Aldrich Nathan Kai POV
Nandito kami ngayon sa race track na palagi naming pinupuntahan. Nanonood ng mga naglalaban. Mamaya ay kami naman ang maglalaro.
Nakaupo ako sa hood ng race car ko habang nanonood na pulbusin ng isang manlalaro ang ibang kasali sa race.
Mabilis ang number 27 na yun. I don't think he can win with me. Maangas siguro ang lalaking nakasakay dyan.
"Tol, ang ganda nung chiks oh." Sabi ni Blake habang nakatingin sa kung saan.
Tiningnan ko naman ang tinuturo niya at nakita ko ang isang babae na nakablack croptop at ripped jeans. Nakaupo yun sa isang black ferrari.
"Yeah. I thought so. " sagot ko na lang.
"Kahit saan talaga may nakikita kang magandang hayop ka." Sagot ni Luke kay Blake.
"Lapitan ko ba?" Tanong niya sa amin.
"Eh di lapitan mo. But I think your not her type." Nakangising sabi ni Luke.
"Dude, ang lakas ng pagsuporta mo ha. Salamat." Sarcastic na sabi nito.
Hinayaan ko silang mag-usap at bumalik na lang sa panonood ng race.
Tiningnan naman ni Luke ang babaeng tinuturo ni Blake.
"She looks familiar." Sabi ni Luke habang nakatingin sa babae.
"Kilala mo ba dude? Pakilala mo naman ako."sabi ni Blake.
"No. This can't be. Nakabalik na ba siya?" narinig kong bulong ni Luke.
Nang matapos ang race ay nanalo yung number 27. Ang angas niya. Hamunin ko kaya?
Tumigil ang number 27 sa tapat nung babaeng tinuturo ni Blake. Nang lumabas ang nagmamaneho ng race car na number 27 ay nagulat ako sa nakita.
Narinig ko ang pagsinghap ni Luke sa nakitang babae.Babae pala ang nakasakay dun at p*tangina ang angas niya. Gusto ko siyang kalabanin.
---
Maxleigh Cassandra POVNang matapos ang race at ako ang nanalo ay bumaba na ako at pumunta sa pwesto ni Harley. Nakangisi ito sa akin nang bumaba ako.
"Oh bitch please. Wala ka na bang ibang kalaban yung medyo magaling naman. Parang hindi ka pinagpawisan." Nakangising sabi nito sa akin.
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang naramdaman kong may bumatok sa akin. Susuntukin ko sana kung sino mang anak ni satanas ang bumatok sa akin nang bumungad ang nakangising mukha ni Kuya Luke.
"Wtf Luke Ares?! Ang sakit ha." Sigaw ko sa kanya.
"Ganyan mo ba ako kamiss Maxleigh at sinisigawan mo ako pagkatapos kitang iapproach?"
"Sino bang hindi maiinis sayo? Ang sakit ng pagkakabatok mo." Naiinis na sabi ko sa kanya.
Hindi na niya ako sinagot at hinigit na lang ako para yakapin.
"Namiss din kita Maxleigh Cassandra." Natatawang sabi niya.
"Bakit ka nandito? Bawal mga bato dito." Pang-aasar ko sa kanya.
"Kasama ko mga kaibigan ko. Kaya pala pamilyar kanina ang nakita ko. Si Harley Shane pala ang naghihintay sayo." Sabi nito habang nakikipag-apir kay Harley.
"Aalis na kami. May pupuntahan pa ako." Sabi ko sa kanya.
"Teka lang. Papakilala ko mga kaibigan ko." Sabi niya at sinenyasan ang dalawang lalaki na lumapit.
BINABASA MO ANG
Chasing Her (COMPLETED)
RomanceAldrich Nathan Kai Lopez will know this girl named Maxleigh Cassandra Buenaventura. Dahil sa pagkatalo ay magiging slave siya ni Maxleigh. Maaari nga bang mahulog siya sa babaeng tumalo sa kanya at kinaiinisan niya? Pero sa panahong walang kasigurad...