Marissa's P.O.V.
Maaga akong natulog kagabi kaya maaga rin akong nagising ngayon. Maaga akong nakapag-ayos at maaga rin akong makakaalis. Nakaalis na sina mama, papa at ate. Ako na lang ang naiwan dito sa bahay. Kaya sinigurado kong walang nakasaksak dito. Pumunta ako sa kusina at walang nakasaksak doon maliban sa refrigerator. Pumunta ako sa sala at maayos na rin. Ilaw, electric fan, TV and kung anu-ano pa ay nakapatay na at nakabunot na rin ang saksakan. Maliban sa WiFi na hindi talaga namin binubunot sa saksakan. Lumabas akong ng bahay at isasara na sana ang pinto pero hindi ko natuloy.
Sandali ang plantsa baka nakasaksak pa.
Muli akong pumasok sa bahay at dumeretso sa kwarto namin ni ate. Walang nakasaksak doon. Lumipat ako sa kwarto nina mama at papa. Wala na ring nakasaksak doon. Nakahinga ako ng maluwag at muling lumabas ng bahay. Bago ko ni-lock ang pinto ay kinapa ko muna ang cellphone ko sa bag at nakapa ko naman kaagad. Sinilip ko rin ang bag ko kung nadala ko na ba ang lahat ng kailangan ko ngayong araw at dala ko naman na. Tuluyan kong ni-lock ang pinto saka tinago ang susi sa usual hiding spot ng susi namin. Pero bago 'yun, sinugurado kong walang nakakita.
Tinalikuran ko na ang pinto ng bahay namin at humakbang. Nakita ko naman si Sean na naglalakad papunta sa'kin kaya huminto ako.
"Hey." Sambit n'ya nang nakalapit na s'ya sa'kin.
Sabay na kaming naglakad sa daan.
"Maaga ka yata ngayon." Aniya.
Nilingon ko s'ya saglit. "Maaga kasi akong nakatulog kagabi." Sagot ko.
Nakita ko sa anino namin na tumango-tango s'ya. "Napagod ka?"
Inis ko s'yang inirapan at tumawa naman s'ya.
"Ikaw? Maaga ka rin yata ngayon." Sabi ko.
"Maaga rin akong nakatulog. Syempre napagod rin ako. Mas pagod pa nga yata ako kesa sa'yo."
Muli akong napairap sa sinabi n'ya. "Ewan ko sa'yo." Ang labo n'ya kausap.
Pansin kong makakasalubong namin ang lalaki na nakasakay sa motor at may timba sa likod nito.
Sandali, mukhang alam ko ang laman ng timbang 'yun. Madalas 'yan dumadaan dito tuwing umaga.
"Tahooong! Tahong kayo d'yan."
Napakagat ako sa ibabang labi ko. Sinasabi ko na nga ba, hindi nga ako nagkakamali.
"Tahong kayo d'yan!" Muling sigaw ng tindero.
Sinulyapan ko si Sean na ngayon ay natatawa na rin. Malapit na namin makasalubong ang nagtitinda ng tahong. Napatingin ito sa'min at tinanguan kami nito.
Tumango naman ni Sean pabalik sa tindero. "Sarap niyan kuya."
Napakunot ang noo ko sa sinabi n'ya.
"Bili ka na." Nangiting sabi ng tindero.
"Papasok po kasi ako." Tugon ni Sean. "At meron na rin po ako." At nilingon ako saglit.
Jerk.
Tumango-tango ang tindero saka kami nilagpasan. "Tahong kayo d'yan!" Muling sigaw nito.
Tiningnan ko ng masama si Sean. Napatingin na rin s'ya sa'kin.
"Ano?" Tanong n'ya.
Inis akong napairap. "Ewan ko sa'yo!"
Tumawa s'ya ng mahina. "Alam mo bang maganda sa katawan ang tahong?"
"At bakit?" Masungit na tanong ko.
"Maganda ang tahong sa katawan. Kasi taglay nito ang vitamin sea." Aniya at ngumisi. "Tahong kayo d'yan." Panggagaya n'ya sa tindero kanina pero mahina lang.
Hindi naman nakakatawa ang joke n'ya.
Napailing-iling ako. "Bahala ka nga d'yan!" Singhal ko sa kanya at naunang maglakad. Hinabol n'ya naman ako habang tumatawa.
Nang-aasar na naman s'ya.
Nakasimangot ako hanggang sa tren. Paano ba naman kasi. Sa tuwing napapalingon ako kay Sean at napapalingon rin s'ya sa'kin ay ngumingisi s'ya. Kumukulo tuloy ang dugo ko at umiinit ang ulo ko. Masyado kasing nakakaasar ang ngisi n'ya.
Bumaba kami ng train station saka pumunta sa school namin. Medyo maaga pa kaya hindi pa nagsisimula ang klase namin. Pero nandito na kami sa room at nakaupo na. Hinihintay na lang namin ang mga classmate at ang professor namin. Naging abala naman si Sean sa cellphone n'ya kaya hindi ko na s'ya kinausap pa. Ayaw ko rin dahil baka mamaya mang-aasar na naman s'ya. Hindi nagtagal ay nagsimula na rin ang klase namin.
Lunch break na at simula kaninang pagkadating namin sa room ay hindi na nagsasalita si Sean. Naging seryoso na naman s'ya at halos ayaw na magsalita. Nagtataka naman ako dahil parang kanina lang ay nang-aasar s'ya tapos ngayon ay tahimik na.
Kasalukuyan kaming kumakain at tila ba nakatingin s'ya sa kawalan. Nangalahati na ako sa pagkain ko pero s'ya, halos hindi n'ya ginalaw ang pagkain n'ya.
"Sean." Tawag ko sa kanya.
Inangat n'ya ang tingin n'ya papunta sa'kin. Napaangat ang dalawa n'yang kilay.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.
Tumango naman s'ya kaagad. "Oo naman." Sagot n'ya pero alam kong hindi. Meron s'yang hindi sinasabi sa'kin.
"May problema ka ba?" Tanong ko.
Umiling s'ya. "Wala naman." Sagot n'ya pero alam kong nagsisinungaling s'ya.
"Ano ba kasi 'yun?" Tanong ko pa.
Umiling s'ya ulit. "Wala nga."
Pinanliitan ko s'ya ng mga mata. "Meron kang hindi sinasabi sa'kin."
"Wala Marissa." Aniya.
Nangulit pa ako. "Pwede mo naman sabihin sa'kin. Kaibigan mo naman ako."
"Wala nga, ang kulit mo!" Napalakas ang boses n'ya kaya natahimik ako. Maging ang iilang tao dito sa canteen ay napatingin sa'min.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at napayuko ng kaunti. Ito ang first time na sinigawan n'ya ako ng merong bahid na galit. Napapalakas lang ang boses n'ya sa'kin kapag tinatawag n'ya ako o gagamitin ang warning tone n'ya. Pero ngayon ay halatang nainis at nakulitan s'ya sa'kin.
Napabuntong hininga s'ya. "I'm sorry." Aniya at tahimik na kumain.
Hindi na rin ako nagsalita pa at tinapos ang pagkain ko. Pagkatapos kumain ay tahimik akong pumunta sa room. Alam kong nakasunod s'ya pero hindi na ako kinausap pa. Hindi na rin ako nangulit at baka masigawan na naman ako. Hinayaan ko na lang s'ya at kung ano man ang iniisip n'ya.
Uwian na at niligpit ko na ang mga gamit ko. Inayos ko sa bag ko ang mga gamit at sinadya kong bagalan. Hindi pa tumatayo si Sean at gusto ko s'yang makasabay pauwi. Bigla s'yang tumayo kaya sinara ko kaagad ang bag ko at sinabit sa balikat.
"S-sean." Tawag ko sa kanya nang nakahakbang na s'ya.
Huminto s'ya at nilingon ako. "Hmm?" Halatang nagulat s'ya dahil simula kanina ay hindi ko s'ya kinausap.
"Sorry pala kanina. Nakulitan ka tuloy sa'kin." Saad ko.
Tinanguan n'ya ako. "Sorry din." Aniya at ngumiti.
Napangiti na rin ako ng kaunti. "Uuwi ka na ba? Sabay na tayo."
Umiling s'ya. "Matatagalan ako ngayon sa pag-uwi. Mauna ka na siguro muna ngayon. May pupuntahan pa kasi ako."
Gusto ko sana s'yang samahan kung saan s'ya pupunta pero baka ayaw n'ya ng kasama. Ayaw ko naman mangulit ulit.
"Sige, mauna na ako." Paalam ko.
"Ingat ka." Ngumiti s'ya ng kaunti.
Tumango ako. "Ikaw rin."
Nauna na s'yang lumabas ng room. Sumunod akong lumabas at sinundan s'ya ng tingin hanggang sa nawala na s'ya sa paningin ko.
BINABASA MO ANG
Friends With Benefits (R18) [COMPLETED]
RomanceWarning: Mature Content (18+ only.) Friends Series #1 Kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Kahit minsan ay hindi nasagi sa isip ko na magkagusto sa kanya. Hanggang sa isang gabi, nangyari ang hindi dapat mangyari. May 17, 2020- June 17, 2020