Marissa's P.O.V.
"Ate bilisan mo naman!" Sigaw ko kay ate na nasa loob ng banyo.
Baka mahuli ako sa trabaho sa lagay na ito. Kanina pa si ate sa loob ng CR, hanggang ngayon ay hindi pa s'ya lumalabas. Hindi pa ako nakakaligo at anong oras na. Idagdag mo pa ang walang kamatayang traffic.
"Mag-iisang taon ka na d'yan!" Dagdag ko pa.
Nakakainis na talaga. Bukod sa nagmamadali ako. Ihing-ihi na rin ako dito at hindi ko na kayang pigilan pa.
"Oo na, lalabas na!" Balik sigaw ni ate kasabay ang pagbukas ng pinto ng banyo.
Salamat naman dahil makakaligo at makakaihi na rin ako sa wakas. Mag-iisang oras ba naman kasi s'ya sa loob.
Lumabas s'ya at binigyan ako ng masamang tingin.
"Akala ko na-flush ka na sa loob." Sakastikong sabi ko. Ang tagal ba naman maligo. Gaano ba karami ang libag n'ya araw-araw?
Inirapan n'ya naman ako. "Nakakatawa 'yun." Sarkastikong tugon n'ya at umalis sa tapat ko.
Hindi na ako nagsalita at pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo ay binalot ko ang sariling katawan ko ng tuwalya saka lumabas.
"Bakit kasi hindi maaga gumising at naunang maligo." Kuda ni ate na nakabihis na. "Nadadamay pa tuloy ako."
"Maaga naman akong nagising. Ikaw lang naman itong inaabot ng siyam-siyam sa banyo." Masungit na sabi ko.
"Kaya nga mas agahan mo pa para maunahan mo akong maligo." Aniya.
Halos araw-araw ay ito ang pinagtatalunan namin ni ate. Lagi na lang kasi s'yang natatagalan sa loob ng banyo. Hindi ko alam kung meron ba s'yang concert doon o ano.
Hindi na ako umimik pa at pumasok sa kwarto saka nagbihis. Inayos ko na rin ang sarili ko at medyo natagalan ako. Isa ito sa problema ko. Napapadalas na ang kabagalan kong mag-ayos para sa sarili ko.
"Una na ako Marissa. Bahala ka na d'yan!" Sigaw ni ate mula sa labas ng kwarto.
Hindi ako sumagot dahil alam ko namang hindi ko s'ya mapipigilan. Pagkatapos kong mag-ayos sa sarili ko ay kinuha ko na ang bag ko saka lumabas ng kwarto. Lumabas na rin ako ng bahay at pumunta sa trabaho.
***
Tapos na ang trabaho ko at nag-aabang na ako ng masasakyan pauwi. Medyo traffic kaya nakapila ang iba't ibang uri ng transportasyon sa kalsada. Masasabi ko rin na mabagal ang usad. Kung malapit lang siguro ang bahay namin ay baka nilakad ko na. Pero hindi, malayo ang bahay namin.
Napabuntong hininga ako. Punuan ang jeep at bawat taxi ay merong sakay. Kung mag-bo-book naman ako ng grab, baka matagalan rin kasi traffic.
"Marissa!"
Napalingon ako sa taong biglang tumawag sa'kin. Napakunot ang noo ko nang nakita ko ang boy best friend ko at ang taong minahal ko noon.
"Jonas?"
Nilapitan n'ya ako. "Kamusta?" Nakangiting bati n'ya.
"Okay lang, ang tagal nating hindi nagkita." Hindi makapaniwalang sabi ko. Kung hindi ako nagkakamali, huli ko s'yang nakita noong huling taon ko sa kolehiyo.
"Oo nga." Sang-ayon n'ya. "Ilang taon na rin."
Ngumiti lang ako at hindi umimik kaya naman nagsalita s'ya.
"Malapit lang ba dito ng workplace mo?" Tanong n'ya.
Tumango naman ako. "Oo. Pero pauwi na ako, nag-aabang lang ako ng masasakyan."
"Mahihirapan ka n'yan. Sobrang traffic ba naman." Aniya at tiningnan ang mga nakapilang sasakyan. "Aalis na rin sana kami ng pamilya ko pero baka mamaya na lang."
