Marissa's P.O.V.
"H'wag mo s'yang tatawagan Yssa." Sabi ko kay Yssa. Pero ewan ko, deep indise ay gusto ko rin.
"Fine! Hindi ko s'ya tatawagan." Aniya.
Umupo ako saglit sa sementong hagdan at tinabihan naman ako ni Yssa. Mamaya na ulit ako maglalakad kapag kaya ko na ulit. Dapat pala ay hindi na muna kami umalis sa bar. Nagsisi na tuloy ako.
Kaharap namin ang daan papunta sa high way. Meron kaming nakitang taxi na mabagal ang takbo at nakatingin sa'min ang driver. Bumusina ito sa amin at sinenyasan kami na sumakay. Napakunot ang noo ko. Hindi naman kami nag-aabang ng taxi, nagpapahinga lang kami.
Umiling si Yssa bilang sagot sa taxi driver. Muli pa rin kami nitong sinenyasan na sumakay.
"Hindi nga po kami sasakay!" Sigaw ni Yssa pero mukhang hindi ito narinig ng driver kaya muli itong sumenyas.
"Ang kulit n'ya." Sabi ni Yssa. Inangat n'ya ang kanang kamao n'ya at pinakita ang middle finger n'ya. "F*ck you! Sabing hindi kami sasakay."
Natawa ako sa ginawa n'ya. Maging ang iilang tao na nakakita ay natawa na rin. Para talaga s'yang baliw.
"Ang kulit." Sabi n'ya.
Halatang nagalit ang driver ng taxi at umalis. Hindi ko pa rin napigilan ang sarili ko na tumawa. Galit na galit tuloy ang driver. Mabuti na lang at hindi kami nito sinugod.
"Ganoon pala 'yun?" Natatawang sabi ko.
"Siguro." Aniya at nagkibit balikat. "Ano? Hindi ka pa ba tatayo?"
Umiling ako at nanatiling nakaupo. Mamaya na muna ako maglalakad ulit. Pinagpapawisan ako kaya pinunasan ko ito gamit ang panyo ko. Inabot na kami ng ilang minuto dito at wala pa rin akong balak na tumayo. Hindi rin naman nagreklamo si Yssa nakatutok lang sa cellphone n'ya. Tinakpak ko ang mukha ko gamit ang panyo ko at pumikit.
Nahihilo na talaga ako.
Pansin kong may humintong sasakyan sa tapat namin pero hindi ako nag-abalang tingnan ito.
"Marissa umuwi ka na." Sabi sa'kin ni Yssa.
Umiling ako habang nakatakip pa rin ang mukha ko ng panyo na hawak-hawak ko. "Saglit lang."
"Sa grab taxi ka na matulog."
Inalis ko ang pagkakatakip ng kamay at panyo mula sa mukha ko at nilingon si Yssa. Pansin kong merong tao na nakatayo sa tapat ko kaya nilingon ko rin ito. Napakunot ang noo ko nang nakita ko si Sean.
Nilingon ko ulit si Yssa. "'Di ba ang sinabi ko h'wag mo s'yang tatawagan?" Mataray na sabi ko.
Tumango naman s'ya. "Hindi nga. Wala na akong pangtawag kaya nag-chat na lang ako."
Really?
Tumayo s'ya at tinulungan rin akong makatayo. "Pasensya ka na sa abala Sean. Hindi ko kasi s'ya kayang iuwi."
Tango lang ang sagot ni Sean.
"Una na ako Marissa." Nakangising paalam ni Yssa at umalis.
"Tara na." Pag-yaya ni Sean sa'kin. Pero pakiramdam ko ay 'yun ang una at huling sasabihin n'ya sa'kin ngayong gabi.
Sumakay na kami sa grab taxi at tahimik lang kami sa byahe. Hindi s'ya nagsasalita kaya hindi na rin ako nagsalita. Hindi na rin ako nag-abalang lingunin s'ya dahil alam ko naman na hindi n'ya rin ako titingnan.
Hindi n'ya ba ako tatanungin kung bakit ako naglasing ngayon?
Hanggang sa nakauwi na ako ay hindi n'ya pa rin ako kinausap. Deretso ang baba ko at hindi ko na s'ya nilingon pa. Bahala na s'ya sa bayad.
Kung gusto n'ya akong singilin sa bayad, edi kausapin n'ya ako bukas.
Nakapasok na ako sa bahay at inayos ko ang galaw ko. Dapat ay hindi ko magising sina mama at papa dahil paniguradong malalagot ako. Deretso ako sa kwarto at humiga ng kama. Hindi ko na talaga kaya. Gustong-gusto ko na talagang magpahinga.
***
Paggising ko ay naramdaman ko kaagad ang sakit ng ulo ko. Nilingon ko ang orasan. Isang oras pa ang natitira at magsisimula na ang klase namin.
Sandali. Isang oras na lang Marissa kaya bangon na.
Hindi ko na ininda ang sakit ng ulo ko at dali-daling kumuha ng damit at tuwalya. Naligo ako ng mabilisan at pagkatapos ay nagbihis.
"P*tangina." Hindi ko na napigilan ang mapamura habang nagbibihis.
Ang galing Marissa, ang aga mo nagdasal.
Sobrang bagal kong kumilos kaya paniguradong mahuhuli ako nito. Kaunting kanin at ulam lang ang kinain ko. Kahit alam kong matatagalan ako, hindi pa rin ako pwedeng umalis na walang laman ang t'yan.
Dali-dali akong pumunta sa train station at umakyat. Medyo marami na rin kaming nag-aabang at padagdag na ng padagdag ang tao.
Sinasabi ko na nga ba. Rush hour ngayon kaya marami na ang nag-aabang ngayon.
Ilang minuto ang nakalipas ay merong tren na huminto sa tapat namin at bumukas ang pinto nito. Nagsilabasan ang pasareho mula doon pero kaunti lang. Nagsipasok na rin ang mga tao sa unahan ko kung saan ako nakapila. Hindi pumasok ang babaeng nasa unahan ko dahil masikip na raw. Nang nakita ko ang espasyo na kasya pa ang dalawang tao ay sinunggaban ko na ang oportunidad at pumasok sa tren.
Kung nagmamadali ka, mag-iinarte ka pa ba?
Hindi naging madali ang pagsakay ko. Nagtiis ako dahil sobrang sikip. Sana ayos lang ang cellphone ko sa loob ng bag ko dahil naipit na ito.
Sa wakas ay nakababa na ako. Binilisan ko ang lakad papunta sa school. At sakto na isang minuto na lang ang natitirang oras ay magsisimula na ang klase namin.
As usual, hindi ko na naman katabi si Sean at hindi rin ako kinausap. Ayaw n'ya ba akong singilin? Pero sabagay, kailan ba s'ya naningil ng utang ko?
Hindi ko na naiintindihan ang sarili ko. Gusto ko pa rin s'yang makausap pagkatapos ng lahat. Gusto kong malaman kung bakit s'ya nagkakaganyan. Hindi n'ya 'yun kayang sabibin sa'kin lahat. Pakiramdam ko ay may rason kung bakit n'ya 'yun sinabi.
May rason kung bakit.
Sana nga ay may rason. Sana makuha namin sa maayos na usapan. Ayaw kong malayo sa best friend ko. Ayaw kong malayo kay Sean. Miss ko na s'ya, sobra. Kung alam n'ya lang.
Sana makausap ko s'ya ulit mamaya ng maayos.
A/N: Ang nagbabasa nito ay marupok.
BINABASA MO ANG
Friends With Benefits (R18) [COMPLETED]
RomanceWarning: Mature Content (18+ only.) Friends Series #1 Kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Kahit minsan ay hindi nasagi sa isip ko na magkagusto sa kanya. Hanggang sa isang gabi, nangyari ang hindi dapat mangyari. May 17, 2020- June 17, 2020