Marissa's P.O.V.
Humiga ako sa kama at hindi na nagpalit ng damit. Matutuyo rin 'yan mamaya at hindi naman ako nabasa ng sobra kanina. Hindi na ako nag-reply kay Sean at nag-youtube na lang. Random videos ang napanood ko. Pero halos lahat ng napanood ko ay nakakatawa kaya tawa rin ako nang tawa dito sa loob ng kwarto. Ilang beses na rin akong sinuway ni mama dahil umabot na daw sa sala ang tawa ko. Sa kalagitnaan naman ng panonood ko ay biglang nag-chat ulit si Sean.
Sean: Busy?
Ako: Miss mo ako kaagad?
Pang-aasar na tanong ko.
Sean: Maybe.
Napairap ako. Malamang ay nang-aasar na naman 'to.
Ako: H'wag kang magulo. Nag-aaral ako.
Sean: Really?
Alam kong naka-smirk s'ya ngayon at hindi naniwala sa sinabi ko. Alam na alam n'yang hindi ako gumagamit ng cellphone habang nag-aaral. Hindi kasi ako makakapag-aral ng maayos kong hawak-hawak ko ang cellphone ko.
Ako: Whatever. Basta h'wag ka na lang magulo.
Hindi na nag-reply si Sean at hindi na rin ako nag-chat. Rinig kong dumating na si papa galing sa trabaho kaya tinigil ko ang paggamit ng cellphone ko at lumabas ng kwarto. Nilapitan ko si papa at nagmano. Pagkatapos ay bumalik ako sa kwarto. Hindi na ako nag-cellphone ulit at nag-aral na lang sa study table ko. Hindi naman pwedeng puro cellphone ang aatupagin ko ngayon.
Maya-maya ay nandito na rin si ate. Nagpalit s'ya ng damit saka umupo sa kama n'ya. Tumayo ako at naglakad papunta sa aparador. Kinuha ko ang isang libro na nakapatong doon saka bumalik sa upuan at muling nag-aral. Pansin kong nakatitig sakin si ate kaya nilingon ko s'ya.
"What?" Tanong ko.
Kung makatingin kasi s'ya akala mo may nagawa akong mali sa kanya.
"Umamin ka nga, may boyfriend ka na ba?" Tanong n'ya. Hindi ko alam kung pinag-isipan n'ya ba ang tanong na 'yun o hindi.
Napakunot ang noo ko saka umiling. "Wala." Sagot ko.
Napa-smirk s'ya kaya lalong napakunot ang noo ko. Bakit ganyan s'ya makangisi?
"Talaga lang." Halatang nagpipigil s'ya ng tawa at tumango-tango.
"Ano ba? Magaling ka pa sa sarili ko." Inis na sabi ko.
At saka kung meron man akong boyfriend, malamang ay pinakilala ko na sa kanila.
Tumawa s'ya ng mahina. "So? Bakit hindi ka na virgin?" Seryosong tanong n'ya.
Nanlaki bigla ang mga mata ko sa sinabi n'ya pero kaagad ko itong binawi. "Pinagsasabi mo d'yan?" Umiwas ako saglit ng tingin, pero kaagad ko naman itong binalik sa kanya.
Paano n'ya nalaman?
"Marissa, h'wag ako." Aniya at ngumisi. "Alam na alam ko ang babaeng hindi na virgin. Halata sa katawan at lakad."
Pinigilan ko ang sarili ko na bigyan s'ya ng clue na tama ang sinasabi n'ya. "Ewan ko sa'yo." Muli kong itinuon ang atensyon ko sa pag-aaral pero hindi ako makapagpokus. Naririnig kasi ulit ng utak ko ang sinabi ni ate.
"Kung ayaw mong aminin, edi h'wag." Narinig kong tumayo s'ya mula sa pagkakaupo. "At saka h'wag kang mag-alala. Hindi ko sasabihin kina mama at papa." Narinig kong naglakad s'ya palabas ng kwarto.
Nilingon ko s'ya at kinindatan n'ya ako saka s'ya lumabas. Hindi pa rin ako makahinga ng maayos dito. Paano n'ya nalalaman kapag hindi na virgin ang babae? Humugot ako ng malalim na hininga at muling nag-aral. Inalis ko sa isip ko ang lahat ng sinabi ni ate para tuloy-tuloy ang pag-aaral ko dito.
***
Tahimik lang ako ngayong gabi pagkatapos kong makausap si ate. Kanina habang kumakain kami, sa tuwing napapatingin ako sa kanya at nakatingin rin s'ya sa'kin. Binibigyan n'ya ako ng mapang-asar na ngisi. Halatang seryosong-seryoso s'ya sa sinabi n'ya kanina. At halatang-halata nga na alam n'ya. Hindi ko na s'ya inimik hanggang sa paghugas ko ng pinggan. Ngayon ay nakahiga na ako sa kama ko at nakapatay na ang ilaw. Nauna na akong pumasok dito. Sina mama, papa at ate naman ay nanonood ng TV sa sala.
Pumikit ako nang narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto. Narinig ko ang lakad ni ate papunta sa kama n'ya at umupo rito. Narinig ko rin na binunot n'ya ang cellphone n'ya dahil naka-charge ito.
"Marissa." Tawag n'ya sa'kin.
Hindi ako umimik at nakapikit pa rin ako.
"Marissa." Muling tawag n'ya sa'kin.
Hindi pa rin ako dumilat at umimik. Ayaw ko muna s'yang kausapin. Aamin naman ako sa kanya pero kung kailan ko gusto.
"Hoy Marissa."
Hayaan mo s'ya d'yan Marissa. Saka mo na lang kausapin.
"Halatang gising dahil ayaw sumagot. Sus!" Aniya.
Napakagat ako sa ibabang labi ko. Oo nga pala, light sleeper nga pala ako. Isang tawag lang sa'kin ay nagigising na kaagad ako.
"Sabagay sabi nga nila, mahirap gisingin ang taong nagpapanggap na tulog."
Hindi pa rin ako umimik. Dahil alam na n'yang nagpapanggap lang ako na tulog, hindi na ako sasagot.
Narinig ko s'yang bumuntong hininga. "Basta Marissa, walang problema sa'kin kung may boyfriend ka na o hindi ka na virgin." Aniya. "Ang sa'kin lang ay dapat makapagtapos ka pa rin. At kung sakaling mabubuntis ka, kailangan rin na panagutan ka ng lalaking 'yun."
Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa huling linya ni ate o matutuwa. Hindi ako nag-expect na masasabi n'ya 'yun. Pero bakit naman ako mabubuntis? May proteksyon naman kami.
"Pero para sa'kin lang. Hindi ko alam kina mama at papa kung ayos lang sa kanila." Dagdag n'ya at narinig ko s'yang humiga.
Hindi na s'ya nagsalita pa at maya-maya lang ay nakatulog na s'ya. Natulog na rin ako dahil dinalaw na ako ng antok.
***
Apat na araw ang nakalipas simula noong nag-usap kami ni ate. Apat na araw rin akong naging seryoso sa pag-aaral dahil marami kaming ginawa. Ganoon rin si Sean, naging busy rin s'ya nitong nakaraan. At sa wakas, makakapagpahinga na rin ako.
Tapos na ang klase namin ngayong araw. Maayos naman ang araw ko at nairaos ko naman ang lahat ng activities, reports at kung anu-ano pa. At isa lang ang naisip kong gawin ngayon. Gusto kong mag-relax dahil walang pasok bukas at wala na akong gagawin.
Lumabas na kami ni Sean ng room at naglakad palabas ng campus. Inaya ko s'yang kumain ng street foods dahil ilang araw ko na 'yun hindi pinapansin. Pumayag naman s'ya kaya bumili na kami. Kikiam ang binili ko ngayon at matamis ang ginawa kong sawsawan. Fish ball naman ang pinili n'ya at ang sawsawan n'ya ay suka.
"Sa wakas, makakapagpahinga na rin." Sabi ko at sumubo ng isang kikiam.
Tumango naman s'ya at hindi s'ya makasagot dahil ngumunguya s'ya.
Palinga-linga ako sa paligid at naghanap ng ano pa ang pwedeng kainin. Sumubo ulit ako ng kikiam habang iniikot ang paningin. Nang wala akong mahanap ay muli kong nilingon si Sean. Natawa s'ya nang nakita n'ya ako kaya napakunot ang noo ko. Nilapit n'ya ang kamay n'ya sa'kin at gamit ang hinlalaki n'ya, may pinunasan s'ya sa gilid ng labi ko. Bigla akong nakuryente sa hawak n'ya at hindi ako nakagalaw. Maging s'ya ay napatigil rin.
Lumapit s'ya sa'kin at bumulong. "Tara sa bahay, mag-aaral tayo." Halatang nang-aakit ang boses n'ya.
Lumayo s'ya at nakatingin pa rin sa'kin. Napakagat ako sa ibabang labi ko saka tumango.
Wait, pumayag ako?
BINABASA MO ANG
Friends With Benefits (R18) [COMPLETED]
RomanceWarning: Mature Content (18+ only.) Friends Series #1 Kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Kahit minsan ay hindi nasagi sa isip ko na magkagusto sa kanya. Hanggang sa isang gabi, nangyari ang hindi dapat mangyari. May 17, 2020- June 17, 2020