"Parang gusto ko na nga bumili ng lumilipad na sasakyan kung meron man." Biro ko kahit alam kong hindi naman nakakatawa.
Natawa lang s'ya ng mahina.
"Daddy!"
Napatingin ako sa batang babae na lumapit sa amin. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang anak ni Jonas. Malaki na rin s'ya at halatang magdadalaga na.
"Ano nga ulit ang pangalan n'ya?" Tanong ko at pagtukoy ko sa anak n'ya. "Joan ba 'yun?"
Natawa ng mahina si Jonas. "Hindi ako makapaniwala na hindi mo 'yun nakalimutan. Pero Joana ang totoo n'yang pangalan."
Tumango-tango naman ako. "Joana pala 'yun."
Akala ko Joan. Pero ayos na 'yun, isang letra lang naman ang kulang.
"Daddy sino po s'ya?" Mahinang tanong ni Joana sa pero narinig ko.
Kunot noo itong nilingon ni Jonas. "Hindi mo s'ya naaalala?" Tanong n'ya rito.
Umiling naman si Joana. "Hindi eh."
Natawa lang ako sa sagot nito. Sabagay, isang beses n'ya lang akong nakita. Mahigit tatlong taon na ang nakalipas at ngayon lang kami nagkita ulit.
"Ulyanin pala 'tong batang 'to. Hindi ko man lang alam." Biro ni Jonas kaya napanguso si Joana. Ang cute n'ya tingnan.
"Daddy gutom na ako." Nakangusong sabi ni Joana at kumapit sa braso ni Jonas.
"Sige, kakain na tayo." Nilingon ako ni Jonas. "Mauna na kami Marissa or baka gusto mong sumama?"
Nakangiti akong umiling. "Hindi na, hindi pa naman ako nagugutom."
Tumango-tango naman s'ya. "Sige mauna na kami." Paalam n'ya ulit.
Nakangiti akong tumango. Tinalikuran na nila ako. Naglalambing naman si Joana kay Jonas. At maya-maya lang ay merong babae na lumapit sa kanila. At sa pagkakaalala ko, 'yun ang mommy ni Joana.
Napailing-iling naman ako nang naalala kong niyaya ako ni Jonas kumain. Pero mukhang meron silang family date. Kamusta naman 'yun kung makikisali pa ako?
Pero ang cute nila tingnan. Masaya na rin ako para kay Jonas. Pero sabagay, dati pa ako masaya para sa kanya. Hindi ko rin akalain na ang babaeng nabuntis n'ya noon ay ito pa rin ang babaeng mahal n'ya hanggang ngayon. Hindi n'ya ito iniwan lalo na ang anak n'ya. Pinanindigan n'ya ang pagiging mabuting ama. Tinapos rin nila ang pag-aaral nila sa kabila ng lahat. At ngayon, nakikita kong masaya sila. Kung hindi nagloko noon si Jonas, malamang ay hindi n'ya makakamit ang masayang pamilya na mayroon s'ya ngayon. I mean, hindi ko naman yata deserve na masaktan. Pero baka sila ang para sa isa't isa at hindi kaming dalawa.
Ako kaya? Kailan kaya ako magkakaroon ng pamilya? Ng isang masaya at buong pamilya. Katulad ng pamilya namin nina ate, mama at papa. Mahal namin ang isa't isa kahit na hindi man namin sabihin. Kahit minsan ay nagtatalo at nagtatampuhan kami, hindi pa rin kami nagkawatak-watak. Loyal rin sina mama at papa sa isa't isa. Ni minsan ay hindi naisip ni papa ang mambabae. Hindi rin naman nagloko si mama.
At ako, gusto ko ng ganoong pamilya. Hindi naman talaga nawawala ang away. Pero ang mahalaga, nandoon pa rin ang pagmamahal. At pinaghahawakan mo pa rin ang pangako mo sa harap ng altar.
Till death do us part.
BINABASA MO ANG
Friends With Benefits (R18) [COMPLETED]
Lãng mạnWarning: Mature Content (18+ only.) Friends Series #1 Kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Kahit minsan ay hindi nasagi sa isip ko na magkagusto sa kanya. Hanggang sa isang gabi, nangyari ang hindi dapat mangyari. May 17, 2020- June 17, 2020