Marissa's P.O.V.
Dumating na si Yesha na merong dala-dalang damit para kay Yssa. Nang napatingin s'ya sa'kin ay sabay na bumagsak ang balikat n'ya.
Pinanliitan n'ya ako ng mata. "H'wag mo sabihing babalik na naman ako sa bahay para kumuha ng damit para sa'yo." Inis na sabi ni Yesha habang nakatingin sa'kin.
"Yesha please?" Pagmamakaawa ko. Wala akong dalang extra na damit. Hindi naman kasi ako nasabihan na maliligo pala ako dito. At ayaw ko namang umuwi sa amin na basang-basa.
Napabuntong hininga s'ya. "Okay." Inabot n'ya kay Yssa ang damit saka s'ya lumabas ulit upang kumuha ng panibagong damit para sa'kin.
Umalis ako sa pool dahil ayaw kong magtagal doon. Niyakap ko naman kaagad ang sarili ko dahil medyo bakat pala ang bra ko. Nakakahiya kapag nakita nilang lahat, siguro maliban kay Sean.
"Uy sexy." Tawag sa'kin ni Patrick.
Inis akong napairap at naglakad.
"Saan ikaw punta sexy?" Halatang nang-aasar ang boses ni Patrick.
Hindi na rin ako magtataka dahil malakas naman talaga s'yang mang-asar.
"Sa lugar kung saan walang manyak. Ibig sabihin, sa lugar kung saan hindi mo ako makikita." Inis na sabi ko at naghanap ng mapupuntahan. Pero kahit saang sulok naman ako pupunta ay makikita at makikita pa rin ako. Ayaw ko namang pumasok sa bahay dahil mababasa ko lang ang sahig doon.
"Ouch!" Ang tanging naisagot ni Patrick.
"'Yan. Manyak kasi." Si Charles.
"Hindi ako manyak ano. Nagbibiro lang ako." -Patrick.
"Kahit na." - Charles. "Buti na lang at hindi ka nasapak ni Sean."
Babalik na sana ako sa pool pero nakita kong tumayo si Sean at hinubad ang t-shirt n'ya saka ito inabot sa'kin. Kinuha ko naman 'yun mula sa kanya at sinuot.
"Salamat." Sambit ko at tinanguan n'ya lang ako.
"Tinakpan mo naman ang view Sean." Reklamo ni Patrick pero halatang nang-aasar pa rin.
"Shut the f*ck up!" Singhal ni Sean kay Patrick kaya nanahimik ito.
'Yan ang napapala sa'yo, baliw ka.
"Oh ayan. Nagalit na." Saad ni Charles kay Patrick.
"Sorry na. Hindi na mauulit." -Patrick.
Yakap-yakap ko pa rin ang sarili habang hinihintay na dumating si Yesha. Medyo humangin kaya nakakaramdam na ako ng lamig. Nakabihis na rin si Yssa. Sumunod naman na nakabihis ay si Carlo, damit naman ni Charles ang suot nito.
"Parang ang sarap tumalon ulit." Ngisi ni Carlo habang nakatingin kay Charles.
"Sige subukan mo. Mamaya pag-uwi mo wala ka nang damit na susuotin." Tugon ni Charles sa kanya.
Tumili si Yssa. "Ay bet ko 'yun!" Sabi nito.
"Basta talaga kalaswaan Yssa, ano?" Inis na sabi ni Carlo.
Ngumisi lang si Yssa. "Bakit? Ayaw mo ba ng ganoon? Magmumukhang hanging bridge ang ano mo kapag naglalakad. Kakaliwa tapos kakanan. Masaya kaya 'yun." At kinindatan pa si Carlo.
Napailing-iling ako. Ganoon talaga si Yssa minsan, medyo malandi magsalita, pero alam naman naming lahat na virgin pa s'ya. Sadyang open minded lang talaga s'ya at nagsasalita ng ganoon bagay. At nilalabas n'ya talaga kung ano ang pagkatao n'ya. Ako kasi ay naiilang pa rin. Alam kong may experience na ako pero parang hindi ka kayang gayahin si Yssa sa pagiging bold magsalita.
Hindi nagtagal ay nandito na si Yesha at merong bitbit na damit para sa'kin. Nakaramdam ako ng saya dahil kanina pa ako nagtitiis sa basa kong damit at gusto ko na magpalit.
***
Nakabihis na ako at nandito kami ngayon sa sala. Wala na kaming maisip na gagawin kaya nanood na lang kami ng movie. Kaso inabot kami ng kalahating oras kakapili kung ano ang panonoorin namin. Iba kasi ang gusto nina Yssa, Patrick at Carlo kaya nagtalo pa sila. Hanggang sa nasunod ang gusto ni Yssa na romance movie. Nakalimutan ko pa lang sabihin na spoiled brat si Yssa kaya makikipagtalo talaga kung ano ang gusto n'ya. Pero hindi ko naman sinasabing all the time ay ganoon s'ya, minsan lang naman lalo na kung gustong gusto n'ya.
Nag-order ng Pizza sina Charles at Sean kaya habang nanonood kami ay meron din kaming nginunguya. Katabi kong nakaupo sa sofa si Yesha sa kanan at nasa kaliwa ko naman si Yssa. Nasa paanan ko naman si Sean na nakasandal at pumagitna sa binti ko. Hindi man nila nakikita o napapansin pero nakahawak s'ya sa magkabilaang paa ko at kinikiliti ako ng kaunti.
Kapag ako nainis sa taong 'to. Hindi ako magdadalawang isip na ipalamon sa kanya ang karton ng pizza dito.
Kinikiliti n'ya pa rin ako kaya kinurot ko ang batok n'ya.
"Aray!" Daing n'ya.
Napatingin ang lahat sa kanya na nakakunot noo pero kaagad rin namang binaling ang mga atensyon nila sa pinapanood namin. Tumigil na s'ya kaya naman nakakapagpokus na rin ako sa pinapanood namin. Hanggang sa natapos namin ang movie ng tahimik. Halatang nagandahan si Yssa pero naiirita pa rin sina Patrick at Carlo. Ang gusto kasi nila ay action movies pero hindi sila nasunod.
12 noon na at ayaw pa rin namin magsi-uwi. Nagkwentuhan kami ng kung anu-ano at nakakatawa. Kahit papaano ay natutuwa naman si Charles dahil sa amin. Kagaya nga ng sabi ni Yesha kanina, nalulungkot daw ito dahil nag-away na naman sila ng girlfriend n'ya.
Hanggang sa nag-ayang umuwi sina Patrick at Carlo. Sumang-ayon naman si Yssa dahil meron s'yang gagawin. Nauna silang umuwi kaya naiwan kaming apat nina Yesha, Charles, Sean at ako. Nandito pa rin kami sa sala. Nagligpit naman si Yesha ng kalat saka tumabi ulit sa'kin.
"Gutom na ba kayo?" Tanong ni Charles sa amin.
Umiling ako dahil busog pa ako. Medyo marami ang nakain kong pizza kanina kaya ayaw ko munang kumain ngayon. Hindi na nga ako nag-exercise ngayong araw tapos babanat pa ako sa pagkain.
"Sabihin n'yo lang kung nagugutom na kayo. Para makapagluto ako." Sabi ni Charles at nagsitanguan naman kami.
Medyo nakakapanibago ngayong wala na sina Patrick, Carlo at Yssa. Sila kasi minsan ang nagdadala ng saya. Lalo na kapag nag-aasaran sila.
Kaharap ko si Charles na nakaupo at napasandal s'ya. Tiningnan n'ya ang cellphone n'ya at napabuntong hininga. "Grabe, hindi man lang tumawag." Aniya at pagtukoy n'ya kay Nicka.
Nakalimutan ko ring sabihin, si Nicka ay medyo ma-pride. Hinding hindi 'yun hihingi ng sorry kay Charles sa tuwing nag-aaway sila. At dahil hindi naman ito matiis ni Charles, s'ya na ang laging umiintindi at hihingi ng sorry para lang magkabati sila.
Napailing-iling si Sean na katabi n'ya. "Pero maya-maya lang ay tatawagan mo na s'ya."
Muling napabuntong hininga si Charles. "Ano pa nga ba?"
Tumawa ako ng mahina. "Marupok."
Natawa lang rin s'ya sa sinabi ko. Pero sa totoo lang, hindi ko maiwasang mainggit kay Nicka. Ang swerte nito kay Charles. Kasi hindi lang s'ya gwapo, may maibubuga rin pagdating sa talino. Loyal, seryoso, maunawain, mabait at maalagain. Kaya n'yang lunukin ang pride n'ya para lang kay Nicka. Kaya n'yang intindihin ang lahat para lang kay Nicka. Kaya n'yang magtiis para lang kay Nicka. Sana lang pahalagahan 'yun ni Nicka kahit kaunti lang. Hindi lahat ng lalaki ay kayang magtiis. Tao din sila at marunong mapagod at magsawa. At nakasisiguro ako na magsisisi ito kapag nagsawa si Charles.
Nilingon ko si Yesha na nasa tabi ko. Tahimik lang s'ya at hindi umiimik. Ang swerte rin ni Charles sa kanya. Nandyan s'ya lagi para sa boy best friend n'ya. Isa rin s'ya, hindi matiis ang best friend n'ya. Magkaibigan nga talaga sila, pareho silang marupok. At s'ya, mahal n'ya si Charles. Pero si Charles, iba ang mahal n'ya.
Ang gulo.
Pero ako? Nasaan na ba ang taong para sa'kin? Kailan ba s'ya darating sa buhay ko? Nasaan na ang taong mamahalin ako katulad ng pagmamahal ni Charles kay Nicka. Nilipat ko ang tingin ko kay Sean na nakatingin kay Charles.
No.
Hindi si Sean ang para sa'kin. Dahil magkaibigan lang kami at 'yun lang ang tingin namin para sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Friends With Benefits (R18) [COMPLETED]
RomanceWarning: Mature Content (18+ only.) Friends Series #1 Kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Kahit minsan ay hindi nasagi sa isip ko na magkagusto sa kanya. Hanggang sa isang gabi, nangyari ang hindi dapat mangyari. May 17, 2020- June 17, 2020