Chapter 13

19.4K 326 20
                                    

Marissa's P.O.V.

"Just shut up and cum with me." Bulong ni Sean.

"Uy g*go!" Napabalikwas ako ng bangon at nilingon si ate.

Nagising s'ya bigla at napatingin sa'kin. "Bakit? Bakit? Bakit?" Natatarantang tanong sa'kin ni ate.

Umiling ako. "Wala wala."

Sh*t! Panaghinip lang pala. Paano ba naman kasi, parang totoo na nangyari. Ramdam ko pa nga ang hawak.

"Anong wala?" Halatang inaantok pa s'ya. "May ipis ba?"

"Binangungot lang." Sagot ko at muling humiga.

"Magdasal ka kasi bago matulog." Inis na sabi n'ya. "Hindi kasi nagdadasal kaya ganyan."

Hindi nga ako nagdasal kanina pero kakaibang bangungot naman ang binigay sa'kin. Napabuntong hininga ako at kinumutan muli ang sarili. Hinawakan kong mahigpit ang kumot, mahirap na baka mahila ulit pababa kahit panaghinip lang ang kanina. Pumikit ako at muling natulog.

***

Habang nasa byahe papunta sa school ay inalis ko sa isip ko ang ginawa namin kahapon ni Sean at ang 'shut up and cum with me'. Natatawa ako na ewan sa tuwing naalala ko 'yun. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na h'wag matawa dahil nasa byahe ako. Baka isipin ng kasabay ko na nababaliw na ako dito.

Bumaba na ako at umalis sa train station saka nilakad ang daan papunta sa school namin. Dumeretso ako sa room, umaasang nandoon na si Sean para makuha ko na ang cellphone ko. Pero nabigo ako dahil wala pa s'ya. Umupo ako at hinintay s'yang dumating. Maya-maya ay nandito na s'ya at umupo sa tabi ko.

"Naiwan mo ang cellphone mo." Aniya at inabot sa'kin ang cellphone ko.

Nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang nakalimutan n'ya na rin ang ginawa ko kahapon. Nakakahiya kasi talaga. Pero umakto ka na normal lang Marissa, kaya mo 'yan.

"Salamat." Kinuha ko ang cellphone mula sa kanya at binuksan ito. Napangisi ako dahil fully charged na ito. Kahapon kasi ay 15% na lang ito. Mabuti na lang dahil matalino s'ya at naisipang i-charge bago binalik sa'kin.

Hindi s'ya umimik kaya muli akong nagsalita. "Si Charles pala, ano na ang nangyari sa kanya kagabi?" Tanong ko.

"Ayun medyo naparami ang nainom. Pero hindi s'ya nalasing talaga." Sagot n'ya at nilingon ako. "Nagpasundo yata kay Yesha kasi baka daw ay magalit lalo si Nicka kapag nalaman na uminom s'ya."

Tumango-tango ako. "Pero kamusta naman daw sila ni Nicka?"

"Nag-away lang pero magiging okay rin sila." Aniya. "Magbabati rin sila, hindi naman n'ya 'yun matiis."

Iba talaga si Charles magmahal. Kahit talaga wala nang masyadong oras si Nicka sa kanya, mahal n'ya pa rin ito at ayaw n'ya itong mawala sa kanya.

"Hanggang ngayon ba naman ay marupok pa rin s'ya?" Biro ko.

Natawa s'ya sa sinabi ko. "Mahal na mahal n'ya ang babaeng 'yun. Lagi n'ya namang naiintindihan si Nicka."

"Sabagay."

Tumango-tango ulit ako at sumandal sa upuan. Pinagkrus ko ang legs ko at pinaglaruan ang ballpen na nakuha ko sa arm chair.

"Sana lahat may Charles." Sambit ko.

"Tsk." Napailing-iling si Sean.

"Bakit?" Tanong ko.

"Wala lang." Natatawang sabi n'ya. "Si Jonas ba?"

Hinampas ko ang balikat n'ya. "H'wag mo na ngang ibalik 'yun."

"Bakit?" Napahagod s'ya sa balikat n'ya.

Friends With Benefits (R18) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon