Chapter 36

11.4K 204 2
                                    

Marissa's P.O.V.

Tulala ako habang naglalakad palabas ng campus. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng narinig ko kanina mula kay Sean.

Yes, you're right. You're my best friend and my f*ck buddy for f*cking sake.

Bigla akong nandiri sa sarili ko. F*ck buddy? 'Yun ang tingin n'ya sa'kin? Na naging isa ako sa mga babaeng naikama n'ya? Pero bakit ko kasi hinayaan na mangyari ang lahat ng iyon sa amin? Bakit ko binigay ang virginity ko sa kanya? Bakit?

"At h'wag mo akong iiyak-iyakan d'yan." Dagdag n'ya. "Dahil hindi kita pinilit, kusa ka ring pumayag."

Napapikit ako at huminga ng malalim para lang pigilan ang luha ko. Ang tanga tanga ko. Sobrang tanga ko. Ano ba ang nakain ko noong gabing 'yun?

Kinuha ko ang panyo mula sa bag at pinunasan ang luha ko. Ayaw kong umuwi na namumugto ang mata ko. Ayaw ko ring bumyahe na umiiyak.

Muli akong humugot na malalim ng hininga nang naramdaman kong tutulo na naman ang luha ko.

"Siguro mas prefer mo ang friends with benefits. Pwede rin naman." Aniya. "But please don't act as if you're my girlfriend, Marissa. Wala ka pa ring karapatan sa buhay ko."

Ang sakit pa rin talaga.

Tuluyang tumulo ang luha ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko at yumuko. Pinunasan ko ang luha ko at nagpatuloy sa paglalakad. Pilit kong pinakalma ang sarili ko upang hindi ulit tutulo ang luha ko.

Sobrang hirap magpigil ng luha, lalo na kung nagpupumilit itong lumabas.

Lahat ng sinabi ni Sean kanina. 'Yun ang pinakamasakit na salitang sinabi n'ya sa'kin simula noong unang araw kaming nagkita. Hindi naman s'ya ganoon magsalita noon. Mahal n'ya ako bilang kaibigan. At hindi n'ya ako kayang saktan. Pero kanina? Sobrang sakit ng mga sinabi n'ya.

Tuluyan na akong nakalabas ng campus. Nakayuko lang ako habang naglalakad papunta sa train station. Pakiramdam ko kasi ay namumula na ang mga mata ko ngayon. Ako ang tipong babae na hindi kayang ipakita sa ibang tao na umiiyak ako. Kaya naman todo pigil ako sa luha ko at pinupunasan ko kaagad kapag merong tutulo. Hindi ko pa rin inaangat ang ulo ko. Nanatili akong nakayuko at hinayaan ang nakalugay kong buhok na takpan ang magkabilaang gilid ng mukha ko.

Hanggang sa pagbaba ko ng train station ay hindi ko pa rin kayang iangat ang ulo ko. Napigilan ko naman ang luha ko kanina sa tren pero nangangamba pa rin ako na baka namumula pa rin ang mga mata ko.

Malapit na ako sa bahay at napahinto ako. Kinuha ko ang maliit na salamin sa bag at tiningnan ang mga mata ko. Hindi ito namumula at walang bakas na umiyak ako kanina. Ibinalik ko ang salamin saka dumeretso sa bahay.

Mabuti na lang at wala pa sina ate, mama at papa. Pumasok ako sa kwarto namin ni ate at muling tumingin sa salamin. Napabuntong hininga ako at inasikaso ang sarili.

Pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto. Upang maaliw ako, nanood ako ng TV sa sala. Kalahating oras ang nakalipas ay dumating na si ate. Hindi ko na pinanood ang bawat kilos n'ya at itinutok ang atensyon sa pinapanood ko.

"Marissa magluto ka na raw sabi ni mama!" Sigaw ni ate mula sa kwarto namin. "Nag-text s'ya sa'yo, hindi ka raw nag-reply."

Tumayo ako at pumunta sa kusina. "Ano lulutuin ko?" Tanong ko.

"Kahit ano!" Sagot ni ate.

Napabuntong hininga ako at naghanap sa refrigerator kung ano ang pwedeng lutuin. Nang nakahanap ako ay nilabas ko ito. Nagsalang na rin ako ng bigas sa rice cooker. Habang hinihintay ang kanin ay nagsimula na akong maghiwa ng lulutuin ko. Hanggang sa tapos na akong magluto.

Nasa sala si ate na ngayon ay nanonood na rin ng TV. Nakisalo ako sa kanya at umupo sa tabi n'ya. Tahimik lang kami pero maya-maya ay nagsalita s'ya.

"Nakita ko pala si Sean kanina."

Napakuyom ang kamao ko nang narinig ko ang pangalan n'ya. Muling nanikip ang dibdib ko nang naalala ko ang usapan namin kanina.

"Hindi pala kayo magkasabay." Dagdag ni ate.

Hindi ako umimik at nanood pa rin ng TV. Ayaw ko muna itong pag-usapan ngayon.

"Ilang araw ko ng nakikita si Sean na mag-isang umuuwi."

Hindi ba s'ya tatahimik? Hindi ba halata na ayaw ko itong pag-usapan?

"Nag-away ba kayo Marissa?"

This time, nilingon ko na si ate. "Wala na akong pakialam sa kanya." Bulalas ko bigla.

Napakunot ang noo n'ya sa sinabi ko. "Ibig sabihin ay nag-away nga kayo?"

"Hindi ko na s'ya kaibigan." Madiing sabi ko.

Natawa lang si ate sa sinabi ko. "Sus! Away magkaibigan lang 'yan. Magbabati rin kayo." Aniya.

Hindi n'ya naiintindihan. Sa lahat ng sinabi ni Sean kanina. Ano ang tingin n'ya? Magbabati pa rin kami?

"Anong magbabati?" Pagsusungit ko. "Wala s'yang kwentang tao. Wala s'yang kwentang kaibigan!"

"Grabe ka naman. H'wag ka namang ganyan."

Mukha ba akong nagbibiro dito at ganyang ang tugon n'ya? Seryoso ako rito. Seryosong seryoso ako.

"Totoo naman kasi." Inis na sabi ko. "Wala s'yang kwenta."

Napailing-iling s'ya. "Marissa, lilipas rin 'yang away n'yo. Ang tagal n'yo nang magkakilala pero sisirain n'yo lang."

'Yun na nga. Ang tagal na naming magkakilala. Pero sino ba ang sumira. Siguro naman ay s'ya ang sumira. Hindi n'ya naman kailangang pagsabihan ako ng ganoon. Sana kinausap n'ya na lang ako ng maayos.

"Hindi mo kasi naiintindihan." Binaling ko ulit ang atensyon sa TV.

"Bakit ba kayo nag-away?" Tanong n'ya. "Meron bang nagselos sa inyo?"

Napairap ako. "Anong selos?"

"Bakit? Wala ka bang nararamdaman para sa kanya?"

"Wala nga." Inis na sabi ko.

"Eh s'ya? Wala ba s'yang nararamdaman sa'yo?" Tanong pa n'ya.

"Bakit ba paulit-ulit ka?" Inis na tanong ko. Heto na naman kami sa usapan na 'yan.

"Tinatanong lang kita Marissa. Hindi mo kailangang mainis."

Inis ko s'yang nilingon. "Kasi paulit-ulit ka." Hindi ko na napigilan ang sumigaw.

Inis na inis na talaga ako ngayon. Pakiramdam ko ay sasabog na ako. Gayunpaman, hindi ko rin naiintindihan ang sarili ko.

"Bakit ka ba nagagalit?" Lalong napakunot ang noo n'ya. "Hindi mo kailangang magalit kung hindi totoo."

"Ayan! Ayan ka na naman sa hindi kailangang magalit kung hindi totoo." Sagot ko. "Bakit ba hindi ka na lang manahimik d'yan." Inis na sabi ko at pumunta sa kwarto namin. Kaagad akong humiga sa kama at niyakap ang unan ko.

"Bakit? Wala ka bang nararamdaman para sa kanya?"

"Hindi mo kailangang magalit kung hindi totoo."

Napapikit ako at napahigpit ang yakap sa unan. Meron na nga ba akong nararamdaman para sa kanya?

Friends With Benefits (R18) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon