako susuko kung hindi n'ya ako sisiputin sa araw na 'yun.

Friends With Benefits (R18) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon