Marissa's P.O.V.
Kasalukuyan kaming naglalakad ni Sean pauwi. Sinabayan n'ya ako dahil gusto kong ihatid n'ya ako. Hindi naman s'ya kumontra pa at pumayag. Pinag-usapan namin ang kung anu-anong bagay. Hindi naman kasi kami nauubusan ng topic dahil kung saan-saan rin naman napapadpad ang usapan namin. Tanaw ko na ang bahay namin at malapit na kami. Hanggang sa tuluyan na akong nakalapit sa bahay.
"Sige pasok na ako." Paalam ko sa kanya.
Tinanguan n'ya ako. "Okay. You study well."
Natawa ako sa sinabi n'ya. Ewan ko ba pero natawa na lang ako bigla. Naalala ko kahapon, dapat mag-aaral kami pero hindi natuloy. Tapos ang sabi n'ya babawi daw s'ya.
Kailan kaya 'yun?
Snap it Marissa, marami ka pang iisipin.
Saka na siguro.
"Umalis ka na nga." Pagtaboy ko sa kanya.
Kinindatan n'ya lang ako saka tuluyang umalis. Natawa ako at napailing-iling. Parang baliw ang lalaking 'yun.
Hinarap ko na ang pinto namin at akmang bubuksan. "Ay baliw ka!" Napatalon ako sa gulat dahil nakasilip pala ang ulo ni ate. Napahawak ako sa dibdib ko dahil kinabahan ako ng sobra. Promise, akala ko talaga multo na nakasilip.
"Baliw ka rin." Sabi ni ate.
Tinanggal ko ang sapatos ko at nilagay sa lagayan ng sapatos namin. Pumasok ako ng bahay at sinuot ang pang-loob ko na tsinelas.
Nilingon ko si ate na ngayon ay nakatingin sa'kin habang nakataas ang isang kilay.
"Ano?" Tanong ko. Iba kasi ang tingin n'ya.
"Boyfriend mo na si Sean?" Tanong n'ya.
And here we go again.
Napairap ako. "Anak ka nga talaga ni mama at papa. Pa-ulit ulit kayo." Inis na sabi ko.
"Bakit? Wala namang masama kung kayo na. At boto naman sina mama at papa." Aniya. "Umamin ka na kasi."
Isa pa 'to eh.
"Hindi nga. Magkaibigan nga lang kami." Inis na sabi ko.
Ang kulit n'ya rin. Hanggang kailan ko kaya uulit-ulitin sa kanila na magkaibigan lang kami.
Hindi n'ya pinansin ang sinabi ko. "Sabihin mo nga. Malaki ba?" Tinaas baba n'ya ang kilay n'ya.
"Ate!"
Nakakainis na talaga s'ya. Baka mapaamin ako dito bigla.
"Hala hala! Namumula. Ewww." Pang-aasar n'ya.
"Blush on 'yan." Pagsusungit ko.
"Hindi rin." Halatang nang-aasar pa rin s'ya.
Pumunta ako sa kwarto at pansin kong nakasunod s'ya.
"Aminin na kasi Marissa." Sabi n'ya at umupo sa kama n'ya.
Umiling ako. "Wala akong aaminin."
Wala akong aaminin kasi hindi naman talaga kami. At hindi ako aamin na nag-sex na kami kasi ayaw kong umamin. Kaya wala akong aaminin.
"Marissa papunta ka pa lang, pauwi na ako." Aniya at kinuha ang unan n'ya.
Inis akong napairap ulit. "Tama ka, nauna kang umuwi ngayon kesa sa'kin." Sarkastikong sabi ko.
"Hindi 'yun ang ibig kong sabihin." Aniya.
Nilapag ko ang bag ko sa study table at nagpalit ng damit.
"Ayaw talagang umamin." Mahinang sabi n'ya pero rinig ko.
Nilingon ko s'ya. "Wala akong aaminin." Pag-ulit ko.
"Bahala ka na nga d'yan." Kinuha n'ya ang cellphone n'ya at kinalikot ito.
Umupo ako sa upuan at humarap sa study table saka kinalikot na rin ang cellphone ko. Maya-maya ay narinig kong nandito na sina mama at papa. Lumabas ako ng kwarto at nilapitan sila. Nagmano ako at sumunod naman si ate.
Nagluto na si mama at tumulong naman ako sa kanya. Nagsalang ako ng kanin sa rice cooker at hiniwa ang mga gulay na lulutuin n'ya. Laging gulay ang kinakain namin ngayon dahil 'yun ang gusto namin ni ate. Gulay girl kasi kaming dalawa simula pa noong bata pa kami.
Pagkatapos naming magluto ni mama ay hinanda na namin ang hapag kainan. Tinawag ni mama sina papa at ate. Nagsipunta naman sila dito sa kusina at nagsimulang kumain.
"Kamusta naman ang pag-aaral, Marissa." Tanong ni papa.
Anong klaseng aral papa?
Kumuha ako ng isang sandok na kanin at gulay. "Maayos naman po." Sagot ko.
"May boyfriend na rin." Singit ni ate at kumuha ng kaunting kanin at kauting gulay.
"Sino?" Tanong ni papa at nilingon si ate.
"Wala akong boyfriend." Sagot ko at sumubo ng pagkain.
"Baka si Sean." Sagot ni ate at sumubo na rin ng pagkain.
"Talaga?" Tanong ni mama at nilingon ako.
Inis akong napairap. "Hindi ko nga s'ya boyfriend." Inis na sagot ko.
Heto na naman kami sa usapan tungkol kay Sean.
"Sayang, gusto ko ang batang 'yun. Sobrang bait at magalang." Sabi ni mama at kumain.
Magalang ka d'yan. Hindi na ako nagsalita at nagpatuloy sa pagkain.
"Wala naman tayong magagawa kung ayaw nila sa isa't isa." Komento ni papa.
"Paano kung gusto nila ang isa't isa pero ayaw lang umamin?" Tanong ni ate.
Inis ko s'yang nilingon. "H'wag ka ngang sumabat. Hindi ka naman kinakausap."
"Bibig mo Marissa." Suway sa'kin ni papa.
"Kasi si ate." Inis na sabi ko. "Magaling pa sa sarili ko."
"Bakit ka ba nagagalit? Inaasar ka lang naman." Sabi ni ate.
"Ikaw kaya ang asarin ko d'yan, hindi ka ba magagalit." Naiinis pa rin ako.
"Hindi naman kasi kailangang magalit kung hindi totoo." Sagot n'ya.
"Pa-ulit ulit ka kasi. Nakakainis na kaya."
"Ano ba!" Pigil sa amin ni papa. "Umayos nga kayong dalawa. Kumakain tayo dito."
"Mamaya pagkatapos kumain, magpatayan kayo." Singit ni mama.
Nanahimik na ako at ganoon rin naman si ate. Tinapos na namin ang pagkain namin at nagsimula na akong magligpit. Pinunasan ko ang lamesa saka naghugas ng mga hugasin. Pagkatapos ko ay pumasok na ako sa kwarto. Nandoon si ate at nakaupo sa kama n'ya. Napaangat ang tingin n'ya sa'kin. Umiwas ako ng tingin at umupo sa upuan, katapat ng study table ko. Kung mang-aasar na naman s'ya, wala akong panahon para doon.
"Alam mo Marissa." Simula ni ate sa usapan.
Huminga ako ng malalim at nilingon s'ya. "Ano na naman?"
Napailing-iling s'ya. "Wala ka bang napapansin sa inyo ni Sean?"
"Na ano?" Bored na tanong ko.
Oo ate ko s'ya at ginagalang ko s'ya. Pero kasi alam ko na kung anu-ano na naman ang lalabas sa bibig n'ya.
"Hindi ka naman n'ya titingnan ng ganoon kung wala s'yang gusto sa'yo." Sabi n'ya.
Napakunot ang noo ko. "Ha?" Naguluhan akong sa sinabi n'ya.
"Si Sean, pakiramdam ko may gusto s'ya sa'yo." Sabi n'ya.
Napahilamos ako ng mukha at umiwas na lang ng tingin bago pa ako tuluyang mainis. We're just friends at hanggang doon lang. Mahirap bang intindihin 'yun?
BINABASA MO ANG
Friends With Benefits (R18) [COMPLETED]
RomantizmWarning: Mature Content (18+ only.) Friends Series #1 Kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Kahit minsan ay hindi nasagi sa isip ko na magkagusto sa kanya. Hanggang sa isang gabi, nangyari ang hindi dapat mangyari. May 17, 2020- June 17, 2020